Chapter 19 - Ano bang problema?

118 5 1
                                    

Cheska's POV

Naglakad na ako pauwi. Naguguluhan ako sa mga kinikilos ng mga lalaki ngayon. Kanina sa school, si Gene at Andrey, nagngingisian sila, tapos ngayon ngayon lang si Kuya Jerome at Andrey, para silang magpapatayan.

Kaya ko naman maglakad pauwi magisa eh. Tsaka malapit lang naman yung bahay namin sa park. Pagpasok ko sa loob, ang tahimik, siguro andun si ate sa kwarto niya, kaya dumiretso na rin ako sa kwarto ko. Hindi na ako kakain. Tinatamad ako ehh. Kaya humilata nalang ako hanggang sa nakatulog na ako.

>>>>>Next Day (Sa school)

Grabe! Ang boring! Lalo na't Math yung subject. Dapat pala umuwi na ako kanina. Si Gene tsaka si Andrey kasi eh! Nahuli tuloy kami ni Mr. Bernardo na pa gala gala dito sa campus. Yung head ng Discipline Office. Kaya ginawa niya pinapasok niya kami sa klase. Pwede lang daw kami umuwi pag break time na.Maaga kasi kaming natapos sa practice.

Patingin tingin ako sa orasan at nagbell na rin! Break time na! Yess! Pagkatapos ko kumain uuwi na ako.

"Uy Cheska! Tara! Canteen tayo!" Aya sakin ni Claire.

"Sabay na ako!" Pahabol ni Gene.

Habang naglalakad kaming tatlo papuntang canteen nakita ko sa dulo ng mga mata ko na may nakatingin sakin. Nakita ko si Faye na nakatingin sakin ng masama.

"Claire, bakit ba galit sakin si Faye?" Bulong ko kay Claire.

"Huhh?? Hindi naman siya galit sayo ehh.." Sagot niya.

"Ehh bakit halos mag 2 weeks na, hindi niya pa rin ako pinapansin?" Tanong ko.

"Ewan ko diyan. Kausapin mo kaya siya." Sagot niya.

"Ate pabili nga po ng Moo." Sabi niya dun sa nagtitinda.

"Moo ka nanaman." Sabay naming sabi ni Gene.

"Bakit ba? Masarap eh!~" sabi niya sabay nagpout.

"Tss."

Tapos nun, naghanap kami ng vacant table na mauupuan. Nung nakahanap na kami, umupo na kami. Si Claire dun sa kabilang side para magkaharap kami tapos ako dun sa kabilang side. Tinabihan naman siya ni Gene.

"So ganon? Ako yung loner? Ako yung walang katabi?" Tanong ko ng nakakairitang tono habang tinuturo ko yung upuan sa tabi ko.

"Sino'ng nagsabing wala kang katabi?" May narinig akong nagsalita.

Pagkalingon ko sa tabi ko, andun na si Andrey, nakaupo habang kumakain.

"Uwi na tayo pagkatapos ng break ahh. Kayo kasi ehh.." sabi ni Andrey.

"Wow ha! Sino bang nagsabi na gumala muna tayo sa campus?" Sabi ko habang tinitingnan ko silang dalawa.

Hindi siya nakasalita. Nakita ko si Claire na hindi na rin nagsasalita. Baka OP na siya.

"Ehem.. Claire, ito nga pala si Andrey.. Andrey, si Claire." Sabi ko.

"Ahh.. paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Claire.

"Kasali din ako sa pageant. Representative ng St. John." Sumagot naman si Andrey.

"Ahh.. Pero teka, parang kamukha mo si-" Hindi ko na pinatapos si Claire.

"Kapatid niya si kuya Jerome." Pinutol ko yung sasabihin niya.

"Wee? Di nga?" Tumango lang kaming tatlo.

"Kaya pala! Isip ko kanina parang kamukha mo yung cru-" tinakpan ko agad yung bibig ni Claire.

Ayaw kong malaman ni Andrey na may gusto ako sa kuya niya. Baka sabihin niya pa ehh. Tiningnan ako ni Claire at nilakihan ko yung mata ko. Nakuha niya na siguro yung punto ko kaya tumango nalang siya. Tinanggal ko na yung kamay ko.

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon