*The perfect moment...*
Chelsies POV
"I'll see you later" he smiled and then he leaved.
Pagkaalis niya pumasok na rin kami ni Gelo sa room.
"Mukhang nagugustuhan mo na rin siya ah, tama ba ako?" Gelo said.
Napangiti ako. Bago pa kasi kami makapasok ni Gelo kanina sa gate, nandun na si GJ. Nung una nagtataka ako kung bakit siya nandun at nag iisa, nang makababa naman kami ng tricycle agad niya akong sinalubong. Hinihintay niya daw na dumating ako para daw sabay kaming papasok.
Nakakatuwang isipin na nag-e-effort talaga siya sakin kahit na minsan naiinis ako sakanya at hindi siya pinapansin. Yung mga simpleng effort na ginagawa niya, lahat yun naa-appreciate ko naman eh. Hindi ko lang pinahahalata sakanya baka kasi kung ano pa ang isipin niya.
"And now you're smiling" I heard Gelo,
"Huh? may sinasabi ka?" pagtataka ko. Ako ba kinakausap niya?
"Tss, ngayon naman hindi ka nakikinig" he glared and then take his seat.
"Problema mo?" I asked.
"Wala. Nakita mo lang yung manliligaw mo, bigla ka na lang nabingi"
"Ay suuuss! nagtatampororot ang best friend ko!" lumapit ako sakanya at inakbayan siya, "Sorry na kung hindi ko po narinig. What is it? tell me"
"Di bale na"
Hindi ko na lang siya kinulit. Baka kasi mainis pa siya pag nagkataon.
Pero ilang saglit lang ang nakakalipas ay kinausap ko na ulit siya.
"Gelo, anong tingin mo sakanya?" medyo nag aalangan kong tinanong.
"Sino?"
"Kay ano, kay-- GJ?"
I heard him sighed. Hindi siya sumagot.
"Huy, ano nga?" pangungulit ko.
"Tss, bakit kailangan mo pa ng opinyon ko?"
"Wala lang. Kasi diba best friends tayo? baka lang kasi may ayaw ka sakanya--"
"Okay siya. Mukha lang hindi mapagkakatiwalaan" cold niyang sinabi
Ang sungit niya ngayon ah?
"May regla ka ba? bakit ang init init yata ng ulo mo?"
"Ayoko lang talaga ng tanong mo" he answered
"Ah ganun ba? hmm, one last question pwede?"
He nodded. Pero parang napilitan lang.
"Kung sasagutin ko ba siya, okay lang sayo? Ano kasi, naguguluhan ako. Gusto ko sanang marinig ang opinyon niyo. Natatakot din kasi ako na masaktan. Na baka pag naging kami, masaktan lang ako sa huli"
~~
Gelo's POV
Mukhang nahulog na nga yata talaga siya sa lalaking yun.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Ayoko siyang masaktan, lalo na kung sa lalaking yun pa.
All I want for her is the best. Pero kung dun naman siya masaya, susuportahan ko siya. Yun naman talaga ang trabaho ng isang best friend lang diba?
I patted her shoulder, "Kung sa tingin mo dun ka masaya, at kung talagang gusto mo na siya, gawin mo. I'm just here to support you. Nandito lang ako kung kailangan mo ako. Pero katulad pa rin ng sinabi ko sayo, mag iingat ka palagai sa nararamdaman mo." I hugged her, "Sa love, hindi naman maiiwasan na hindi ka masaktan. Its part of loving someone. Kung hindi ka masasaktan, hindi ka nagmamahal"
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...