Chapter 5 - OMG!

149 3 0
                                    

Claire's POV

Grabe kapagod! Paano ba naman 1 week kaming nangampanya! OMG! Sana manalo kami. Dapat nga di na ako papasok ngayon, pero kailangan. Monday pa naman. Hayyy! Ang bait ko talaga! HAHA!

Andito ako naglalakad papunta sa room namin kasama sina Yna at Gene. Pareho kasi kami ng sundo. Pagpasok ko ng room, nakita ko si Cheska. Nakaupo sa teacher's seat habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hi Cheska!~" Sabi ko sa kanya. Di man lang siya sumagot. Bingi ba toh? Pagkababa ko ng bag ko sa upuan ko, Pumunta ako sa likod niya ng dahan dahan. "HOY!"

"AHHHH!" Sigaw niya. Tawa ako ng tawa. Pati na rin sina Gene at Yna. Sabay lumingon siya. "Ano ba Claire!? Di nakakatawa ah!" Sigaw niya sakin. "Bakit nagpapatawa ba siya?" Sumingit naman si Gene.

"Di kinakausap!~" Sabi ni Cheska ng pakanta sabay inerapan si Gene. Wala nang nasabi si Gene."Oh Cheska? Kanina kasi parang ang lalim ng iniisip mo. Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Wala yun!" Sabi niya sakin sabay tumayo at naglakad papalabas ng room. Nagtinginan kami ni Yna at sinundan siya. "Uy! Ano nga yun!??" Tanong ko ulit sa kanya.

Di pa rin siya sumasagot. "Uy! Sige na please! Sabihin mo na samin!" Sabi ni Yna sa kanya. At umikot na siya at tumingin samin.
"Claire my girlfriend na ba si kuya Jerome?"

"Ha? Wala daw- Wait.. bat mo natanong? Crush mo noh?!" Tinanong ko siya ng paasar. "Oo." Sinagot niya ako ng mahina. Tumawa ako ng malakas dahil akala ko joke lang yung sinabi niya. Nang tumigil ako nakita ko seryoso yung mukha niya.

"Uy seryoso ka?" Tanong ko ulit sa kanya. "Oo nga! Ang kulet mo!" Sabi niya. Tapos tumili kami ni Yna ng malakas. "Hala! OMG!!" Sabi ko. "Para kayong baliw! Ngayon lang ba ako nagkacrush?"

"Eh hinde.. pero kinikilig lang kami!" Sabi ni Yna. Sabay inerapan kami neto. Toh talaga! HAHA!

Pumasok kaming tatlo ng room, syempre para magdaldalan! HAHA! lumipas ang ilang minuto nagsidatingan na yung iba naming mga classmates. Nagring na yung bell at bumalik na kami sa mga upuan namin.

After 123456789 years! Haha! Joke! Natapos na rin ang 3 subjects! Paano ba naman kasi sobrang boring!! Yess break time na rin. Nagsama sama kaming tatlo papunta sa canteen. Absent kasi si Faye ehh.

Habang naglalakad kami nakita ko si Kuya Jerome na nakaupo sa isang bench. "Cheska! Yung prince charming mo andito!~" Bulong ko kay Cheska. Lumingon naman siya at nakita niya. Humarap siya agad agad nang makita niya, sabay ngumiti siya.

Tumawa nalang ako sa reaction niya. "Ayiieee!~ Nagblush siya oh!" Pangasar ko sa kanya. "Shonga!" reply niya. Tumawa nalang ako at nagpatuloy kaming maglakad papunta sa canteen.

Jerome's POV

Hayy salamat natapos na ang 3 magkakasunod na subject at break time na! Yinaya ko na yung tropa ko na pumunta don sa tambayan namin. Wala pa kasi akong gana kumain.

Habang nakaupo ako dito may nakita akong famillar na back figure. Ay! Siya si Ms. No Name! Hindi ko pa kasi alam pangalan niya kaya binigyan ko muna siya ng nickname.

"Uy pre! di ba yon si Ms. No Name?" Tanong nung tropa ko. "Alam ko!." Sabi ko sa kanya. Kasi alam niya na, na may gusto ako dun sa 1st year na classmate ni Claire na tingin ng tingin sakin.

Tapos nakita ko na kasama niya si Claire. Ayos! Close pala sila ni Claire! Matanong nga pangalan ni Ms. No Name sa kanya! Haha! At nakita ko lumingon nanaman siya at tumingin sa direksyon ko. Sabay humarap siya ulit sa harapan.

Ang ganda niya talaga! Shett!!! Tinamaan yata talaga ako sakanya! Putekk! Tama na nga! Para akong bading! "Uy pre! Nagde -  daydream ka ba?" Narinig ko sabi ng tropa ko. "Huh? Sira! Hindi ah!" Sabi ko.

Ano kaya pangalan mo
Ms. No Name?

----------------------

A/N:

Update ulet guyth! May pasok na kasi bukas kaya pinost ko na ngayon! ^_^

Ayos ba? Haha!
Vote, comment and share!
Salamat! <3

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon