Chapter 24 - Secrets.

76 4 1
                                    

Cheska's POV

Ang weird ni mama. Nung nakita niya sina Andrey at kuya Jerome, para siyang nakakita ng multo. Ganun din naman si kuya Jerome. Nanlalaki yung mga mata.

"Ma!" Sigaw ko.

"Huhh??.. Ay, Thank you sa paghatid sakanya." Pagkasabi niya nun, hinila na ni kuya Jerome si Andrey at umalis.

Ang weird naman. Pagakpasok sa loob ng bahay ang tahimik. Hindi nagsasalita si mama. Mas lalo pang naging weird. Kadalasan pag andito si mommy at galing akong school, kung ano ano ang mga pinagtatanong ni mama sakin. Eh ngayon, ang tahimik ni mama. Medyo nagaalala ako so kinausap ko siya.

"Ma.." sabi ko ng malumanay.

"Huhh? Bakit?" Gulat na sabi ni mama.

"Okay ka lang ba?"

"Ako? Oo naman anak! Bakit mo natanong?" Sabi ni mama na mukhang kinakabahan. Bakit? Ang weird talaga.

"Kasi nung nakita mo sila kuya Jerome at Andrey, para kang nakakita ng multo ehh."

"A-ahh.. Hindi.. kasi hindi mo sinasabi sakin na may manliligaw ka na pala. At dalawa pa sila. Magkapatid pa." Medyo nagblush ako sa sinabi ni mama. Manliligaw? Pero, paano niya nalaman na magkapatid sila?

"Hindi ma! Kaibigan ko lang sila. Tsaka, paano mo nalaman na magkapatid sila?" Nung tinanong ko yun, parang kinakabahan nanaman si mama. Bakit ba?

"Uhh.. kasi... kasi... kasi magkamukha sila! Oo yun!" Sabi ni mama habang ngumiti. Ang weird talaga ni mama ngayon. May tinatago ba siya sakin?

"Uhh.. sige anak, magluluto na ako ng hapunan. Anong gusto mo?" Biglang tanong ni mama.

Abot mata yung mga ngiti niya. Kumunot bigla yung noo ko. May iba sa kinikilos ni mama ehh. Parang may sinisikrerto siya. Pero hindi. Mommy ko siya, at buong buhay ko, hindi siya nagsisinungaling sakin. Laging tama yung mga sinasabi niya. Baka nagkakamali lang ako. Ngumiti nalang ako bigla.

"Kahit ano nalang ma. Thank you!" Sabi ko at niyakap ko siya bigla. Niyakap din niya ako.

***

8pm na at tapos na kaming kumain. Nanunuod nalang kami nina mama at ate ng movie. Lumipas ang oras at malapit nang matapos yung movie at inaantok na rin ako. Tumingin ako sa orasan at 10pm na. Pagkatapos nung movie umakyat na si ate, naiwan kami ni mama sa baba kasi uminom pa ako ng tubig.

Nang nandun na ako sa kwarto ko, matutulog na sana ako, nang may kumatok sa pinto. Tiningnan ko at pumasok si mama.

"Anak, pwede ba kitang kausapin?" Tanong ni mama at umupo siya sa kama ko. Umupo ako at humarap kay mama.

"Uhh, sige po. Tungkol saan po ba?" Tanong ko naman.

"Ahh.. dun sa dalawang naghatid sayo kanina..." Sabi ko na nga ba eh! Hindi makakatulog si mama hangga't hindi ako nagkukwento.

"Ano po?"

"Kailan mo sila nakilala?" Tanong naman ni mama.

"Uhh.. Si kuya Jerome po, nung nagcampaign sila, kasama niya kasi si Claire tapos..." paano na ang sasabihin ko? Argh! Bahala na nga kung anong reaksiyon ni mama!

"Nakabungguan ko po kasi siya sa hall way, tapos ayun po, naging uhh.. close kami?.." Sabi ko sabay hinga ng malalim.

"Ahh.. eh yung Andrey?" Tanong niya ulit.

"Pinakilala po siya sakin ni Gene last last week lang po kasi kasali din siya sa pageant." Sagot ko naman ulit. Sana naman nasatisfy na si mama sa sagot ko.

"Ahh.. May tanong ako ulit anak.."

"Ano po yun?"

"Yung Andrey at Jerome, wala ka bang naaalala sakanila?" Nagulat ako? Anong maaalala ko sakanila?

"Ano yun ma? Maaalala ang ano?" Tanong ko. Nakakunot na yung noo ko. Medyo naguguluhan na kasi ako ehh.

"Ahh wala wala. Sige matulog ka na! May pasok ka pa bukas! Good Night!" Kiniss muna ni mama yung noo ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkalabas ni mama ng kwarto hindi na ako nakatulog. Inaantok lang ako kanina, pero dahil dun sa tanong ni mama, hindi ako makatulog. Buong gabi akong nagisip.

This past few hours, mom is a little bit weird. And I'm worried and confused about her actions lately. Is mom hiding something from me?

Jerome's POV

Pagkadating namin ni Andrey sa bahay, sinalubong kami agad ni mama.

"O kumusta mga anak?" Biglang tanong ni mama.

"Ayos naman.." sagot ni Andrey at humilata na siya dun sa sofa. Tamad talaga nito.

"O ikaw Jerome? Kailan ba yung thesis niyo?" Tanong naman ni mama.

"Uh.. uh.. N-next month pa p-po." Nauutal pa ako. Hindi ko siya kayang kausapin. Kinakabahan ako.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong nanaman ni mama.

At ngayon kumukunot na yung noo niya. Hala! Lagot na toh! Alam kong pag kumunot na ang noo ni mama, nagsususpetsa na siya sa mga kinikilos ko. Kailangan kong makaisip ng magandang alibi para makalusot ako.

"Ahh.. opo ma! Kinakabahan lang po ako para sa thesis namin. Wala pa kasi kaming naiisip na ipepresent nung kapartner ko ehh." Sagot ko. Buti nalang hindi ako nautal utal. Sana maniwala si mama.

"Ahh.. O sige! Good luck nalang sa inyo!" Sabi ni mama sabay ngiti. Haay! Buti nalang naniwala siya.

Pagkatapos nun, umakyat ako papunta sa kwarto ko at naglock ng pinto. Hindi toh pwede malaman ni mama. Pag nalaman yun ni mama, baka ilayo niya kami ni Andrey kay Cheska. At ayaw ko na ulit mangyari yun. Mahalaga siya samin ni Andrey, lalo na sakin. Dahil hindi ko lang gusto si Cheska, mahal ko na siya. Oo inaamin ko na. Mahal ko na siya. Ayaw ko lang munang sabihin sa kanya. Dahil hindi pa ako sure na ganun din ang nararamdaman niya para sakin. Dahil nakilala niya ulit si Andrey. Akala ko hindi na ulit sila magkikita kahit alam ko namang pare pareho lang kami ng school. Pero mali ako. Ganun ba talaga kalakas ang sinasabi nilamg fate? Basta, kahit anong magyari, hindi dapat malaman ni mama ang totoo.

At mas lalong hindi dapat malaman ni Andrey at ni Cheska ang matagal na naming sinisikreto sakanila.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Update update! Sorry kung maikli. HAHA! Pero masaya ako ngayon guys! XD Isa nalang kumpleto na clearance ko! HAHA! O sige tama na. Dumadaldal nanaman si author! How's this chapter? Comment anyone? ^^

Votes and Comments are very much appreciated! Salamat! <3

~Yuki_Akashi04

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon