Chapter 3 - Love ba ito?

188 4 1
                                    

Cheska's POV

Isa nanamang boring day! Buti pa si Claire di aattend ng klase. Swerte niya. Isa kasi siyang 1st year representative ng isa sa mga partido para sa Student Council. Hayyy! Buti pa siya.

Science time namin ngayon. Ibig sabihin iba nanaman ang seating arrangement namin. Andito nanaman ako sa likod. Habang naglelecture si ma'am may mga kumatok sa pinto. Sila yung mangangampanya para sa Student Council.

At nakita namin si Claire. "Woohoo!! Go Claire!" sigaw naming lahat. Nagsimula na silang magannounce sa harap kung ano ang mga platforms nila. Una si Claire at si Kassandra. Ang 1st year representative. Si Kassandra ay kaklase ni Kiana, at pinakilala siya sakin ni Kiana, kaya medyo close kami.

Nagsimula na silang magsalita. Yung ibang mga representative sa iba ibang year level ay umupo sa likod namin. Hindi naman kasi ako sa pinakalikod nakaupo. Pangalawa lang sa likod.

Tapos may isang lalaki sa likod ko na laging nagpapatawa. Hindi ko matiis kaya lingon ako ng lingon sa kanya. Nung sila na ng kasama niyang isang representative ang magsasalita, nakatitig lang ako sa kanya. Nagpakilala na muna siya.

"Hello Guys! Ako nga pala si Jerome Rodriguez. Ang 4th year representative from 4 - St. Luke"

Sabi niya. Jerome Rodriguez. Sinulat ko yung pangalan niya sa likod ng notebook ko para hindi ko makalimutan. Sinulat ko na din yung section niya.

Habang nagsasalita siya, yung attention ko ay nasa kanya lang. Nakikinig lang ako sa kanya hanggang sa matapos sila.
"Okay guys! Thank you sa pakikinig! At dahil diyan kakanta kami para sa inyo." Sabi nung isang 4th year.

At nakita ko si Kuya Jerome, siya yung naggigitara. OMG! Marunong din siya! Marunong din kasi ako eh. Nang tumutugtog siya sa kanya lang ako nakatingin. Hindi ko tinitingnan yung mga kumakanta. Nasa kanya lang talaga yung focus ko.

Tapos nang mapatingin siya sakin, bumilis yung tibok ng puso ko. Inalis ko yung tingin ko sa kanya at tumungo. Nang matapos sila palakpakan kaming lahat. Nag thank you ulit sila at lumabas na ng room.

Halos buong time na consume na nila at 10 minutes nalang bago mag next subject. Kaya binigyan nalang kami ni ma'am ng free time. "Yehey!" Sabi nilang lahat.

Andito ako nakaupo lang, nakatitig sa labas ng bintana, at napangiti ako. "Uy! Cheska! Ano iniisip mo? bat ka ngumingiti?" Narinig kong sabi ni Myka. "Ha? Ano? Ahh wala lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Weehh? Crush mo si Kuya Jerome noh?" Tanong niya. Lumaki ang mata ko dahil dun sa sinabi niya. "Ano?! Hindi ahh! Baliw! Bakit mo naman naisip yan?" Sabi ko.

"Ha? Anong hindi! Obvious kaya! Una, Kanina lingon ka ng lingon sa kanya nung nakaupo siya sa likuran mo, Pangalawa, nung siya na ang nagsalita nakikinig ka sa kanya. Eh dun sa iba hindi ka naman nakikinig maliban kay Claire, At pangatlo,
nung naggigitara siya nakatitig ka sa kanya at nung tumingin siya sa direksyon mo tumungo ka!" Sabi niya. Sabay tinaas niya yung isang kilay niya.

"Hayy! Ano ka ba! Umamin ka na! Obvious na nga eh!" Sinabi niya ng malakas. Tinakpan ko agad yung bibig niya. Baka kasi marinig nung iba. "Oo na! Sige na! Tama ka! Hinaan mo lang yang boses mo!" Sabi ko at tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya.

"Sabi na eh! HAHA! Wag kang magalala! Di ko pagkakalat." Sabi niya sabay ngiti. "Thank you ah!" Sabi ko sa kanya. Tapos nagring na yung bell. Bumalik na kami sa dati naming upuan at pumasok na sa room yung susunid na teacher.

Hindi pa rin ako nakikinig dun sa teacher. Lumilipad yung utak ko. Si Kuya Jerome lang yung iniisip ko. Nung nagpapatawa siya, nung naggitara siya, at nung napatingin sya sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko ng maalala ko lahat yon.

Hayyy!! Crush ko na nga ba talaga si Kuya Jerome? Sana wala pa siyang girlfriend. Hindi naman sa umaasa akong magugustuhan niya ako. 4th year na siya at 1st year palang ako. Malabo mangyari na magustuhan niya rin ako.

Nung elementary pa nga lang eh, kaklase ko na nga ang hirap pang mareach. Siya pa kaya? Eh 4th year na siya...

------------------

A/N:

Hello ulit guys! Update na ako ulit! HAHA! Wala naman kasi akong ginagawa kaya nag uupdate nalang ako.

At kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko, kaya tinatype ko na dito! Kumusta tong chapter na toh? Ayos ba?

Pa vote, comment at share!
Salamat sa inyong lahat!
XoxoLuhary_20

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon