Chapter 26 - Careless.

78 3 0
                                    

Cheska's POV

"Okay class, since your Math teacher is absent today, you can have your free time on the whole period. That's all." Sabi nung teacher at iniwan yung classroom na nagiingay.

Lahat sila lumalabas ng room, naghaharutan, daldalan, at kung ano ano pa. Niyaya din naman ako nila Claire na bumaba, pero hindi na ako sumama. Naguguluhan pa kasi ako ngayon ehh. Kanina bigla kasing nagring yung bell kaya hindi na kami masyadong nakapagreact ni Andrey dun sa sinabi ni Ma'am.

"Hijo, ikaw si Drey, Hija, ikaw naman si MarMar. Wala ba kayong naaalala?"

Paulit ulit yun na nagrereplay sa utak ko. Anong maaalala namin? Eh parang 1 month palang kaming magkakilala ni Andrey. Tapos bigla kong naalala. Yung sinabi ni Mama....

"Yung Andrey at Jerome, Wala ka bang naaalala tungkol sa kanila?"

Kumunot bigla yung noo ko. Baka alam toh ni mama. Lahat ng sinabi ni ma'am, halos magkapareho sila ng ibig sabihin ni mama.

Tsaka sabi ni ma'am, may connetion daw kami ni Andrey. Anong connection yung tinutukoy ni ma'am? Magkamag-anak ba kami o ano? Ehh! Posible naman yata na magkamag-anak kami. Ehh anong connection? Ang gulo talaga! Tatanungin ko nalalng si mama pag uwi ko mamaya.

Gene's POV

Uwian na namin ngayon. Pinuntahan ko si Claire sa upuan niya at niyaya ko siyang umuwi. Buti nalang pumayag siya! Nang palabas na kami, nakita ko si Andrey.

"Gene, Claire, asan si Cheska?" Tanong ni Andrey. Nagtinginan muna kami ni Claire sabay ngiti.

"Sinundo na siya ni Kuya Jerome kanina pa." Nakita kong napakunot bigla si Andrey.

Hahaha! Naunahan siya ng kuya niya ngayon. Alam kong magkaagaw sila ng kuya niya kay Cheska ehh.

"Bakit? Selos ka noh?" Biglang sabi ni Claire. Nanlaki yung mata niya at napangisi lang ako.

"H-hinde ahh! B-bakit ako mag s-selos?" Sabi niya ng nauutal.

"Wews.. Bakit namumula ka?" Singit ko naman.

Tiningnan ako ni Andrey ng masama. Natawa lang ako. Kung makita mo lang yung mukha niya ngayon. Parang mangangain ng tao.

"Sige na Andrey.. Bye! Tara na Claire." Sabi ko sabay hila ko sakanya pababa.

Habang naglalakad kami sa quadrangle, nakita ko si Faye. Nakikipagtawanan sa mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakaramdam ako ng galit at... selos? Wait.. Bakit ako magseselos? Si Claire na nga diba?

"Gene.." Bumalik ako sa katinuan nung kinausap ako ni Claire. Tiningnan ko siya.

"Hmm?" Tanong ko.

"Wala wala.." sabi niya tapos umiling.

Okay lang kaya siya? Napansin ko kasi na simula nung naging magkaprtner kami ni Faye sa speech, tuwing kaming dalawa lang ang magkasama, ang tahimik niya. Magsasalita lang siya pag nagopen ako ng conversation at medyo nainterest siya. Pero maliban don, ang tahimik niya. Bakit kaya?

"Claire... okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya.

"Huhh?? Ano pinagsasabi mo? Oo naman! Bakit?" Tanong niya.

"Wala lang.." sabi ko sabay ngumisi.

"Hah.. ayos ka lang? Ano problema mo?" Sabi niya sabay natawa siya.

Natawa nalng din ako. Yan yung gusto ko kay Claire ehh. Pag kasama mo siya, walang kang mararamdamang awkward moments kahit tahimik at walang nagsasalita.

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon