Chapter 9 - Selos ba ito?

118 4 2
                                    

Jerome's POV

Ngayon maaga na akong pumasok. Lagi kasi akong late dati. Habang tambay lang ako dito sa room, nakita ko si Cheska sa baba. Wow! ang aga pala niya pumapasok! 5:50 a.m. palang andito na siya.

Naisipan kong puntahan siya sa room nila. Wala pa kasi akong kasama dito. Baka wala rin siyang kasama dun sa room nila. Pagkababa ko nakita ko siya, nakaupo sa may teacher's table.

Natutulog yata. Dahan dahan akong lumapit at kinalabit siya. "Ay Putekk!" Sigaw niya. Napangiti ako. "Ano ba Claire! Wag ka ngang--" Hindi niya natapos yung sasabihin niya nang makita niya ako.

Nginitian ko nalang siya. At halata sa mukha niya na gulat na gulat siya. "Hello!" Sabi ko sabay nagwave. "Uh... uh... ano ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Wala. Bumibisita lang. Ang boring kasi sa room namin eh. Ako palang yung andun." Tumungo nalang siya.

There was an awkward silence between us, so I decided to speak. "Uhmm.. lagi ka bang maagang pumapasok?" Tanong ko. "Oo." She replied plainly. Tumungo nalang ako. Umupo nalang ako sa isang upuan na malapit sa teacher's table para magkaharap lang kami.

Tumingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako. Ang ganda niya talaga. Napangiti na rin ako. I really felt awkward because she's so quiet today, unlike yesterday when we were conversing,and texting until we were sleepy.

"Bat antahimik mo?" Tanong ko. "Huh? ay sorry! Hindi kasi ako masyadong madaldal pag umaga eh. Bored ka na ba? Okay lang kung gusto mo nang bumalik sa room mo." Reply niya.

"Ay hindi naman sa ganon. Kasi parang kahapon lang ang daldal mo eh." Sabi ko. Ngumiti siya ulet.

Tapos lumingon.

"Uhmm... Kilala mo ba si Luigi Morte?" Nagulat ako sa tanong niya. Siya ba ang crush niya? "Oo! Bestfriend ko yun! Bakit?" Curious kong tinanong. "Ahh! Wala lang. Bestfriend mo pala yun?" Tumungo nalang ako.

"Classmate mo?" Tanong niya ulet. "Hindi eh." I replied in anannoying tone. I hope she won't notice. She just nodded her head then smiled like an angel.

Si Luigi kaya ang gusto niya? sana hinde! Okay lang kahit hindi ako ang gusto niya. Kahit sino nalang. wag lang ang bestfriend ko.

Cheska's POV

Tinanong ko si Kuya Jerome kung kilala niya si Luigi Morte. Akalain mo bestfriend niya yun? Kaya ko lang naman natanong dahil si Faye ang may gusto sa kanya.

Gulat ako dahil magbestfriend kami ni Faye, at magbestfriend din ang crush namin! Buti nalang. At least hindi na kami magkapareho ng crush ngayon.

Kasi nung elementary lagi nalang kami pareho ng crush, tapos sa kanya naman nagkakagusto. Sino kaya ang gusto ni Kuya Jerome?

Napalingon nalang ako nang Dumating sina Claire, Yna at Gene.Naktitig sila samin ni Kuya Jerome pagpasok nila at tahimik. "Uh.. Cheska alis na ako ah! Andito na kase mga classmates mo eh." Sabi niya.

"Okay! Bye!~" Reply ko. "Bye! See you later!" Nagwave siya habang papalabas ng room namin.

Pagkaalis niya tumingin silang tatlo sakin. "Cheska manliligaw mo?" Lumaki mata ko sa tanong ni Gene. *I wish!* I thought. "Hindi ah." I said in a low tone.

Tapos lumapit sina Claire at Yna sakin. "Uy bat siya andito?" Tanong nila. Wow! sabay pa talaga ah. Prinactice yata nila. "Huh? malay ko dun." sagot ko.

"Meron ka yatang tinatago samin ah. Mag sabi ka nga ng totoo Mary Cheska Mendez." Wow grabe ka Claire! Nakakatakot mukha niya pag seryoso.

Napabuntong hininga ako bago ko sabihin. "Kase kahapon, diba nilibre niya ako?" Tumungo sila at nakisali na rin si Gene. "Syempre nagusap kami. Tapos nung uwian na, tinabihan niya ako sa may catwalk tas nagusap ulit kami. At bago ako umuwi hiningi niya number ko at--"

Hindi ko natapos nang tumili silang dalawa. "Oy ang ingay niyo!" sabi ko. "Nakakakilig eh!" Sabi ni Claire. "Uy Cheska baka nililigawan ka niyan ah!" Sermon ni Gene. "Selos ka naman?" Tanong ni Yna. Hindi sumagot si Gene at inerapan nalang siya.

"Nagseselos nga!" Sabi ni Yna. "Sira! hinde! Kung kay Faye Oo!" Reply ko. Itutuloy ko na sana nang biglang nagsidatingan yung ibang mga classmates namin so hindi ko na naituloy.

After a few minutes nagring na yung bell. Flag ceremony na namin kaya bumaba na kami.

------------------------------

A/N:

Hello guys! Boring ba update ko? So Sorry! Masyado kasing sad si Author ngayon kaya boring! :'( Sorry talaga! Sa susunod gagandahan ko na!

Vote and Comment!
Salamat! ^_^
XoxoLuhary_20

Wanting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon