Jerome's POV
Two weeks na akong hindi pinapansin ni Cheska. Feeling ko mababaliw na ako eh. Iniiwasan niya ako, pero grabe sila kung magbiruan ng kapatid ko. Daig pa ang magbestfriend? Pero kailangan kong tiisin yun para makapagisip isip na siya. Bukas na kasi yung prom. Bukas ko na malalaman kung anong nararamdaman niya para sakin. Mali ako nung inakala nung nasa Ferris Wheel kami. Akala ko makakasagot agad siya, pero hindi eh. Nagkamali ako ng iniisip. Masyado akong umasa nung araw na yun. Siguro nalilito siya. Sana pareho kami ng nararamadaman. Na mahal niya rin ako. Sana yun ang sabihin niya bukas. Kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, sa kanya lang ako ganito. Kilala ko siya. Bata pa lang siya kilala ko na siya.
Siya yung tipong, gagawin niya ang lahat maprotektahan lang yung mga taong mahalaga at importante sa kanya. May halaga rin kaya ako sakanya? Sana nga. Kailangan ko nalang gawin ngayon ay, ang maghintay. Sure ko ang kasama niya bukas sa pagpunta ay si Andrey. Syempre sila yung winners eh. Ganun naman palagi dito sa ICA. Pero okay lang. Makakasama ko siya sa kotse. Kasabay namin siya eh. Tsaka magsasama din sila ng kaibigan nila. Eh Ako? Wala akong kasamang date. O kahit isa sa tropa namin sa kotse. Ayaw ko. Gusto ko siya. Si Cheska. Ayos lang na pumunta ako bukas dun ng magisa. Basta andun siya ayos na yun.
Matutulog nalang ako, at bukas, bukas malalaman ko na.
[The next day]
Cheska's POV
"CHESKAAA! GISING NAAA!"
Nagising ako bigla nang marinig kong sumisigaw si ate. Ang lakas lakas naman ng boses nento. Sure ba siyang wala siyang nalunok na speaker?
"Ate, hinaan mo nga yang boses mo. Ang aga aga eh, para kang nakalunok ng speaker eh." Naiirita kong sagot.
"Paanong hindi ko lalakasan eh 2pm na!" Nanlaki agad yung mata ko.
"2pm NA!? Shit!" Sabi ko sabay diretso sa banyo para maghilamos.
"Hoy! Watch your words!" Banta ni ate. Pero hindi ko nalang siya pinansin at nagmadali akong maghilamos.
Sa totoo lang, 8am pa ako gising. Tapos pagkatapos maglunch kanina, natulog lang ako ulet habang hinintay ko yung stylist. 2:30pm kasi andito na yung stylist na hinire ni mama na magaayos samin ni ate para sa prom mamaya. Maraming kailangang ayusin. Yung buhok yung mukha pati yung isusuot namin. Nakapamili na kami ni ate last week pa. 7pm yung start ng prom at sabi ni Andrey susunduin niya daw ako dito ng 6:30pm. Tumatanggi pa nga ako kasi nakakahiya, pero sabi niya okay lang. Gagamitin daw namin yung kotse nila.
Pero hindi lang yun yung dahilan kaya ayaw kong sumama. Syempre, si Andrey yun! At kasama niya yung kuya niya alangan! Medyo awkward. Pero nagtanong kami ni Andrey sa mga teachers kung pwede kami magsama nang kaibigan naming 1st year para di kami ma OP. Buti nalang pinayagan kami. Kaso tig isa lang kami ng isasama ni Andrey. Syempre isasama ko si Claire. Pero may malaking problema. Ang pinili ni Andrey ay si Gene! Mas lalong magiging awkward! Eh hindi naman alam ni Andrey yung situation nila ni Claire kaya hindi ko siya masisisi.
Kasama pa namin sila sa isang kotse. O diba?! Ano toh? Face to face? Grabe. Buti nalang hindi sasabay samin si ate Nathaly kasi kasama niya yung 'date' niya. Kasi pag sumama yun, iingay lang dun sa loob ng kotse. Sure ko naman na hindi alam ni Andrey yung situation namin nung kuya niya diba? Hindi niya rin nila alam yung situation nina Gene at Claire? Tsaka hindi niya rin alam, na alam ko nang may.. *cough* gusto *cough* siya sakin. Atleast siya, at si Claire makakausap ko.
Pagkalabas ko sa CR, nakita ko na si mama dito sa kwarto ko.
"Anak, andyan na yung stylist. Inuna na niya si ate mo. Ang tagal mo kasi sa banyo eh." Sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...