Chapter 40

53 1 0
                                    

*Say Yes...*

GJ's POV

Kinausap ko si Dianne, I just want to clear things between us. Ngayon malinaw na ang lahat sa akin. Ayokong umasa siya sa mga bagay na hindi na pwedeng mangyari at maibalik pa.

"I'm sorry Dianne" nakatungo kong sinabi.

"Bakit? I know you still love me. Pero bakit?" cold niyang sinabi.

This is not the right place para pag usapan ang tungkol dyan.

Tumingin ako kila Emerson. Alam na nila yun. Tumango naman siya sakin atsaka sila pumasok sa loob ng room.

"Dianne, alam kong may--"

"I broke up with him" pagputol niya sa sinasabi ko, "at dahil sayo yun" dagdag pa niya.

Dahil sakin? bakit?

"I still love you Gian. Pinagsisisihan ko na yung nagawa ko sayo noon. Kaya nga I'm always here for you eh, umaasang mabalik natin yung dati. Na maging tayo ulit, na ako na lang ulit" nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Ayokong nakikita siyang ganito. Kahit papaano nag aalala pa rin naman ako sakanya.

Hindi na rin ako nagulat sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko yung mga sinabi niya. Nasaktan ako sa pag iwan at sa panglolokong ginawa niya sakin noon.

"Dianne I'm sorry. Pero sa tingin ko, hindi na pwede"

Hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang luha niya. That is the first time I saw her crying.

Pinunasan naman niya agad ang tumulong luha sa mga mata niya.

"Dahil ba kay Chelsie?"

Nagulat ako nang sabihin niya yun. Hindi ako sumagot, iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya.

"Okay lang, hindi mo naman kailangang sabihin" hinawakan niya ang kamay ko and she smiled at me "I'm sorry for hurting you. I'm really really sorry. Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan diba?" sabi niya habang nagpipilit ngumiti.

Nasasaktan siya I know. Pero siguro hanggang kaibigan na lang ang pwede kong maibigay sakanya.

"Oo naman" I answered,

Niyakap niya ako, at niyakap ko rin siya. This is girl is strong, hindi din siya yung tipo na magpapatalo na lang basta basta. I know sooner or later makakahanap siya ng taong para sakanya talaga.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin, "Sige na, may dadaanan pa ako" nakangiti niyang sinabi.

"Sino?" pagtataka ko.

Hindi niya ako sinagot at pagkatapos ay umalis na siya.

Pumasok ako sa loob ng room namin. Nakita kong nag aabang sakin sina Emerson. Hindi ko sila kinausap at naupo na lang.

Naisip ko tuloy ngayon kung itutuloy ko pa ba yung binabalak ko. Kaso hindi ko alam kung paano ko gagawin at sisimulan.

"Gusto ko siyang ligawan..." bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Sino? Si Dianne?!" tanong ni Lorence.

"Syempre hindi si Dianne 'no! nakita mo namang tapos na sila eh! engot nito!" sabi ni Joseph kay Lorence.

"Ay ganun ba?" sabi ni Lorence

"Sino ba, bro?" sabat ni Emerson.

Sasabihin ko ba? Nag aalangan ako. Siguradong aasarin lang nila ako.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon