Cheska's POV
Omg!! di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina!! "Uy! Cheska! Kumusta yung nakabungguan mo kanina?" Tanong ni Myka sabay ngumisi siya. "Tse! Kainis ka! Iniwanan mo ko dun!" Sigaw ko sa kanya.
"Syempre! Para naman makausap mo ang Prince Charming mo! HAHA!" Sabi niya. Inerapan ko nalang siya. Sabay tinalikuran ko. "Uy! Sorry na! Toh naman di mabiro! Ano sabi niya sayo?" Tanong niya ng nakangiti.
Napabuntong hininga nalang ako at humarap na sakanya. "O sige na nga! Hayy!! Alam mo ba hinatid niya ako kanina dito habang nakaakbay siya sakin!" Sabi ko.
Tumili si Myka. "OMG!! Talaga?!! Iba na ituu! Wait.. yun lang?" Tanong niya. "Ewan ko kung totoo yung sinabi niya.. Pero.. ililibre niya daw ako sa Next Break?" Sabi ko na parang nagtatanong.
"Oh May Gosh!" Sabi niya sabay tumili siya ulit. "Shhh!~ Uy! para kang baliw! Wag ka maingay!" Sabi ko. "Eh! kinikilig ako!" Sabi niya sabay ngiti. "Sira!" Binatukan ko siya. At dumating na yung teacher namin.
After 3 subjects Break na namin ulit. Tiningnan ako ni Myka sabay kindat. Dinilaan ko nalang siya. "Uy! bat ka kinindatan ni Myka?" Tanong ni Claire. "Malay ko dun!" Sabi ko na parang wala akong alam.
Lumabas na kaming apat ng room at diretso sa canteen. Habang naglalakad kami naalala ko yung sabi ni kuya Jerome kanina. Hayy! Baka naman hindi totoo yun! Hindi na ako aasa.
Habang naglalakad kami nakita ko si kuya Jerome na naglalakad din kasama yata yung kaibigan niya. "Uy! Tara!" Sigaw sakin ni Kuya Jerome habang papalapit siya sakin. Lumaki naman yung mata ko. Tapos tiningnan ako ni Faye, Claire at Yna.
"Cheska anong meron?" Tanong sakin ni Faye. Hindi ako nakapagsalita. Kase papalapit na talaga si kuya Jerome samin. "Uh.. Claire pwede bang mahiram muna siya sa inyo?" Napalingon sila at napanganga. Sabay tinuro nila ako. Nagnod lang si Kuya Jerome.
"Uhh... uhh.. okay po!" Sagot nilang tatlo. "Thank you! Wag kayo magalala.. ibabalik ko siya sainyo mamaya!" Sabi ni Kuya at napanod silang tatlo. Humarap siya sakin at sinabing "Oh! Tara na!"
Napanod nalang ako bigla at sumama sakanya. Lumingon ako kila Faye. *Maguusap tayo mamaya ah* Claire mouthed. Tumungo nalang ako at tumingin sa harap.
"Oh anong gusto mo?" Tanong ni kuya sakin. Grabe!! Ang gwapo niya! OMG! "Uh.. kahit ano nalang po!" sabi ko ng nakayuko. "O sige! Bahala ka!" Sabi niya. Binilihan niya nalang ako ng piatos pati na rin yubg sarili niya.
Umupo kami sa empty table sa canteen kasama yung kaibigan niya. Kumakain na ako ng tahimik, habang magkausap sila ng kaibigan niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Nung tumingin siya sakin umiling ako para di niya mapansin na nakatingin ako sa kanya.
"Uy! Bat ang tahimik mo?" Tanong niya. "Uh.. uh.. wala lang po." reply ko. "Diba sabi ko sayo kanina wag ka nang magpo sakin." ngumiti siya pagkasabi niya. "Uhh... ay sorry!" sabi ko.
Natawa siya bigla. Naconfuse naman ako kung bakit. "Wag ka nang mahiya ah! Diba sabi ko sayo, As sign of my apology lang toh!" Sabi niya sabay ngumiti.
Napangiti na rin ako. "Uhh.. ano nga pala name mo?" Tanong niya. "Ayy sorry! Ako nga pala si Mary Cheska Mendez.. Pero you can call me Cheska!" Confident kong sinabi. Syempre kakapalan ko na mukha ko ngayon! HAHA!
"Nice meeting you Cheska!" Nginitian niya ako. Ngumiti na rin ako.
Jerome's POV
"Nice meeting you Cheska!" sabi ko sakanya sabay ngiti. Nginitian niya na rin ako. Ang ganda niya talaga! Lalo na pagnakangiti. Sa wakas at nalaman ko na rin yung name niya ng walang kahirap hirap! HAHA!
"Eto nga pala yung kaibigan ko.. Si Mark!" Pinakilala ko na rin sakanya ang bestfriend ko. Nginitian niya rin. At syempre ganun din yung ginawa ni Mark.
Ngayon pinaguusapan nalang namin ang mga tungkol sa sarili namin. At biglang nagbell na. Ay! Tapos na break! Kainis! "Uh! Time na pala! Alis nako! Bye Kuya Jerome! Thanks sa libre!" Sabi niya pagkatayo. "Bye! Hatid na kita sa room niyo!" Alok ko sakanya.
"Hindi na! Thank you ulet! Bye!" Sabi niya ulet sabay nagwave siya ng kamay. Nagwave na rin ako. Hayy! Grabe! Ang saya pala niya kasama! At marunong din pala siya maggitara. Parang ako! HAHA!
"Uy pre! Tara na! Baka malate pa tayo eh!" Sigaw ni Mark habang kinakalabit ako. "Oo!" Reply ko naman sakanya. Habang naglalakad kami napadaan kami sa room ni Cheska. Nakita niya ako at nagwave siya. Nginitian ko na lang siya.
"Ano pre, masaya siya kausap?" Tanong ni Mark habang naglalakad kami. "Oo naman! Tsaka andun kakanina diba? bat mo pa tinatanong?" sabi ko sa kanya. "Eh hindi ko naman siya nakakausap eh. Kayo lang dalawa ang naguusap kanina." Reply niya.
"Ahh ganun ba? Okay!" Sabi ko. "Oh ano na ngayon? May balak ka pa bang ligawan siya?" Tanong niya bigla.
"Hindi muna! Kakikilala palang namin eh! Saka mas bata pa sakin yun noh!" Sabi ko with an annoying tone. "Ano naman? Age doesn't matter!" Sabi nito. Hindi ko nalang siya pinansin.
Hindi ko kuna siya liligawan kakikilala pa lang namin eh. Tsaka paano ko malalaman kung gust niya rin ako? Hindi muna ako aasa. Kasi mas bata pa yun sakin eh. Malay mo may iba pala siyang gusto.
Maghihintay muna ako ng tamang panahon.
-----------------------------
A/N:
Hello guyth! Update here! Haha! Wala naman ako ginagawa eh kaya ayan! ^_^ Ayos ba?
Vote and Comment guys!
Salamar po sa inyo!
XoxoLuhary_20
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
أدب المراهقينMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...