Chapter 2

74 2 1
                                    

CHAPTER 2
Vacation

Naiinis na pinatay ni Ayla ang kanyang alarm clock dahil nabulabog na naman siya sa kanyang pagtulog nang dahil doon.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at napabuntong-hininga.

"Hanggang kailan ko pa ba 'to kailangang gawin? Nakakapagod ding mag-aral," she muttered. Kahit pa tinatamad ay bumangon na siya agad.

Ilang linggo na ang nakalilipas magmula ng kanyang graduation at mula sa araw na 'yon, araw-araw rin siyang bumabangon para sa kanyang summer class.

She went to the bathroom and took a shower. Pagkatapos n'on, she did her skin care routine before putting a light makeup on her face. She put mascara on her thick long eyelashes and brushed her perfectly arched eyebrows. Naglagay rin siya ng kaunting blush on at lip tint sa kanyang mga pisngi at labi.

Ayla wore a puff sleeves crop top exposing her cleavage and a high waisted denim shorts. She partnered it with her white sneakers.

After doing all of her morning routine, she went down to the kitchen. Naabutan naman niyang nag-aalmusal ang kanyang mga magulang. Nakapagbihis na ang mga ito at pagkatapos n'on ay alam naman na niyang aalis din agad.

Wala sali-salita siyang umupo roon. Agad naman siyang pinagsilbihan ng kaisa-isa nilang katulong sa bahay.

"Gatas, Ma'am?" tanong nito sa kanya.

Umiling lamang siya kaya umalis na ito matapos lagyan ng sandwich ang kanyang plato.

"Ayla," tawag sa kanya ng kanyang ama kaya hindi naman siya sumagot. Abala siya sa pag s-scroll sa kanyang Instagram.

"Ayla Reese."

This time, she lifted her gaze at him lazily.

"Ano itong sinasabi ni Mrs. Chu na wala pa siyang itinuturo eh, sinasagutan mo na lahat ng textbooks?"

Nginuya niya ang kinakaing sandwich bago sumagot. "Bakit? Mali ba?"

"Ayla, 'wag mong susungitan ang Papa mo."

Hinarap niya ang kanyang ina. "Do I look like nagsusungit ako?"

Parati na lamang siyang napagkakamalang suplada dahil sa naturang emosyon ng kanyang mukha.

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Napahinga nang malalim si Jorge at umayos ng upo.

"Wala namang mali sa mga sinagot mo. 'Yung akin lang, sayang naman ang pagpapapasok namin sa 'yo sa mga summer classes kung hindi mo rin naman hahayaang turuan ka nila."

"Kasi nga alam ko na," she said rolling her eyes. Walang bahid ng pagmamayabang sa tono ng pananalita niya.

"See? Kung nasasayangan kayo, why would you still force me to attend summer classes?"

Ibinaba ni Althea ang hawak na kubyertos. "Ayla, ginagawa namin ito para maging consistent ka. Lalo na at magcocollege ka na. You must take your studies seriously."

"Didn't I?" kunot-noong aniya. Her father's forehead was already creasing and she knew that she needed to stop already. Hindi na lamang siya sumagot pa at tinapos na ang kanyang pagkain bago naisipang tumayo.

"I'm going."

Kinuha na niya ang kanyang bag at wala sali-salitang umalis.

Dumiretso na siya sa bahay ng kanyang tutor at makalipas ang halos apat na oras ay napagpasyahan niyang makipagkita kay Brittany. Nagulat na lamang siya nang makitang nakasakay ito sa magarang kotse.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon