Jerome's POV
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Ano ba yan! May pasok nanaman! Tinatamad na ako. Pero, kung hindi ako papasok, makakapuntos nanaman si Andrey kay Cheska! Hindi ako makakapayag niyan! Oo, sineseryoso ko yung 'larong' ito. Ayaw kong matalo sa kapatid ko. Nagmadali akong tumayo at naligo na ako. Pagkatapos ko gawin lahat ng morning routine ko, dumiretso na ako sa baba para ulmalis.
Pagkababa ko, nakita ko si Andrey na kalalabas lang ng bahay ng nakingiti. Hmm.. may binabalak toh. Sundin ko nga. Pagkalabas ko, nakita kong lumiko siya dun sa kabilang kanto. Wait.. Wag mo sabihing.. pupunta siya kila Cheska? Sinundan ko siya, at tama! Huminto siya sa tapat ng gate nila. Hmp. Kung gusto niyang kasabay papasok si Cheska, hindi ako magpapatalo. Pumunta rin ako kila Cheska at huminto sa tapat ng gate nila. Nung nakita ako ni Andrey, nakita kong sumimangot siya.
"Kuya. Bakit andito ka?" Tanong ni Andrey habang nakakunot yung noo niya.
"Malamang sinusundo ko si Cheska. Ano sa tingin mo? Yung ate niya?" Sagot ko naman. Wala siyang nasabi kaya nag death glare nalang siya at umiling.
Ilang minuto na yung nakalipas at, lumabas na si Cheska ng gate. At mukhang gulat na gulat siya.
"Bakit kayo andito?" Tanong niya.
"Uhh.. naisipan ko lang na sunduin ka para sabay na tayo pumasok.." sabi ni Andrey at ngumit.
"Uh.. eh bakit andito si kuya Jerome?" Tanong ni Cheska. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Parang ayaw niya akong makita.
"Ayaw mo ba akong makita... Cheska?" Bigla kong tanong.
"A-ahh.. E-ehh.. h-hindi naman sa a-ayaw ko.." nauutal niyang sagot habang tumungo. Ang cute niya pag nahihiya siya.
Bigla akong nakaisip ng paraan. Nilapitan ko si Cheska at nilagay ko yung mga daliri ko sa baba niya at iniangat ko yung ulo niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya..
"Ibig sabihin.. gusto mo?" Bulong ko sakanya.
Hindi siya makasagot. Tapos nagulat ako nung bigla nalang siyang nawala. Pagkatingin ko sa side ko, hinila na pala siya ni Andrey. Natawa ako, at sinundan ko sila. Pagkadating namin dun sa sakayan, may pila. Napansin kong may nakatingin sakin, at nung nakita ko kung sino yun, napangisi ako. Si Cheska. Nung nakita niyang nahuli ko siyang nakatingin sakin, umiling siya. Natawa nanaman ako. Ang cute cute niya kasi talaga pag nahihiya siya.
Cheska's POV
Kadarating lang namin sa school, at magstart na yung flag ceremony. Haay.. late nanaman kasi ako. Si Andrey at kuya Jerome kasi eh! Nakakahiya talaga yung kanina! Pero nung iniangat ni kuya Jerome yung ulo ko? Grabe! Sasabog na ako sa sobrang kilig. Hinahanap ko si Claire pero di ko siya makita.
"Yna, hindi ba pumasok si Claire?" Tanong ko sakanya na nasa likuran ko lang.
"Hindi eh.. may lagnat.." sagot ni Yna.
Nung tinanong ko si Yna, napansin kong may nakatingin dito sa direction ko. Lumingon ako at nakita ko si Gene. Nagulat naman siya nung humarap ako sakanya, para siyang nakakita ng multo, kaya ayun, lumingon ulit siya dun sa harapan. Hmm.. Mukhang may tinatago sakin toh si Gene ahh.. Makausap ko nga toh mamayang break time..
[Time skip : Break time]
Sabay sabay kaming lima papunta sa canteen. Ako, si Yna, Faye, Gene at Andrey. Tapos naalala ko yung kanina. Matanong ko na nga toh si Gene.
"Gene.." tawag ko sakanya. Pero walang sagot.
"Gene.." medyo nilakasan ko na, pero wala pa ring reply. Tiningnan ko siya at ayun, kausap niya si Faye.
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...