Gene's POV
"May gusto ako sayo.."
Nung narinig ko yun.. hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o kung ano.. Nagulat ako sa biglaang sagot niya ng ganun. Tumalikod siya at akmang umalis, pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya at niyakap siya ng mahigpit.
"Alam kong nagugulat ka ngayon.. pero.. May gusto rin ako sayo.."
Pagkasabi ko nun, naramdaman kong niyakap niya na rin ako. Napangiti nalang ako. Siya yung unang bumitaw, at tiningan niya ako sa mga mata ko.
"Pero.. paano si Faye?" Biglang tanong niya.
Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Si Faye? Hindi ko alam. Ewan ko. Basta. Bahala na. Ang importante, alam ko na, na mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Pinunasan ko nalang yung luha niya at nginitian ko siya. Ngumiti din siya pabalik.
"Ayan.. mas maganda ka kapag nakangiti.." sabi ko.
"So uhh.. ano na?" Tanong niya.
"Ano?"
"Ano na tayo?" Tanong niya ulit.
"Uhh-"
"Oo nga. Ano na kayo ngayon?"
Pero bago pa ako makasagot, may narinig kaming nagsalita. Lumingon kami sa side, at andun nakita namin si Cheska. Nakatayo siya habang nakataas yung isa niyang kilay at nakalagay ang pareho niyang kamay sa baywang niya.
"C-cheska?" Sabay naming sabi ni Claire.
At lumapit siya samin habang nakataas pa rin yung isa niyang kilay. Nakakatakot si Cheska pag nagalit. Naexperience na namin yun nung Grade 6. Ayaw niyang may tinatago kaming sikreto sa kanya. Lagot na toh.
"Uhh.. tapos na ba kayo maglaro?" Triny kong ibahin yung topic.
"Wag mong ibahin yung topic Gene. Narinig ko ang lahat. Wag niyo na itago sakin, bago pa ako mainis.." sabi niya habang nakakunot.
Nakakatakot talaga siya. Hindi kami makapagsalita ni Claire. Nakatitig lang kami sa kanya.
"So, ano na nga kayo?" Tanong niya ulit.
"Uhh.." nagtinginan muna kami ni Claire, tumango lang si siya. At binalik na ulit namin yung tingin kay Cheska.
"Uhmm... M.U.?" Sabi ko na parang nagtatanong.
Nakakunot pa rin yung noo niya. Pinikit ko na yung mata ko, dahil alam kong gusto niya na akong suntukin ngayon. Amazona tong babaeng toh. Pero imbis na suntok, nakaramdam ako ng yakap na sobrang mahigpit.
"OMYGHAAAAAAD!!~~~~"
Narinig kong tumili si Cheska sabay minulat ko na yung mga mata ko. Niyakap niya kami ni Claire ng mahigpit. Tapos bumitaw na siya.
"Omygawd! Sabihin na natin sakanila!" Sabi ni Cheska.
"Cheska.." sabi ni Claire.
"Hm?" Cheska.
"Pwede bang, secret lang muna toh?" Tanong ni Claire.
"Uh.. s-sige.." Cheska.
"Thank you." Claire.
Cheska's POV
"Bye guys!" Sabi ko sakanila.
At umalis na ako dun at dumiretso pauwi. Grabe! M.U. na sina Gene at Claire! Hindi ko inaakala yung ganon na pangyayari. Pero bakit ganon? Kanina lang masaya ako para sakanila, pero bigla akong lumungkot. Naalala ko si Faye. Paano na yan? Paano na si Faye? Kakabati lang namin ni Faye kahapon ehh. Ayaw ko namang magaway naman sila ni Claire.
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...