Chapter 27 - Ulan.

73 3 1
                                    

Claire's POV

Tingin ako ng tingin sa orasan ko. Okay lang yan Claire. Kinuha niya lang yung baunan niya at babalik din siya. Babalik siya. Tiningnan ko ulit yung orasan ko at 5:30 na. Tapos may biglang tumulo. Tumingin ako sa taas. Hala! Umuulan na! At lalo pang lumalakas habang naghahanap ako ng masisilungan. Pero wala. Wala akong mahanap. Kaya bumalik ako dun sa kinatatayuan ko, at patuloy ko siyang hinintay.

Basang basa na ako, pati yung gamit ko. Pero hihintayin ko pa rin si Gene. Sabi niya babalik siya. Pero nakalipas na ang ilang minuto, 6:00 na at wala pa siya. Papagalitan ako ni mama pag gabi na ako umuwi. Nagpromise kasi ako sakanya na maaaga ako uuwi ngayon para makapagbonding kami. Pero, sorry ma, mukhang hindi ko nanaman natupad yung promise ko.

Nagsimula na akong naghahanap ng tricycle, pero walang dumadaan. Wala akong choice kundi lumusong sa ulan. Kaya eto ako ngayon, parang basang sisiw, naglalakad sa ilalim nang malakas na ulan. Parang ang drama ko naman yata. Pero totoo naman ehh. Si Gene kasi eh.. Pero hinde, hindi niya to kasalanan.

Sa totoo lang, ako ang may kasalanan kung bakit nauulanan ako ngayon. Umasa akong babalikan niya ako, kahit alam kong sobrang lakas na nang ng ulan, hinintay ko pa rin siya. Napaka tanga ko namang tao. Syempre mas uunahin niya yung sarili niya kaysa sakin. Masyado ko na yata siyang gusto--hinde, mahal. Mahal ko na si Gene Morte. Sa sobra ko siyang mahal, nagawa kong maghintay. Ilang years rin akong naghintay para lang maging magkapareho yung narardaman namin para sa isa't isa. At nagkatotoo na nga. Pero, ako mahal ko na siya, siya naman, gusto pa lang. Sa mga susunod na oras at panahon, pwedeng magbago yun sa isang kislap lang ng mga mata ko.

Masyado na akong nagdadrama habang naglalakad dito sa ilalim ng ulan. Tapos bigla nalang sumakit yung ulo ko. Bigla akong natumba sa lapag.

"CLAIRE!"

Nakakita ako ng isang familiar na figure. Hindi ko alam kumg babae siya o lalaki. Hindi ko rin malaman kung sino kasi nagblurred yung paningin ko.

"CLAIRE! ANONG NANGYARI!!??"

Yun yung last kong narinig at bigla nalang nagblack yung paningin ko.

Someone's POV

Pauwi na ako ngayon magisa. May meeting kasi kaming mga class officers. Ang dami nilang pinagusapan, wala naman akong nagawa. Nasayang lang yung oras ko dun. Habang naglalakad, may tumulo na nangaling sa taas. Napatingin din naman ako sa taas. Hala! Uulan! Buti nalang nasakin pa yung payong ni mama. Inilabas ko yun at binuksan ko at patuloy na akong naglakad papunta sa sakayan. Habang papalayo ako ng palayo sa campus, lalong lumalakas yung ulan halos mabasa na nga rin ako eh.

Tapos may nakita akong isang familiar na back figure ng isang babae. Wala siyang payong at naglalakad lang siya na parang may sariling mundo at walang pakialam. Binilisan ko yung paglalakad ko para maabutan ko siya. Malapit na, at naalala ko na siya. Tapos bigla aiyamg natumba. Nanlaki yung mga mata ko.

"CLAIRE!"

Nilapitan ko siya. Lumuhod ako at tiningnan ko siya. Tinapon ko yung payong sa side at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"CLAIRE ANONG NANGYARI!!??"

