Chapter 28 - Explanations.

83 6 0
                                    

Claire's POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko, gulat na gulat ako sa nakita ko. Bakit siya andito? At sa kwarto ko pa talaga ahh?

"Andrey?!" Sigaw ko.

"Hello Claire!" Sabi niya habang nakangiti at kumakaway pa.

"Andrey anong ginagawa mo dito? At bakit ka andito? Sa kwarto ko pa?!" Tanong ko sakanya. Habang nagakma akong umupo sa kama ko. Pero, feeling ko, parang nanghihina ako.

"Uyy.. mag-ingat ka naman ohh. May lagnat ka pa ehh." Sabi niya habang bigla niya akong inalalayan sa pagupo.

Nagulat ako sa sudden action niya. Nanlaki yung mga mata ko bigla. Tapos feeling ko nagbublush na ako.

"Uh.. hindi mo sinagot yung tanong ko.. A-andrey.." ano ba yan! Nauutal pa ako. Ano bang meron sakin ngayon? Besides sa may lagnat ako?

"Nakita kasi kita kanina na naglalakad magisa sa ilalim ng ulan ng walang payong. Tapos bigla ka nalang natumba. Kaya ayun, inuwi kita gamit yung kotse ng tito ko.." sabi niya sabay ngumiti ulit.

Naramdaman kong nagblush nanaman ako nung ngumiti siya. Seriously?! Anong meron sakin ngayon? Tapos biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako sa noo ko.

"Oh bakit?!" Biglang nagpanic si Andrey.

"Ang sakit ng ulo ko.." humina bigla yung boses ko pagkasabi ko nun.

"Tch. Ikaw kasi ehh.. Ano bang pumasok sa kokote mo at lumusong ka sa ulan ng walang payong?! Ayan tuloy.. Nilagnat ka na.." sabi niya. Nanahimik lang ako.

Tapos biglang bumukas yung pinto at nakita ko si mommy na may dala dalang tray.

"O anak, gising ka na pala.." sabi ni mama. Tumayo si Andrey at pinaupo niya si mommy sa tabi ko. Pinatong naman ni mama yung tray na may bowl sa sidetable sa tabi ng kama ko. Hala! Kinakabahan ako. Hindi ko kasi natupad yung promise ko kay mommy.

"O anak, bakit? Okay ka lang ba?" Tanong ni mommy.

"Ma.. galit ka ba sakin?" Tanong ko.

"Huhh? Bakit ako magagalit sayo?" Tanong ni mommy ulit.

"Kasi.. diba, sabi ko uuwi ako ng maaga para... makapagbonding tayo? Mukhang.. hindi ko nanaman natupad yung promise ko sayo..." sabi ko at tumungo.

"Tch.. okay lang yun nak. Marami pa namang ibang araw eh. Ang mahalaga ngayon, ay yung ligtas ka.. Halika nga dito.." sabi ni mommy sabay niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya. Sobrang saya ko dahil nagkaron ako ng mommy na katulad niya.

"Anak, alam mo na ba kung ano yung ginawa ni Andrey?" Biglang tanong ni mommy ng bumitaw siya sa yakap namin.

"O-opo.." sagot ko.

"Nag thank you ka na ba?" Tanong ni mama.

My eyes widened at the sudden question making me feel embarrassed that I haven't even said thank you to him. I shook my head from side to side gesturing mom, that I haven't thanked Andrey for what he did.

"Mag thank you ka na an-"

*DING DONG*

"Ay! Andyan na! Bababa lang ako saglit ha? Claire, magthank you ka na saknya.." sabi ni mommy habang tumango tango lang ako.

"O sige hijo, maiwan ko muna kayo." Pagkasabi nun ni mommy, umalis na siya ng kwarto ko at sinara yung pinto.

"Uhmm.. Andrey.."

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon