Chapter 36

57 1 0
                                    

*Fourth year, First day...*

Chelsie's POV

"Chelsiiiiieeee!!!!"

Napatalikod ako nang marinig ko ang sigaw na yun. Si Kayla kasama si Mae, nagmamadaling naglalakad si Kayla palapit dito sa kinatatayuan ko. Mukhang masaya siya, anong meron?

At nang makalapit na siya,

"Chelsiiieee! kamusta? si Gelo? kailan ko siya makikita?!" ngiting ngiti niyang sinabi.

"Si Gelo? akala ko pa naman na-miss mo ko kaya ka tuwang tuwa dyan"

"Oo naman na-miss kita syempre! pero ano nga? nasabi mo na ba sakanya na gusto ko siyang makita?"

"Oo nasabi ko na" nakasimangot kong sinabi.

"Talaga?!" bigla niya akong niyakap, "Kyaaaa!! thank you Chels!! na-miss talaga kita"

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya,

"Sus! teka nga bakit late na kayong dalawa? unang araw ng pasok late kayo! kanina pa kaya kaming nandito ni Jo"

"Kanina pa kaya akong nasa labas ng school, nagpahintay lang si Kayla kaya natagalan ako" sabat ni Mae.

"Hayaan mo na! ang mahalaga nandito na kami! eh bakit nandito pa rin kayo sa labas?" tanong ni Kayla.

"Kanina pa nga rin kami naghihintay dito eh. Hindi pa bukas yung room" sabi naman ni Jo.

Halos mag na-nine in the morning na hindi pa rin kami nakakapasok sa room dahil naka lock ito. Ewan ko ba kung bakit.

"Nakita ko kanina si Manong, hindi pa daw pwedeng buksan lahat ng mga rooms. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit" I said.

"Tara punta tayo ng canteen! nagugutom ako, hindi kasi ako nakapag breakfast sa sobrang pagmamadali eh" pag aaya naman ni Kayla.

"Nagmadali ka talaga sa lagay na yan?" sabi ni Jo.

Nagtawanan na lang kami dahil hindi siya nakasagot. We started walking habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kayla.

"Nakooo! excited na ako! gusto ko nang makilala ng personal si Gelo. I'm sure magiging close kami pag nagkataon!"

"Sigurado ka ba dyan?!" sabi ni Jo

"Oo naman! teka, ano bang magandang sabihin sakanya pag nagkita na kami? ganito ba," humarap siya kay Jo, "H-hello Gelo, ako nga pala si Kayla ang pinakamagandang best friend ni Chelsie! oh ano okay ba yun?"

"Huh?" sagot ni Jo.

Tinawanan na lang namin siya. Excited na excited na talaga siyang makita si Gelo. I'm sure magiging close sila kasi halos parehas din sila ng ugali.

"Ano ka ba! makinig ka kasi!~~"

Naramdaman kong humawak sa braso ko si Mae at pagkatapos hinila niya ako pabalik sa pwesto namin kanina.

"Bakit?" tanong ko sakanya habang hila hila niya ako.

"Huy bakit tayo babalik?!" tanong din ni Kayla.

"Sshh, si GJ makakasalubong natin kaya kailangan nating bumalik!" halos pabulong niyang sinabi.

"Ha?" palingon na ako sa likuran nang pigilan ako ni Mae.

"Ano ka ba! wag kang lumingon!" she said.

"Teka, ba't ba kailangan pa nating umiwas?" tanong ni Jo.

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon