Cheska's POV
Pagkadating ko dito sa room ang ingay grabe. Wala pa kasi yung math teacher namin. Pagkaupo ko nilapitan ako agad nila Claire. "Hoy! Babae! Magexplain ka nga!" Sigaw ni Faye habang papalapit silang tatlo sa upuan ko.
"Grabe! Maka hoy wagas? May name po ako!" Pinilosopo ko nalang siya. "Uy! Seryoso kami ah! Umayos ka Mary Cheska Mendez!" Sabi ni Claire. Wow kailangan buong name? HAHA!
"Oo na po! eto na mama! Mageexplain na!" Sabi ko. Tumungo naman silang tatlo. Grabe seryosong seryoso yung mga mukha nila.
"Kase kanina nagpasama sakin si Myka mag CR. Eh nagmamadali na ako. So tumakbo kami papunta ng room, tapos nakabungguan ko si Kuya Jerome--" Hindi ko natapos ng tumili silang tatlo. Binatukan ko nga sila. "Uy wag nga kayo maingay!" sabi ko.
"Kinikilig ako! OMG!" Sabi ni Yna. "Ako rin!" Sabi naman ni Claire. "Shessh! Para kayong baiw!" I said then I rolled my eyes at them. Wow! Ang galing ko magenglish! HAHA!
"Uhmm.. sino ba si Jerome?" Tanong ni Faye. "GRABE KA! BAT DI MO ALAM? SIYA LANG NAMAN ANG PRINCE CHARMING NITONG SI CHESKA!" Sabi ni Claire.
"Kase nga diba, absent siya nung sinabi satin yun ni Cheska?" Sagot naman ni Yna. "Ay Oo nga!" Sabi ni Claire sabay ngiti. "Oo tama na! itutuloy ko na pwede?" Tanong ko in a sarcastic tone. Tumungo naman silang tatlo.
"So diba nakabungguan ko siya? Syempre tinulungan niya ako tumayo. Nag sorry siya syempre. At sabi niya, ihahatid niya daw ako sa room at ililibre sa next break. At alam mo ba.. nung hinatid niya ako inakbayan niya pa ako!" Sabi ko ng kinikilig! HAHA!
"OMG! Grabe! Ang swerte mo!" Sabi ni Faye. "Buti ka pa! samantalang ako, hanggang tingin lang. Hayyy!" Sabi ni Yna. Natawa nalang kaming tatlo.
At sabay nagring na yung bell. Discussion nanaman. Hayy!
After 2 hours of discussion, uwian na rin! YESS! HAHA! Sabay sabay kaming apat na bumaba papunta sa may cat walk. Maguusap pa sana kami kaso andyan na yung sundo nila.
Mag isa nanaman ako dito! Sabi kasi ni Kiana hindi siya sasabay kasi may project silang gagawin sa bahay ng classmate niya. So nakaupo nalang ako dito sa may bench habang nagbabasa ng stories sa wattpad.
At may bigla akong naramdaman na umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin kasi nakafocus ako sa binabasa ko. "Ay snob ka na agad?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Lumingon ako at nakita ko siya. "Kuya Jerome?"
"Hayy salamat! Akala ko snob ka eh! HAHA!" sabi niya. Grabe hindi kita mata niya pag tumatawa. Chinito kase. Pero gwapo pa rin! HAHA! "Bakit andito ka?" Tanong ko. Hindi naman sa pinapaalis ko siya, pero nakakapagtaka lang yun. "Masama ba? Baka iniisip mo na hindi porket inilibre lang kita kahit as a sign of my apology lang yun hindi na kita papansinin at kakausapin?" Tumungo na lang ako sa tanong niya. Yata?
Natawa nalang siya. Naguguluhan ako sakanya pero... Hayyh ewan! Tapos ayun tinuloy na namin yung pinaguusapan namin kanina nung break time. Tawanan kami eh. Ang saya pala pag marami kayong kapareho ng interests ng kausap mo noh?
Habang naguusap kami biglang dumating yung sundo ko. Andaming moment breaker! Kainis! "Ay! Andyan na sundo ko! Bye kuya!" Sabi ko. "Wait!.. uhh.. pwede bang mahingi number mo" Tanong niya. "Sure!" Haha! Omg! kilig much!
Pagkatapos ko itype sa phone niya nagwave na ako sa kanya at ganun din siya.
Nang makauwi nako diretso ako sa kwarto ko. Syempre ginawa ko yung assignment ko! Ang sipag ko! HAHA! Tapos biglang nagring yung phone ko.
1 message received....
From: +63921*******
Hello musta na? By the way kilala mo na kung sino ako :)
Naguluhan ako so nireplyan ko.
To: +63921*******
Sino ka po? Kung kilala kita sorry dahil di ko maprocess sa ulo ko, gumagawa ako ng assignment eh.
Sent.
From: +63921*******
Ay sorry! kung nadisturb kita ah! Papakilala nalang muna ako. Ako ang gwapo at one and only na si Jerome Rodriguez :)
Nung nareceive ko yun napangiti ako bigla. In add ko na siya sa contacts at my name na Jerome :)
To: Jerome :)
Ay! Hello ! Wait lang ah! Tapusin ko lang toh. Last naman na eh.
At bago pa siya makapagreply tapos ko na. Binilisan ko talaga.Haha!
Nung pagkareply niya tuloy tuloy nalang kaming nagtetext hanggang gabi. Naka unli naman ako eh!
(Naks! Yaman natin ah!)
Wag ka nga author. Pssh -_-
At nang inatake na kami ng antok nagbabye na kami at inayos ko na yung mga gamit ko. Pagkahiga ko tumingin muna ako sa bubong. Tapos unti unti akong napapangiti.
Naaalala ko yung mga nangyare ngayong araw na to. Grabe!
'Best Day Ever!'
Inisip ko at nalatulog na ako ng mahimbing.
--------------------------
A/N:
Hello guyth! :) Update here! :') Kumusta tong chapter? XD
Pa vote and Comment! <3
Salamat po!
XoxoLuhary_20
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...