Pero hindi na siya nakasagot at pumikit na yung mata niya. Nagsimula na akong magpanic. Hala! Paano na to!? Hindi ko alam ang gagawin ko. Tapos bigla kong naalala. Malapit lang yung bahay dito ni tito. Mga limang bahay lang yung pagitan. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya, at sinabi kong sunduin niya ako dito gamit yung kotse niya, pagkatapos kong masagot ang mga taning ni tito, nagagree na rin siya. At sakto pa! Deadbat na yung phone ko. Buti umabot. Wala pang ilang minuto at dumating na si tito.

"O tara na! Isama mo na yan at ituro mo nalang yung bahay nila ahh." Sabi ni tito.

"Sige po. Thank you tito."

Tinulungan niya akong ipasok si Claire sa loob ng kotse niya, pagkatapos bumalik na siya sa driver's seat at nagstart nang magdrive. Wait.. hindi ko alam yung bahay ni Claire. Itetext ko nalang si Ches-- Ayy shet! Deadbat pala yung phone ko. Hala! Tapos biglang may pumasok sa isip ko. Yung I.D ni Claire! For sure naman andun yung address niya diba? Susundin ko nalang yun. Tiningnan ko yung I.D niya, at, malapit lang pala siya samin! Mga 2 kanto lang ang pagitan. Napangiti ako at tinuro ko na kay tito yung daan.

***

Maya maya lang andito na kami. Dinouble check ko yung address bago mag ring ng doorbell, at tama!

*DING DONG*

Wala pang isang minuto may lumabas na babae.

"Uhmm, kayo po ba yung mommy ni Claire Herrera?" Kinakabahan ako baka hinde.

"Ako nga. Bakit anong nangyari sakanya?!" Tanong nung mommy ni Claire na nanlalaki yung mga mata.

"Nakita ko po kasi kanina na naglalakad siya sa ulan na walang dalang payong. Nung nilapitan ko po siya, bigla po siyang natumba, kaya po iniuwi ko na po siya dito agad agad."

"Asan siya?!"

"Andito po."

Sabi ko sabay bukas ng pinto ng kotse ni tito. Tinulungan ako nung mommy ni Claire na ilabas siya sa kotse at ipinasok namin siya sa loob ng bahay nila sa kwarto niya. Lumabas muna ako dahil pinalitan siya nang damit ng mommy niya. Pagkatapos ay bumalik ako ulit sa loob ng kwarto niya at tiningnan ko kung okay na siya. Nagaalala din naman ako para sakanya.

Pagkapasok ko, ayun natutulog siya at nasa tabi niya yung mommy niya. Nung nakita ako nung mommy niya, tumayo siya at lumapit sakin ng nakangiti.

"Hijo, salamat sa paguwi sa anak ko. Kung hundi sayo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakanya." Sabi niya habang nakangiti.

"You're Welcome po. Ginawa ko po yun dahil kaibigan niya po si Cheska, at kaibigan ko na rin po siya." Sabi ko naman sabay ngiti din.

"O sige. Pwede bang dito ka muna sa kwarto niya at bantayan siya? Magluluto lang ako ng soup para sakanya."

"Sige po!" Sagot ko naman.

"Salamat talaga hijo ahh."

"You're Welcome po ulit."

And after that, her mom went down stairs, while I sat down on the chair beside her bed and I started staring at her sleeping face. Well, she's a really pretty and nice girl. I can tell. And she's smart too! I bet that the guy that will make her fall for him will be really lucky to have her. Cause, even if you just saw her once, you can already tell that she has a heartwarming personality. A bubbly, sweet yet cute girl.

Tapos nun, narinig kong nagsalita siya..

"Gene..."

Nagulat ako. Napapanaginipan niya si Gene? Bakit? Paano? Tapos unti unting bumukas yung mga mata niya. At nung nakita niya ako, halatang halata mo na gulat na gulat siya. Yung tipong nakakita ng multo. Pero, gwapong multo yata to. Haha!

"Andrey?"

--------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Hello guys! Medyo rushed po itong chapter na to. Ibig sabihin, pagkatapos ko itong itype lahat, pinublish ko na po. So, sorry kung maraming typo errors. Minadali ko po kasi yung chapter na to. Sorry talaga! Comment kayo?

Votes and Comments are very much appreciated! Salamat! <3

~Yuki_Akashi04

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon