CHAPTER 3
SorryAfter a few minutes, they arrived at Bacolod. Napasinghap si Ayla nang makarating sila. Halos hindi siya makapaniwala na makalipas ang limang taon, naririto na naman siya ulit.
"Sipilay, here we come!" tili ni Brittany at tatakbo na sana nang pigilan niya ito.
"Bitch, it's Sipalay."
"Sipilay."
"Sipalay!"
"Sipi—pfft, whatever."
Nauna na itong maglakad kaya napapailing niya itong sinundan. Napatingin siya sa kanyang cellphone nang pumasok ang sandamakmak na texts at missed calls sa kanya ng kanyang mga magulang. Napangisi lamang siya at saka 'yon itinago sa kanyang bag.
Sumakay sila ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kanyang lola.
"Are we going to Sipilay na?" sabik na tanong ni Brittany.
"Not yet. Bukas pa."
Brittany faced her, lips parted. "You mean, we're not in Sipilay yet?"
Hindi niya muna ito sinagot dahil nagstory pa siya sa kanyang Instagram ng litratong kinuha niya kanina pagkababa nila sa eroplano.
Touchdown, Negros Occidental.
Matapos magstory ay saka lang siya napaangat ng tingin dito.
"Nasa Bacolod pa lang tayo, 'wag kang excited."
Ibinalik niya ang atensyon sa pagseselpon.
"No way! Ugh, why didn't you tell me?" iritadong anito at sinandal ang likod sa kanyang kinauupuan.
Makalipas lamang ang ilang segundo niyang pagstory n'on ay nakatanggap na agad siya ng iilang messages mula sa mga kakilala niya ngunit, sa lahat ng 'yon, ang kanyang Tito Lorenzo lang ang kanyang nireplyan.
LV_: Bakit hindi mo sinabi sa akin?
LV_: Tell me if you want me to pick you up
Napangiti siya at nagreply rito.
itsmeayla_reese: It was supposed to be a surprise tho
itsmeayla_reese: Dito muna ako kay lola
itsmeayla_reese: Miss you tito. See you tomorrow ❤
LV_: Mabuti naman at pinayagan ka ni ate at kuya Jorge
LV_: Don't call me tito
LV_: Okay see u, i miss u too
"Where are we?" tanong ni Brittany nang tumigil ang taxi.
"Sum-ag."
"Sumag?"
Hindi na niya pinansin ang kaibigan at nagbayad na siya ng pamasahe nila sa taxi driver.
Agaw-pansin naman sila nang makarating doon. Pinagtitinginan sila ng mga tao lalo na si Brittany.
"What the hell are these people lookin' at?" ngumunguya sa kanyang chewing gum na anito.
"Paano ka hindi pagtitinginan eh, agaw pansin naman talaga 'yang suot mo. Tara na."
Tumigil sila sa tapat ng isang malaking bahay at doon nagdoorbell.
Ilang sandali lang ay lumabas ang isang katulong.
"Maayong aga. Sin-o sila?" Magandang umaga. Sino po sila? tanong nito.
BINABASA MO ANG
A Promise on the Sand (Isla de Negros Series #2)
RomanceA promise she promised not to break. *** After graduating from Senior High School, Ayla Reese Flores couldn't measure her excitement to visit Negros Island in Visayas. The thought of meeting her first love, Thomas, makes her think that it is going t...