Chapter 10 - Confirmed!

121 4 0
                                    

Cheska's POV

Andito ako ngayon sa room namin nakaupo lang. Sobrang bored na ako. Sana magbreak time na! Sa gitna ng discussion tingin lang ako ng tingin sa relo ko.

After 30 mins. nagbell na. Hayy salamat! Sa loob ng 3 subjects, parang more than 10 hours na ang nakalipas dahil sobrang boring.

"Cheska!" Palabas na sana ako sa room ng may tumawag sakin. Pagkalingon ko si Gene pala. "Oh bakit?" tanong ko. "Samahan mo ako sa canteen."

"Huhh? Bakit? Andyan naman sina Gab ah!?" reklamo ko.

"Ehh! Nakakainis! Pingtitripan lang ako nung mga yun eh!" Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. "Sige na nga! Tara!"

Habang naglalakad kami, kung saan saan ako tumitingin. Tapos naramdaman ko na may nangiliti sa baywang ko. Tinignan ko si Gene ng masama. "Ano ba! Tumigil ka ahh!" Banta ko sa kanya. "Ano ba ginagawa ko sayo?" He said then smirked. I just rolled my eyes at him and continued walikng.

Habang naglalakad may nangiliti nanaman sakin. "Ano ba!" Sabi ko. Tapos hindi siya lumilingon. Pero napansin ko na natatawa na siya, pero pinipigilan lang niya. Ah ganon pala ah! Babawian ko nga toh! Ginawa ko kiniliti ko rin siya. Tumakbo siya bigla at siyempre hinabol ko siya papuntang canteen.

Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami. Basta mahabol ko lang tong mokong na toh. HAHA! Pagdating namin sa canteen tumigil siya at hinihingal.

"Tama na Cheska! Ayoko na! Pagod nako." Sabi niya habang hinihingal. Natawa nalang ako tapos bumili nalang kami.

Jerome's POV

Buti nalang break time na ulet. Andito kami ngayon ni Mark at nang iba pa naming tropa nakaupo sa tambayan namin. Dun sa mahabang upuan sa ground ng main building. Habang nagtatawanan sila, nakita kong dumaan si Cheska at may kasamang lalaki.

Mag hehello sana ako kaso mukhang hindi niya ako napansin. Paano eh naghaharutan sila. Buong time na yon eh nakatitig lang ako sakanila. Nung nasa gitna na sila nakita ko na nagkikilitian sila.

Tapos bigla nalang tumakbo yung lalaki at hinbol siya ni Cheska papuntang canteen. Di ko alam pero bigla nalang akong tumayo at sinundan ko sila. Tinatawag ako nung tropa ko pero hindi ako lumilingon.

Pagdating ko don sa canteen, nakita ko si Cheska at yung lalaki na hinahabol niya kanina na nakaupo sa isang table at naguusap. Mukhang masaya sila kasi nagtatawanan pa nga eh.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, inis at galit. Umalis ako at bumalik sa tambayan namin. Pagkaupo ko tumungo ako at tinakpan yung mukha ko.

Lahat sila tumahimik. Iniangat ko yung ulo ko at nakita kong nakatingin silang lahat sakin. "Ano problema nyo?" Tanong ko.

"Ang tanong dapat ay 'Anong problema mo?'." Tanong ni Luis, yung isa naming tropa. "Huh?? Bakit ako?" Tanong ko ulit.

"Paano.. eh kanina bigla bigla kang umalis dito at mukha kang nagmamadali, tapos ngayon susulpot ka dito tas para kang namatayan dahil sa itsura mo!" Sabi naman ni Eric. Yung isa pa naming tropa.

Hindi nalang ako sumagot. At nakita ko na papunta dito sina Cheska at yung lalaking yun. Hindi niya yata ako napansin kaya dire diretso lang sila ng lakad. Buong time na yon nakatitig lang ako sakanila at huminga ng malalim.

"Alam ko na kung bakit!" Napatingin kaming tatlo sa sinabi ni Mark. "Ano?" Tanong ni Luis at Eric. "Nagseselos yan!" Sabi ni Mark. Lumaki yung mata ko sa sinabi niya.

"HA?!" Sigaw ni Eric at Luis. Binatukan ko nga. "Ang ingay niyo!" Sabi ko. "Sino naman pinagseselosan mo pre? Wala ka namang girlfriend ah?" Tanong ni Eric.

"Yung 1st year na balak niyang ligawan, may kasamang iba." Mark said in a low tone. Then I glared at him. "May nililigawan ka na pala pre di mo pa rin sinasabi samin!" Luis said and Eric nodded in agreement.

Hindi nako sumagot. Hindi na rin nila ako kinulit kasi alam nilang badtrip na talaga ako. Bakit nga ba ako badtrip? dahil ba nagseselos ako? Ayy ewan!

After a few minutes the bell rang. Discussion nanaman! Tsk! Bumalik na kami sa room. Nadaanan namin yung room nila Cheska at kausap nanaman niya yung lalaki kanina. Nung nakita niya ako kumaway siya at ngumiti. Nginitian ko na rin siya.

Bigla nalang nawala yung lungkot at galit ko kanina nung nginitian niya ako. Baka sigurong tinamaan yata talaga ako sa kanya. Para akong bading sa mga pingsasasabi ko nito. Patuloy na lang kaming naglakad papuntang room.

After 2 subjects uwian na rin. Yess! Pero hindi pa ako makakauwi. May meeting ang student council. Hindi ako nanalo nung election pero ang rules ay kahit hindi manalo ang 4th year, may position pa rin.

Hindi ako masyadong nakikinig kasi puro mga platforms lang namin at mga upcoming events ang pinsguusapan. 6:30 p.m. na natapos yun meeting.

Habang naglalakad ako dito sa catwalk papalabas ng gate, nakita ko si Cheska na nakaupo sa isang bench habang nagbabasa ng libro. Gabi na ah! Bakit andito pa siya? Nilapitan ko nga.

Inangat niya yung ulo niya nung andun na ako sa tapat niya. "Oh bat andito ka pa?" Tanong niya. "May meeting kasi ang Student council. Eh ikaw, bat andito ka pa?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hinihintay ko pa kasi yung sundo ko eh!" Sagot niya sabay tumingin sa labas ng gate. "6:30 na wala pa rin sundo mo?" tumango nalang siya.

"Tara sabay ka nalang sakin! Papauwi na rin ako!" Suggest ko sakanya. "Hindi na! Baka pag dumating yun hanapin pa ako!" Sagot niya.

"Baka hindi na dumating yun. Tsaka itext mo nalang. Sabihin mo na una ka nang umuwi." Sana pumayag na siya. Mukhang nagdadalawang isip pa rin siya.

"Sige na! Gabi na rin eh. Tsaka wala ka nang kasama dito. Bahala ka dyan!" Banta ko sakanya. Napabuntong hininga siya. "Sige na nga!"

Napangiti nalang ako. "Tara na!" Sabi ko. Ngumiti nalang din siya. Binitbit ko yung isa niyang bag kasi mukhang nabibigatan na siya eh. She refuses for me to carry it but I insisted. Huminga nalang siya at naglakad na kami papalabas ng gate.

------------------------------------

A/N:

Hello guys! Ginanahan akong mag update ng mahaba kaya eto! ^_^ HAHA! Dahil may Inspiration na ko! HAHA! Choss! XD

So kumusta tong chapter na toh? Ayos ba?

Vote, Comment and Share!
Salamat sa inyo!
XoxoLuhary_20

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon