Jerome's POV
Andito kami ngayon sa room ng 1st year. Sa room nila Claire. Grabe kinakabahan na ako. Ahh! Tigilan ko na ito. Para akong babae.
"Woohoo!! Go Claire!" Sigaw nilang lahat pagpasok namin. At nauna na sina Claire at Kassandra sa pagsasalita sa harap kung an ang mga platforms nila. Umupo kami dun sa likod since vacant naman ang mga upuan ko.
Nang nagsasalita sila, sobrang seryoso silang lahat. Ano pa bang inaasahan ko? Eh first section toh. Sinubukan kong magpatawa. Tumawa naman silang lahat.
Tapos napansin ko yung 1st year sa harapan ko, lingon nang lingon dito sa likod. Tinitigan ko nalang siya, kahit yung likod niya lang ang nakikita ko.
Hangga't sa kami nang 4th year ang tinawag. Nagmadali ako papunta sa harapan. Pagdating ko dun, tiningnan ko agad yung lingon ng lingon sa likod kanina. Wow! Ang ganda pala niya. Sabay tinapik ako ng kasama ko. Ay Oo nga pala magpapakilala muna ako tapos siya.
"Hello Guys! Ako nga pala si Jerome Rodriguez. Ang 4th year representative from 4 - St. Luke."
Sabi ko sabay nagpakilala na yung kasama ko. Pagkatapos sinabi na namin yung mga platforms namin.
Nung yung kasama ko na ang nagsasalita nakita ko sa dulo ng mga mata ko na nakatingin nanaman sa akin yung 1st year kanina.
Hindi ko nalang siya tiningnan. Baka matunaw pa ako eh! Paaning hinde? Eh ang ganda niya sobra. Natapos na yung kasama ko sa pagsasalita. Ibig sabihin kakanta na sila. Sila lang, kase ako ang maggigitara.
"Okay guys! Thank you sa pakikinig! At dahil diyan kakanta kami." Sabi nung kasama ko. Pumuwesto na silang lahat. Ako sa harapan syempre. At nagsimula na akong mag-strum.
Habang tumutugtog ako napansin ko nanaman na nakatitig ulit sa akin yung 1st year kanina. So tiningnan ko siya. Bigla siyang tumungo nung tiningnan ko siya. Bakit? Ano ginawa ko? Hayyy!
Tapos nakita ko na ngumiti siya bigla. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Shet ang ganda niya! Napangiti nalang ako. Hanggang sa matapos kami nakatingin nalang ako sa kanya pero siya hindi na tumingin ulet sa akin.
Nang matapos kami nagpalakpakan silang lahat. Nag thank you kami ulet at lumabas ng room nila. Bago ako lumabas tiningnan ko ulet siya ng isa pang beses. At lumabas na ako ng room nila.
Habang papunta sa susunod na room nakangiti lang ako. "Huy! Ano yan? Bat ka nakangiti ha?" Tanong nung kasama ko. "Huh? Wala!~" Sabi ko sa kanya. Sabay tingin sa ibang direksyon.
"Weeeeehhhh???!!! Di nga? May iniisip ka eh! Ano yun? Sabihin mo na!" Kinulit ako ulet neto. "Tumigil ka nga! Para kang babae eh!" Sabi ko. "Wala akong pake! Basta sabihin mo na sakin! Sige na!!" Hayy nako! Ang kulet talaga netong tropa ko.
Sabihin ko ba sa kanya? O hinde?.. Ano ba yan! Ngayon naman parang ako yung babae eh! Sabihin ko na nga! "Oh sige na! Sasabihin ko na! Tropa naman eh.." Sabi ko. Tapos tumalon talon siya habang nagsasabi ng Yes! Ngayon naman para tong bata! Baliw neto!
"Kasi kanina, may 1st year na tingin ng tingin sakin a--."
"May gusto yan sayo pre!" Bigla siyang sumingit. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha? Hindi ah! 1st year palang siya at ngayon palang niya ako nakilala. Paano niya ako magugustuhan?" Tanong ko sa kanya."Malay mo, na love at first sight sayo." Sabi niya sabay ngumiti. "Pshh! Hindi yan!." Sabi ko.
Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang kaming mag room to room hanggang sa mag break time na. Habang nakaupo kami dito sa first floor ng main building sa isang mahabang upuan, nakatitig lang ako dun sa labas. Iniisip ko siya. Yung 1st year kanina. Hindi ko man lang nalaman yung pangalan niya.
"Huy! Ano nanaman problema mo?" Nawala yung mga iniisip ko ng magsalita yung tropa ko. Tiningnan ko lang siya tapos bumalik ang tingin ko sa labas. *sigh*
"Tinamaan yata ako."
-----------------------
A/N:
Hello ulet Guyth! Update ulet ako! Haha! Yay! Kumusta tong chapter na toh? Comment namam kayo para malaman ko kung maganda o hinde ^_^
Pa vote, comment at share!
Salamat sa inyo!
XoxoLuhary_20 <3
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...