Cheska's POV
Monday nanaman ngayon at syempre may pasok. May practice dapat kami ulet nila Gene ngayon kaso wala nanaman yung choreographer. Kaya pumasok nalang kami. Sayang kasi eh. Wala din naman kaming gagawin. Pero boring pa rin. Tingin ako ng tingin sa orasan, at feeling ko sampung oras na ang nakalipas.
Nilibang ko yung sarili ko sa pagtingin sa kung saan saan. Dumapo yung mga mata ko kay Gene. At nakita ko na nakatitig siya kay Claire. Habang ito naman si Claire nagdodrawing. Napangiti nalang ako. Masaya ako para sakanila pero, at the same time nalulungkot ako para kay Faye. Nung naisip ko si Faye, napatingin naman ako sakanya, at tama ang hinala ko. Nakatitig naman siya kay Gene. Paano na toh? Ayaw ko silang magaway away. Anong gagawin ko?
Tapos bigla nalang nagring yung bell. Break time na. Sa wakas!
"Claire sabay tayo!" Narinig ko na sinabi ni Gene.
"Ano?! Ayoko nga! Ako ang kasabay lagi ni Claire pag break time noh! Dun ka nga!" Sabi ko kay Gene. Totoo naman eh.
"Pwede ko naman kayong kasabay pareho diba?" Sabi ni Claire.
Wala na akong nagawa kaya nagagree nalang ako. Naglakad na kaming tatlo papuntang canteen. Ang tahimik ko. Totoo lang. Silang dalawa lang yung nag uusap. Feeling ko third wheel lang ako ehh.
"Uy Cheska saglit!" Napalingon kaming tatlo, at sakto! Dumating si Andrey. Para naman may kausap ako.
"Okay lang ba kung sabay na ako sa inyo?" Tanong niya.
"Oo! Pwedeng pwede!" At hinila ko siya sa tabi ko.
"Oh bakit?" Tanong niya bigla.
"Wala lang. Tara!"
***
Andito na kami ngayon sa canteen. Katapat ko si Andrey at katabi ko naman si Claire at katapat naman niya si Gene. Nagusap nanaman yung dalawa, hindi ko nanaman alam kung ano yung pinaguusapan nila kaya hindi nalang ako nagsalita. Ayaw ko namang masira yung moment nila.
"Uhmm.. Cheska okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Andrey.
"Oo naman. Bakit?"
"Kasi napansin ko, parang ang tahimik mo yata."
"Ahh.. w-wala lang yun." Sabi ko. Pero ang totoo, naaawkwardan (LOL word ba yun?) ako kanina pa kung hindi lang dumating si Andrey.
***
Tapos na yung break time at Drama na yung next subject. Ibig sabihin lahat kami pupunta sa Auditorium.
>>>>Sa Auditorium
"Okay class, today you will have an activity. This activity is by-partners okay? Boy and Girl."
Pagkarinig ko nung Boy and Girl, nakita kong nagtinginan si Gene at Claire.
"But I'll be the one to assign your partners alright? Okay, Ms. Aguilar your partner will be Mr. Morte..." Nanlaki yung mata ko.
Si Faye at Gene? Hala. Paano na si Claire? Tumingin ako kay Claire at nakita kong medyo malungkot siya. Nung binaling ko yung tingin ko kay Gene at Faye, pareho silang nakangiti. Kumunot bigla yung noo ko. Bakit hindi man lang tiningnan ni Gene si Claire? Argghh! Nevermind.
Pagkatapos na kaming iassign ni ma'am sa mga partners namin, tinuloy niya yung instruction sa kung anong gagawin namin.
"Each pair will choose a paper in this jar. After you pick, you'll unfold it and see a certain scenario. Now, you will act the scenario you picked here infront of class. I'll give you 15 minutes to practice, then you'll perform it here. Is that clear?"
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...