Chapter 5

70 1 0
                                    

A/N: Lahat po ng POV ay kay Chelsie. Kung nabasa niyo po yung prologue (before chapter 1) you'll understand. Keep on reading! :-)

Chelsie's POV

"Tara na Kayl, hindi dapat natin sila pinapanood dito" I said.

"Pero, niloloko ka lang niya! nakikita mo naman diba?!"

Oo, nakikita kong magkasama sila, and they were kissing...

tumalikod na ako, hindi ko kayang makita. Masyadong masakit sa mata.

Hindi ko na hinintay si Kayla, nagsimula na akong maglakad. Sumunod din naman siya agad sakin.

"Sinasabi ko na nga ba eh! hindi pa talaga nagbabago ang lalaking yan!" sabi ni Kayla

Hindi ako nagsasalita, tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos kong makita ang nakita ko.

"Sinabihan na kita Chels diba? pero hindi ka naman nakinig sakin"

Hindi ba ako magagalit? Wala naman kaming relasyon, kaya wala akong karapatan magalit lalo na ang masaktan.

"Chelsie nakikinig ka ba?"

"H-huh?"

"Tss, hindi ka nga nakikinig. Okay, hindi na muna kita babatukan tulad ng ipinangako ko sayo. Pero Chels, ngayong alam mo na wag ka nang magbubulag-bulagan"

Magbulag-bulagan? hindi ko maintindihan. Naluluha ako, baka di ko mapigilan.

"Chels? umiiyak ka ba? Chels wag kang iiyak please" nag aalalang sinabi sakin ni Kayla.

"H-hindi, wala 'to" I said.

"Chels magiging honest ako sayo, I'm sorry kung naglihim ako sayo pero kaya ko lang naman hindi sinabi sayo dahil nakikita kong masaya ka kay Michael. Gusto ko ding bigyan ng chance si Michael na mapatunayan na nagbago na siya. Pero nagkamali ako. Chels, ang totoo kasi niyan," nakikinig lang ako sa sinasabi niya "naalala mo ba nung dapat may sasabihin ako sayo? sasabihin ko dapat sayo na... ikaw yung naging dahilan kung bakit nag break sila Michael at Jana. Naging usap-usapan sa ibang sections na ikaw ang dahilan kaya sila naghiwalay. Pinagselosan ka ni Jana. I'm sorry talaga Chels, pinilit ko namang sabihin sayo eh. Kaso... sigh, dapat pala hindi ko na lang hinayaan na mapalapit ka pa kay Michael"

Ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? bakit? paano?

"Ano pa? may iba ka pa bang alam na hindi ko pa alam?" seryoso kong tanong. Baka kasi may mga bagay pa akong hindi nalalaman.

"Ha? a..ano kasi eh, gusto mo ba talagang malaman?" nag aalangan niyang sinabi.

I nodded.

"Naririnig ko lang din 'to sa iba eh, sabi nila Chels, ginagamit ka lang daw ni Michael para pagselosin si Jana. Pero usap-usapan lang yun, hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Ayoko sanang maniwala--"

"Tama na, sapat na yung narinig ko" I fake a smile, "Tara na, balik na tayo sa room"

So kaya pala. Kaya pala sinasabi sakin ng mga kaibigan ni Michael na iwasan ko siya. Kaya pala niyaya niya akong lumabas, kumanta pa siya sa harap ng klase namin, yun pala wala na sila ni Jana. Ginawa niya lang akong panakip butas? huh, ang tanga mo Chelsie.

Siguro may mali din ako. Hinayaan kong gawin niya sakin yun. Nagbulag-bulagan ako sa katotohanang dati siyang babaero. Mali, babaero talaga siya. Bakit pati ako dinamay niya sa kagaguhan niya? Bakit ako pa?!

Ang tanga mo talaga Chelsie, hindi ka manlang nag isip. Bakit ba kasi ako nahulog sakanya? Dinaan niya lang ba ako sa pagkanta niya? sa pagiging sweet?! Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko >_<

Nasasaktan ako ng dahil sakanya. Sana pala pinaniwalaan ko na lang sila. Hanggang ngayon pala hindi pa rin siya nagbabago.

"...alam mo namang nagbago na ako. Isa pa hindi ko lolokohin yung pinsan mo no"

Oo nga pala, yun ang sinabi niya sakin dati. Hindi niya lolokohin si Jana, pero ako, ako ang naloko niya.

I don't know pero pakiramdam ko nangingibabaw yung hate ko sakanya ngayon. Pakiramdam ko ginamit niya lang talaga ako, tapos ako naman nagpauto. Ang sakit lang.

Tss, bakit nga ba ako magagalit? kasalanan ko naman din eh, nagpauto ako.

Pagdating namin sa room nakita kong nandito na si Michael. At papalapit siya sakin,

"Panget, wala daw si ma'am. Tara punta tayo ng canteen, kain tayo libre ko"

"Ayoko, ikaw na lang"

"Teka, may problema ba?" tanong niya

"Wala"

"Eh bakit--"

"Michael pwede ba tigilan mo na si Chelsie!" sigaw ni Kayla

"Bakit? may nagawa ba akong mali?"

"Kayl, uwi na tayo? wala naman pala si ma'am eh" pagyaya ko kay Kayla, last subject na rin kasi namin ang AP (Araling Panlipunan) mabuti pang umuwi na lang kami.

"Sige, tawagin ko lang sina Mae at Jo"

I nodded. Inayos ko na ang mga gamit ko. Sa labas na lang ako maghihintay.

"Sandali Chelsie" pagpigil niya sakin "Galit ka eh, ano bang nagawa ko?"

"Ano ba Michael?! hindi lahat ng bagay tungkol sayo!" sigaw ko.

I lied. Pero please naman, ayoko na ng kasinungalingan.

Sinubukan kong umalis pero hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit hindi mo sabihin sakin?"

Ang manhid mo!

"Sumagot ka" he said.

"Gusto mo talaga malaman? Sige. Ang tanga ko, ang tanga ko kasi nagpaloko ako sayo! Michael nagtiwala ako eh, nagtiwala ako sayo. Pero anong ginawa mo sakin? Ginamit mo lang ako"

Halos maiyak na ako, pero pinilit kong hindi umiyak, lalo na sa harap niya.

"Ano bang sinasabi mo? hindi ko maintindihan"

"Tama na please. Wag mo muna akong kausapin," I give him one last look, "kahit kailan"

Umalis na ako. Mauuna na siguro akong umuwi, hindi ko na mahihintay sila Kayla. Nagtext na lang ako sakanila.

Ayoko munang mag isip ng kahit ano ngayon, masakit sakin ang mga nakita't nalaman ko. Kailangan ko munang mag isa.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon