Chapter 11 - Bagay na Bagay

124 5 2
                                    

Jerome's POV

Andito kami ngayon na naghihintay ng tricycle sa may gate. Gusto ko talagang malaman kung sino yung kasama niyang lalaki kanina nung second break. At sabi nga nila diba?

Curiosity Kills!

Tiningnan ko siya at mukhang inaantok na siya. Paano, kanina pa hikab ng hikab. Pero hindi ko pa rin natiis, kaya itatanong ko na.

"Sino yung kasama mo kanina?"

"*yawn* Sino? Anong kanina?"

"Yung lalakeng kasama mo nung second break."

"Ahhh... Si Gene!"

Yun pala ang pangalan niya. Ma hanap nga sa facebook yun. Ay Oo nga pala! Hindi ko pa friend tong si Cheska. Search ko nalang mamaya.

"Ano mo siya?"

"Friend."

Friend? Pero sa nakita ko kanina parang hindi naman. Hindi ako makuntento sa sagot niya eh, pero wala akong magagawa, hindi pa naman kami ganun ka close para magtanong ako ng magtanong sa kanya.

At biglang may huminto na tricycle sa tapat namin. Sinenyasan ko si Cheska na pumasok sa loob.

"Saan kayo?" Kuya driver.

"Uy Cheska! San ka ba nakatira?"

"H-Huhh? *yawn* Sa Bloomfields Subd." Cheska.

"Wow! Pareho pala tayo. Kuya sa Bloomfields Subd. nga po."

At ayun, umandar na ang tricycle. Kakausapin ko pa sana si Cheska, pero pagkatingin ko sa kanya, nakatulog na. Nakatungo yung ulo niya. Baka magka soar neck siya. So naisipan ko na ipatong yung ulo niya sa balikat ko para mas comfortable yung posisiyon niya.

Tiningan ko ang natutulog niyang mukha. Mukha siyang anghel pag natutulog. Parang sobra niyang inosenteng tingnan. Napangiti nalang ako at pinatong ko na rin ang ulo ko sa ulo niya.

"Bagay na bagay kayo ng girlfriend mo hijo." Narinig kong sabi ni Kuya driver.

"Hindi ko po siya girlfriend. MAGIGING palang po." Sagot ko sabay ngiti.

Hindi na sumagot si Kuya driver at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

~~~~~~~~~~~~~

Cheska's POV

Nasa anong lugar ako. Feeling ko parang nakarating na ako dito eh...
Ay! nasa school ako!

Naglakad lakad lang ako dito nang may nakita akong isang lalake at babae na naguusap.

Lumapit ako ng konte para marinig ko kung ano yun.

"Mahal kita Jerome! Please bumalik ka na sakin!"

Whattt?? Jerome??

"Ayoko na! Naka move on na ako. Hindi na kita mahal!"

Tapos aalis na sana siya pero hinila siya nung babae at....

hinalikan sa labi.

Di ko na nakayanan kaya tumakbo ako ng umiiyak. Tapos may bigla akong nakabungguan.

"Cheska! Bakit ka umiiyak? Chseska! sumagot ka! Cheska! Cheska! "

.................

"Cheska. Cheska."

Naramdaman kong may nangangalabit sakin, kaya minulat ko na ang mga mata ko.Hayyy grabe! Buti at panaginip lang yun.

Kinuskos ko yung mga mata ko para luminaw ang paningin ko. At bigla kong naramdaman na nakaunan pala ako sa balikat ni kuya Jerome. Agad agad kong inangat yung ulo ko at umiling para hindi niya mapansin na nagba blush ako.

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon