Chapter 58

66 3 1
                                    

*He Lied...*

A/N: hi guys! pasensya na sa lahat ng mga naghintay sa update na 'to. Sobrang busy lang sa school, puro paperworks pa kaya hindi ko maisingit ang pag update. But anyway, ito na! Enjoy reading guys! ;)

And reminder, mas mapapabilis ang story dahil ilang chapters na lang at matatapos na rin 'to. Though I'm not sure kung ilang chapters pa. Again, enjoy reading!

~~

Chelsie's POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko, napangiti ako. Ang sarap kasi ng naging tulog ko eh. Ang ganda rin ng gising ko. Plus ang ganda ko pa, chos!

Anong date na ba ngayon?

Napatingin ako sa calendar, November 15 na pala.

Grabe ang bilis talaga ng araw. Hindi ko na namalayan na magbi-birthday na pala ako...

Shemay! oo nga pala! halos ilang linggo na lang at birthday ko na. Tatanda na naman ako ng isang taon >_<

Agad na rin akong bumangon atsaka naligo. Kumain na rin ako sandali at pagkatapos umalis na ng bahay.

Nakaka-miss kasabay si Gelo sa pagpasok. Dati rati naghihintay siya dito sa labas para sabay kaming pumasok. Dahil nga sa ako na mismo ang humiling sakanya na hindi na kami sabay. Though nagkikita naman kami sa school at magkatabi pa sa upuan. Nakaka-miss lang talaga.

I'm on my way to school. Nakasakay na ako sa tricycle. Mabilis lang ang naging byahe ko kaya nakarating din ako agad.

***

Everyone is outside the classroom. Halos katatapos lang ng first subject namin. Yung mga kaibigan ko naman nandito lang din sa room at nagkukwentuhan, wala ako sa mood makisali sa usapan nila eh. Si Gelo naman nakikinig lang ng music sa phone niya.

Kinuha ko yung isang earphone, "Share tayo!" nakangiti kong sinabi sakanya.

Nang marinig ko yung music agad kong tinanggal sa tenga ko yung earphone.

"Ang baduy naman Gelo! kailan mo pa nagustuhan yang ganyang klaseng music?" I told him.

Yung tugtog kasi is Young, Wild, and Free. At anak ng tokwa, hate na hate ko yan! ewan ko ba, di ko talaga gusto yan eh.

"Kanina lang. Maganda naman ah?" he said.

I glared at him at hindi na sumagot pa.

Ang boring, lalabas na lang muna ako.

Mabuti pa dito sa labas, mahangin, di tulad sa loob ng room nakakaloka yung init.

Nahagip ng mga mata ko si GJ habang palabas siya ng room nila. May kausap siya sa phone at mukhang masayang masaya siya.

"O sige sige. Okay bye" he said.

Nang maibaba na niya ang phone niya, kinuha ko na yung pagkakataon para lapitan siya.

"GJ!" tinawag ko siya,

"By..." he uttered, medyo nagulat siya sa pagtawag ko sakanya.

"Mukhang ang saya mo ah?" I smiled.

"Ah by, magpapaalam nga pala ako sayo. Hindi ako makakasabay sayo sa pag uwi, mauuna na ako. May lakad kasi ako eh" pag iiba niya ng usapan.

"Huh? eh may CAT form kami mamaya eh. Atsaka diba usapan natin na kapag may form tayo, hihintayin natin ang isa't isa?"

"I'm sorry, biglaan kasi yung lakad ko kaya ngayon ko lang nasabi sayo"

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon