Chapter 9

79 1 0
                                    

*New Days...*

Chelsie's POV

"Nananana na nananana nanana~~

New days, fly away

Across the universe see you there

So blue days, and you know when we go

Across the universe

If you dare~~"

*knock knock*

"Ate!! bilisan mo maligo, nandyan na si ate Kayla kanina ka pa hinihintay" sigaw ng kapatid ko.

"Teka sandali, matatapos na ako"

"Saka ate tigilan mo na yang pagkanta, paulit ulit lang naman eh! puro chorus!"

"Tss, sige na bumaba ka na!" sigaw ko.

Batang 'to! ang ganda ganda nga ng kanta ko eh -___-

" New days, fly away

Across the universe see you there

So blue days, and you know when we go

Across the universe

If you dareeeee" mas lalo ko pang nilakasan pagkanta ko.

Ewan ko ba, ang ganda din kasi ng gising ko ngayong umaga eh. Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Mabuti nga't ito ang nararamdaman ko, ayoko munang ma-stress

Pagkatapos kong maligo, agad na akong nagbihis at nag ayos. Si Kayla naman kasi ang aga dumating. Bumaba na ako, para makapagpaalam na rin kay mama.

"Ma, alis na kami ni Kayla. Bibili lang kami ng gift para sa Christmas party namin" paalam ko, then I kissed her.

"O sige. Umuwi ng maaga ha, wag ng maglakwatsa" she said.

"Opo" I answered.

"Sige po tita, alis na kami" paalam ni Kayla kay mama.

Hanggang sa makasakay na kami sa bus papuntang mall. Habang nasa byahe kami, nakikinig lang ako ng music sa cellphone ko.

"I just wanna feel this moment. Woaahhh I just wanna feel this moment. Woaahhh I just wanna feel this moment~~" pagsabay ko sa tugtog, pati yung paa ko nakikisabay.

"I just wanna feel this moment!" ngayon naman yung balikat ko napapaindak.

"Huy Chels, hindi ka naman siguro bingi no?!"

"Huh?"

Inalis niya bigla yung earphones ko sa tenga.

"Ang lakas ng soundtrip mo! rinig na rinig ko kaya" she said.

"Malakas ba? sorry..."

Ibabalik ko na sana sa tenga ko yung earphones nang pigilan niya ako. Kinuha niya rin yung phone ko atsaka pinatay yung music,

"Ayan, patay na. Bakit ba parang ang saya saya ng awra mo ngayon? Anong meron? may hindi ka ba sinasabi sakin?!" tanong niya.

"Huh? wala ah, masaya naman ako palagi ah?"

"Masaya? hindi kaya! gusto mo isa-isahin ko sayo yung mga araw na malungkot ka dahil kay--"

"Hep hep! tama na. Okay, masaya ako kasi masaya ako. Yun lang, wala nang iba" sagot ko.

"Weeeehhh?"

"Ay nako Kayla tigilan mo ako. Kailangan ba laging may dahilan kung bakit ka masaya?"

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon