E P I L O G U E

88 3 2
                                    

Jerome's POV

Andito ako sa ospital, naghihintay sa labas ng emergency room. Cinontact ko na yung ate ni Cheska. Pati na rin sina Andrey at Claire. Hindi ako mapakali. Palakad lakad lang ako dito habang naghihintay.

"Jerome!"

Lumingon ako at nakita ko si Nathaly at tsaka si tita Lea, yung mama ni Cheska na nakasaunod.

"Anong nangyari sa anak ko?!" Tanong ni tita Lea.

"Naaksidente po siya tita. Nasagasaan po siya ng truck." Explain ko. Bigla akong tiningnan nung mama ni Cheska habang papalapit saakin.

"Anong ginawa mo sa anak ko?! At wag mo akong matawag na tita! Kahit kailan, hinding hindi ko kayo mapapatawad! Walang hiya ka!" Sabi nung mama ni Cheska habang sinasampal ako ng paulit ulit.

"Ma tama na!!" Sabi ni Nathaly.

Ayos lang sakin. Deserve ko naman yung mga sampal ng nanay niya. At hindi ko rin dapat siya tinatawag na tita. Hindi naman kami close ehh.. Tsaka isa pa, sinaktan ko yung anak niya. At ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganito.

"Kuya!" Tapos napalingon ako at nakita ko si Andrey at nasa likod niya si Claire.

"Anong nangyari sa Bestfriend ko?!" Biglang tanong ni Claire.

"Nasagasaan siya ng truck." Biglang napaluha si Claire.

Tumingin ako sa kanilang lahat, at lahat sila umiiyak na. Cheska, patawarin mo sana ako...

Naghintay kami ng isang oras bago lumabas yung doctor. Agad na lumapit si tita- I mean yung mama ni Cheska sa doctor.

"Kayo po ba ang nanay ng patient?"

"Ako nga po."

"Well, wala naman masyadong damage. Pero malakas ang imapct nung pagkakabunggo saknaya nung truck. May posibility na natrigger yung brain niya, at magkaamnesia ang anak niyo.." pageexplain nung doctor.

Gulat na gulat yung mama niya, halos mapaluha na. Halos lahat kami dito nagulat.

"Pero hindi pa natin alam kung mag kaka amnesia ang anak niyo. Tingnan na lang natin yung result pag gising na ang patient.." dagdag nuny doctor.

Amnesia? Nanaman? Pwede ba yun? Sana hindi na mangyari ulit yun. Ayaw kong makalimutan ako ni Cheska. Mahal ko siya. Ayaw kong mabura ako sa utak niya. Okay lang na magalit siya sakin pagkagising niya, pero wag lang siyang magkakaamnesia at makalimutan niya ako. Hindi ko namalayan na unti unti na akong lumuluha.

Sabi nung doctor, naitransfer na daw si Cheska sa Recovery room. Agad namin siyang pinuntahan dun. Lahat kami. Pagdating namin dun, nakita naming nakahiga siya sa kama, habang may nakabalot na bandage sa noo niya. Agad agad akong umupo sa tabi niya.

I grabbed her wrist, and planted a kiss on top of her hand while tears are rolling down my cheeks.

"I'm sorry.." That's the only thing I managed to say.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Naring kong tanong nung mama niya.

"So much. I love her so much." I answered without taking my eyes off of Cheska's face. Then I heard her mom sighed.

"Sana, mapatawad mo ako sa mga nasabi ko kanina.." nagulat ako, kaya napatingin ako sakanya.

"Kasalanan ko rin ito eh.. kung hindi ko itinago ang totoo kay Cheska, hindi siya magagalit ng ganyan.. wala siguro siya dito ngayon." Cheska's mom said while brushing the strands of her hair.

"Tsaka.. sinabi ko rin sakanya na makipagbreak na siya sayo kaya mas lalo lang siyang nagalit saakin. Siguro, masyado lang akong nadala ng galit ko. Masakit kasi yun eh. Ang traydorin ka ng kaibigan mo. Pero, alam kong mas nasasaktan si Cheska. Dahil, ako na sarili niyang ina, nagsinungaling sakanya ng pagkatagal tagal na panahon... Nagsinungaling ako sakanya para sa sarili kong kagustuhan.." Tapos nakita kong umiiyak na yung mama ni Cheska.

"Okay lang po yun.." sagot ko naman.

"Sana mapatawad mo ako Jerome. Tsaka ng mama mo." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Hindi po ako galit sa inyo. At hindi rin po galit si mama sa inyo. Hinihintay niya lang pong kausapin niyo siya ulit." Sagot ko.

"Salamat. Ngayon, suportado na ako sa relasyo niyo ng anak ko." Sabi nung mama niya.

"Salamat po." Sabi ko.

Tapos nagulat ako ng naramdaman kong gumalaw yung kamay ni Cheska. Tumingin ako kaagad sa kanya ng nanlalaki yung mata ko. Pati na rin sina Andrey at Claire na nakaupo, lumapit din sa kama ni Cheska..

"Cheska?" Sabi ko..

Lahat kami nakatingin sa kanya.. ng unti unti nang bumukas yung mga mata niya..

"Nasaan ako?" Tanong niya.

"Nasa ospital ka anak.." sagot nung mama niya.

"Cheska!!!" Biglang namang niyakap ni Claire si Cheska.

"C-Claire.. H-hindi ako, makahinga.."

"Ayy sorry!!" Sabay bumitaw na si Claire. Tapos bigla siyang napatingin saakin.

"Cheska.." sabi ko sabay niyakap ko siya ng mahigpit. Tapos bumitaw na ako at tiningnan ko siya. Tapos nakita kong nakataas yung isang kilay niya habang nakatingin sakin.

"Sino ka?"

At pagkarinig ko nun, feeling ko magugunaw na ang mundo ko....

-----------------

A/N:

Dundundun! This is the end guys! Huhuhu :'( Mamimiss ko ang pag uupdate ko dito! Feedbacks anyone? Oh and remind lang po, paki read po nung Author's Note sa next part. Ipupublish ko maya maya! ^^

Maraming maraming maraming salamat sa mga sumuporta ng WFL mula sa pinaka simula, hanggang ngayon! Salamat talaga! Naapreciate ko kayo! ^^ I love you guys!

~Yuki_Akashi04

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon