Cheska's POV
Ilang araw na ang nakalipas simula nung sinigawan ako ni Faye. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit? Wala naman akong ginawang masama. One week niya akong hindi pinansin. Haaay! Baka may PMS lang yun kaya ganun.
Saturday na ngayon at andito ako sa bahay nanunuod ng tv. Si ate Nathaly nasa kwarto niya, tulog pa yata. Si mama naman may reunion sila ng mga kaibigan niya kaya gabi na siya makakauwi.
Wala akong ibang magawa. Ang boring naman kasi nung pinapanood ko eh, kaya pinatay ko nalang yung tv. Ano pa bang pwedeng gawin? Habang nagiisip pa ako, nakita ko si ate Nathaly pababa sa hagdan. Haha! Kung makita niyo lang yung mukha niya pag bagong gising! XD Laptrip!
"Cheska, asan si mama?" Tanong niya habang nakapikit pa yung isa niyang mata.
"Ahh.. Umalis. May reunion daw sila ng mga kaibigan niya ngayon."
"Ano oras daw siya makakauwi?" Tanong niya ulit habang umupo sa tabi ko.
"Ewan ko. Ate maligo ka na nga!" Sermon ko sa kanya. Ganyan ako kay ate, minsan lang naman. Hindi naman siya nagagalit kahit ginaganon ko siya. Inerapan niya lang ako tapos dumiretso na siya sa CR.
Ginawa ko, nagbasa nalang muna ako sa wattpad dito sa cellphone ko. After 10 minutes, biglang tumunog yung phone ko. May nagtext yata. Pagkatingin ko kung sino, kinilig ako. Sino pa ba ang magpapakilig sa akin?
From: Jerome :)
Hello :) Good Morning!
To: Jerome :)
Good Morning din :)
From: Jerome :)
Busy ka ba ngayon?
To: Jerome :)
Hindi naman. Bakit?
From: Jerome :)
Okay lang ba sayo kung gumala tayo?
Nung nabasa ko yun, ngumingiti na pala ako na parang baliw. Kinikilig ako!! Omygosh! Si Kuya Jerome? Niyayaya akong gumala? Kyaaa!
"Oy! Anong nginingiti ngiti mo diyan, Ha?" Narinig kong sabi ni ate pagkalabas niya sa CR.
"H-huhh?! Wala ah?" Deny ko naman.
"Weee??!! Patingin nga ng cellphone mo?" Sabi ni ate.
"Ayoko nga!" Pagkatapos nun, tumayo ako at tinakbuhan ko si ate. Lumayo ako sa kanya para hindi niya makita na katext ko si Kuya Jerome.
Pero nadismaya ako. Naabutan niya ako. Ang bilis niya kasing tumakbo. Nung nakuha niya na yung cellphine ko, binasa niya. Nakita ko na ngumungiti din siya tapos....
"Kyaaa!!! Omygosh!...." sabi niya tapos tumili siya ulit at niyakap niya ako.
"Ang kapatid ko lumalovelife na!" Sabi niya habang yakap niya pa rin ako ng mahigpit.
"Ate ano ba!"
Tapos nakita ko may tinatype siya sa cellphone ko. Pagkatapos nun binalik niya na sakin at dumiretso siya sa taas. Nakita ko tinext niya...
To: Jerome :)
Sure. Pero isasama ko si ate Nathaly ahh..
Kainis talaga yun si ate! Pumayag nga siya, pero bakit kailangan pa siyang kasama?? Tapos nagring ulit yung phone ko...
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...