Chapter 13

69 2 3
                                    

*New year, new life...*

Chelsie's POV

Back to school na naman, mabilis na natapos ang halos tatlong linggong bakasyon namin. Ayoko pa nga sanang pumasok eh, medyo tinatamad pa ako. Pero no choice eh.

Nung Christmas sa bahay lang kami nag celebrate, at nung new year, January first, namasyal kaming pamilya sa Tagaytay. Masyadong naging mabilis ang araw, parang kailan lang.

At dahil new year na, dapat new life na rin. Iniwan ko na ang lahat ng masasamang nangyari last year. Dapat always positive, smile and enjoy. Sabi nga ng kapitbahay namin, 'Enjoy life, do it well'

Sigh. I'm on my way to school na, medyo inaantok pa ako. As always, maaga akong pumasok ngayon. At nang makarating ako sa floor namin, sa labas pa lang nang classroom namin nakita ko nang nandun na yung ibang mga kaklase ko.

Teka, maaga pa naman ah? bakit nandito na sila? Pati si Kayla maaga ring pumasok.

"Morning Chels!" bati sakin ni Kayla

"Oh, bakit ang aga mo yata pumasok?" I asked.

"Ano ka ba! new year na oh, kailangan magbago na tayo!" she said.

"Ganun? eh ba't sila?" turo ko dun sa iba pa naming kaklase.

"Ewan ko, baka gusto na din nilang magbago" sagot niya.

"Ahh..."

Ibinaba ko ang gamit ko sa upuan ko, at saka inaya si Kayla sa labas ng room.

"Kayl, dito muna tayo sa corridor mainit dito sa loob eh" di uso aircon samin, electricfan lang.

"Kamusta Christmas?" tanong ko

"Okay lang naman, chibugan, ang dami ko ngang nakain eh. Sagana kami sa pagkain nun. Tingin mo ba tumaba ako?"

"Ikaw tataba? eh patpatin ka!" biro ko.

"Wow huh! ikaw nga hindi tumangkad eh, mas malaki pa rin ako sayo!" she said.

"Hindi naman nakakatangkad ang ilang linggong bakasyon no!" sagot ko.

"Kahit na!"

Tss, that's how we start our day, sometimes. Asaran lang, porket matangkad siya pero patpatin naman!

Ilang saglit lang ay pumasok na rin kami sa room. Medyo dumarating na rin ang iba ko pang mga kaklase, sila Jo at Mae naman kararating lang din, late as always. Hanggang sa dumating na ang first teacher namin sa first subject.

"How's your vacation?" tanong ni ma'am saming lahat.

"Bitin poooo!!! extend please!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Oo nga, sana ma-extend pa ang bakasyon. Pero hindi, new life na nga diba? kailangan mag bagong buhay na.

"No more extention. Please copy this" at nag simula nang magsulat si ma'am sa board. Masipag talaga siya ever since.

Lunch break lumabas kami ng school ng mga kaibigan ko, sa may tapat lang din ng school may kainan kasi dun eh. Dito kami kakain.

"Oh, anong gusto niyo?" tanong ni Kayla.

"Bakit libre mo?" sabi naman ni Jo

"Syempre hindi no! oorder na ako, ate isang order po ng adobo with rice"

"Uy ako din! adobo with rice" sigaw ko, kay Kayla kasi ako nagpa-order.

At nang maka order na kami, sabay sabay na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

"Uy, may dala kayong pang-P.E? may P.E tayo ngayon diba?" I asked them.

"Oo may dala ako, ang bigat na nga ng bag ko eh dahil sa P.E uniform na yan. Bakit pa kasi hindi na lang pwedeng isuot pagpasok" reklamo ni Kayla.

"Hindi pwede yun ano ka ba!" sabi ni Mae

"Ano nga pa lang gagawin natin sa P.E ngayon? Malapit na din mag third grading period, tapos J.S prom na!" tuwang tuwang sinabi ni Kayla.

"Ay nako, saka niyo na isipin yan medyo matagal pa naman eh" sabi ko.

"Malapit na kaya! gusto ko nang ma-experience ang JS prom! Uy Chels, diba may ultimate crush ka dito since first year?!" tanong ni Kayla.

"Oo nga! ayiiiiiee!!" pang-aasar ni Jo

"Si JM diba?!" dagdag pa ni Mae.

tss, ayan na naman sila -__-

"Sshh, pwede ba wag kayong maingay!" I said.

"Sus! eh diba matagal mo nang crush yun bago mo pa makilala si Michael? Umaasa ka pa rin ba kay JM? Kayla said.

"Yiiiee kinikilig na naman yan!" pang-aasar na naman ni Jo habang sinusundot sundot ako sa tagiliran ko.

Pero ewan ko ba, napapa-smile ako sa tuwing pinag-uusapan namin yan. Hindi ko pa nga nakikilala si Michael crush ko na si JM, hanggang ngayon naman eh.

"Wag ako please!" I said.

"Yiiee! kunwari ka pa, napapangiti ka na nga eh!" Jo said

"Oo na oo na! matigil lang kayo. Pero alam niyo sa totoo lang, isa siya sa gusto kong makasayaw sa JS prom" I said, with matching kinikilig ng konti.

"Ahhh, kaming bahala dyan!!" sabay sabay nilang sinabi.

I smiled.

"Bilisan niyo nang kumain, matatapos na lunch break natin"

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa school at nagpalit ng P.E uniform. May one hour vacant pa kami after ng lunch break, may time limit kasi ang paglabas sa school. Kapag hindi kami nakaabot sa time limit, sa guidance office na namin makukuha ang mga id's namin at pagsusulatin kami ng isang mahabang nobela na nangangakong hindi na mahuhuli sa binigay na oras samin.

Naging maayos ang araw ng pagpasok ko ngayong unang linggo ng taon. Sana bukas, at sa mga susunod na araw ganun din.

"Chels! si JM ayun ohhh!!" pagtawag sakin ni Kayla sa labas ng room namin.

Makikita ko na naman si ultimate crush, ang bumubuo sa araw ko. Pero ang crush is paghanga diba? At hanggang paghanga lang ang tingin ko sakanya, yun lang... wala ng iba.

~~

A/N: Hi readers! if you dont mind, pwede bang mag leave kayo ng comment? I just want to know if you're enjoying this story. Pretty please? thank you! keep on reading Yet Still I'm Falling and You're The Only Love I Know ;) God bless!

Yet Still I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon