Cheska's POV
Thursday na ngayon at katatapos lang ng practice namin kaya pinauwi na kami nung choreo. Kasabay ko si Gene pababa. Nang makadaan kami sa room namin, nakita kong lumingon siya. At parang may hinahanap siya.
"Huy! Gene! Uuwi ka pa ba o tatayo ka nalang dyan?" Sermon ko.
"Huhh??.. Ahh syempre uuwi!" Sabi niya at hinila niya ako pababa sa ground floor.
"Sino bang' hinahanap mo dun?" Tanong ko habang nakakunot yung noo ko.
"W-wala ah.." At nagsinungaling pa siya ahh. Halatang halata ehh. Nauutal pa nga siya eh.. XD
"Si Faye noh?!" Asar ko sa kanya. Pero alam kong totoo naman.
"H-hinde ahh!"
"Wewss.. Umamin ka na! Bistado na kita! HAHA!" Ako.
"Hindi nga ehh!" Gene.
"Bakit galit ka? Uy! Dinedeny!"
"Hinde nga! Ano ba!" Gene.
"Umamin ka na kasi na si-"
"Si Claire yung hinahanap ko!" Biglang sigaw ni Gene.
Nagulat ako sa sinabi niya. Si Claire? Akala ko ba si Faye ang gusto niya? Bakit niya hinahanap si Claire? Anong meron? Ang gulo naman! Tss.
"Tch. Halika nga!" Tapos hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako.
"Gene! Ano ba!" Sigaw ko. At ayun, tumigil na siya sa likod nung catwalk.
"Gene, naguguluhan ako. Akala ko ba si Faye?" Tanong ko sa kanya.
"Ganinto kasi.. alam mo naman na ilang beses ko nang niligawan si Faye diba?" Gene.
"Sus dalawang beses lang naman yun." Sabi ko.
"Cheska ano ba! Magseryoso ka naman ohh!" Galit na siya.
"Oo na. Sige na.."
"Dalawang beses ko na siyang niligawan at dalawang beses niya na rin akong nireject. Nung una nalilito ako dahil alam kong mutual yung feelings namin sa isa't isa, pero bakit nireject niya ako? Yung pangalawa sinubukan ko lang ulit. Pero nireject pa rin niya ako. Masakit yun Cheska. At nung mga panahon na malungkot ako dahil kay Faye, laging si Claire yung nagpapatawa sakin. Laging si Claire yung nagcocomfort sakin. Palagi siyang nasa tabi ko pag kailangan ko siya. Tsaka ko narealize na may gusto na pala ako kay Claire." Paliwanag niya. At napansin kong sobrang lungkot niya na ngayon.
"Pero hindi ganun yun Gene. Porket siya yung nagcocomfort sayo, ipagpapalit mo agad yung taong una mong minahal. Yung taong pinag effortan mo ng todo." Sagot ko habang nakatitig sa kanya.
Napabuntong hininga nalang si Gene, at napatingin sa taas, at binalik niya yung tingin niya sakin.
"Pero tanong ko lang ahh.. Sino ba talaga? Faye o Claire?" Tanong ko.
"Claire." Sagot niya ng diretso. Nagulat ako sa sagot niya. Haaay. Buhay naman niya yan ehh..
"Sige.. Susupportahan kita diyan. Pero paano kung magkagusto ulit sa'yo si Faye?" Medyo nagulat siya.
"Bahala na si Batman." Sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Pero paano kung ganon din ang gawin sa'yo ni Claire? Kung ireject ka rin niya tulad nung ginawa ni Faye?" Tanong ko ulit.
"Susuko na ako.." Sabi niya ng mahina.
Nakaupo lang kami dun sa likod ng catwalk ng may lumapit samin.
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...