Cheska's POV
Hayy Grabe! Sinasabe ko na nga ba ehhh! Ang tahimik ng room namin! OMG! Wala man lang nagsasalita. Pag walang teacher may maguusap pero kaunti lang.
Well, Ano pa ba ang aasahan ko? First Section nga eh.. Sobrang tahimik. Hindi ko na katabi sina Claire at Faye. Kasi ang seating arrangement by surname.
Nasa harapan ako at si Claire nasa likuran ko lang. Si Faye andun sa kabilang side. Haha! Inaasar namin siya. Inerapan niya lang kami. Toh talagang babaeng toh!
Tapos pagkalipas ng tatlong subject nagring na yung bell. Yay! Break time na! Haha! Nagsasama kaming tatlo. At sumama na rin samin si Yna. Si Gene naman sumama na rin. Inaasar pa rin namin siya ni Claire kay Faye hanggang sa makarating kaming lima sa Canteen.
Grabe! Sobrang crowded dito sa canteen. Siksikan. Para kaming mga sardinas. At ang init pa! Hayyy! Bumili nalang kami. Ay Bongga! Kung ano yung binili ko ganun din yung binili nila. Mga gaya gaya talaga toh.
Pagkatapos bumalik ma kami sa room. Sa canteen sana kami kakain kaso nga lang, ang init sobra! para kang nasa loob ng oven.
Pagdating namin sa room yung iba naguusap, baka magkakakikala na sila. Pero hind pa rin ganun kaingay. Magiging ganito kaya katahimik ang room namin hanggang matapos ang year?
[After 2 weeks]
OMG! Hindi pala magiging tahimik ang room namin gaya ng iniisip ko. Nung una lang pala yon. Grabe hindi ko inaasahan na magiging ganito kaingay ang room namin! HAHA!
Oo sobrang ingay namin ngayon. At may mga bago na rin akong nakilala. Sa Daldal ko ba namang toh! HAHA!
"Uy! Cheska! Tingnan mo oh! Sobrang ingay na ng room, pero hindi pa rin nananaway yung president." Sabi sakin ni Claire. "Oo nga eh. Ang pangit naman nila mamili ng Class Pres." Sabi ko sabay sumimangot.
Tapos pumasok na ang susunod na teacher namin. "Ay Grabe. Para kayong nasa palengke." Sabi nung teacher at bigla silang tumahimik. "Akala ko non tahimik talaga kayo, pero 2 weeks pa lang ang nakakalipas ang ingay niyo na." Dagdag ni ma'am.
"First Section kayo. Matuto kayong disiplinahin ang sarili niyo ha." Dagdag ulit ni ma'am.
"Yes ma'am!" sagot naming lahat.At nagsimula na ang klase. Hayy! Ang boring naman neto. Wala akong ibang ginawa kundi magsulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.
Hindi naman ako nakikita ni ma'am kasi nasa likod ako. Paano ako napunta sa likod? Tuwing Science ang subject namin lumilipat kami ng puwesto. May sariling seating arrangement si ma'am eh. Buti nalang sa likod ako.
"Uy Cheska! Ano pinagsususulat mo diyan?" Tanong ni Myka. Si Myka ay ang bago kong nakilala. Mabilis kami naging close dahil pareho kaming K-popper Haha!
"Wala lang. Ang boring kasi eh." Sagot ko sa kanya. Sabay nag nod lang siya ng ulo. Tapos maya maya may binigay siya sa aking papel na nakatupi. Binuksan ko.
Uy! dito nalang tayo mag usap! Bored na din ako eh! Haha~ ^_^
Yan yung nakasulat sa papel. Napangiti nalang ako at nagsulat na rin. Pasahan lang kami nang papel ni Myka at kung ano ano pinaguusapan namin. HAHA!
Tumigil nalang kami ni Myka nung nagpasulat na ng assignment si ma'am. Nagring na ang bell at tapos na ang subject. Bumalik na kami sa dati naming seating arrangement.
Hindi naman ako nalayo kay Myka. Isang upuan lang ang pagitan namin. At si Gab ang nakaupo don. Si Gab ay ang una una kong nakausap. Grabe ang daldal neto. Small but Terrible. Pero matalino yan sobra.
Lumipas ang araw at natapos na din ang pasok namin. Nagstay lang ako dun sa catwalk habang hinihintay yung sundo namin ni Kiana. Si Kiana kasama niya yung mga kaklase niya.
Kinuha ko nalang yung headset sa bag ko at sinaksak sa cellphone ko para makinig ng music. Umuwi na kasi sina Claire pati sila Faye. Si Myka andito pa kaso di ko naman siya makita.
Kaya eto ako nakaupo, nakikinig sa mga songs habang nakatingin sa mga estudyanteng papauwi na rin.
Hayyy. Marami pa ring gumugulo sa utak ko na mga tanong na ito.
Magiging masaya kaya ang year na ito? Magustuhan na kaya ako ng taong gust ko?
------------------
A/N:
Hello! Eto na ang pangalawa! Haha! sorry kung boring ahh! Promise ko maraming magaganap sa susunod na chapter.
Salamat sa pagbabasa!
Support niyo na rin ang iba kong stories ahh..¤Please Stay?! (EXO fanfic)
-Ongoing¤Loving you (One shot story)
-CompletedSalamat ulit ng marami Guyth!
Labyah! <3
XoxoLuhary_20
BINABASA MO ANG
Wanting for Love
Teen FictionMary Cheska Mendez. Isang simpleng teenager na talented, matalino, maganda at mabait sa mga taong mabait sa kanya. Kung mabait ka sakanya, mas mabait siya sayo. Kung masama ka sakanya, well, mas masahol pa siya sa bully kung mang away. Isang teenage...