Chapter 9

57 2 1
                                    

CHAPTER 9
Thomas

Ayla woke up the next morning having a severe hangover. Hindi niya rin namataan ang kaibigan sa kanyang tabi at sa loob ng buong kwarto. Sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis din na napabalik ng higa dahil sa sobrang pagsakit ng ulo.

"Why the hell did I drink so much last night?" daing niya habang minamasahe ang kayang sentido.

Kahit ano ang gawin niyang pag-alala sa mga nangyari ay wala siyang may matandaan kahit ni isa. Ang huling pagkakaalam lamang niya ay ang pagyaya sa kanila ni Sancho na pumunta sa bar.

Makalipas ang ilang minuto, saka niya lang napagpasyahan ang bumangon. Nag-shower na rin siya upang mahimasmasan ang sarili.

After changing her clothes wearing puff sleeves floral top and mom shorts, she went down to have some coffee.

Nakita niya si Oliver na kararating pa lamang sa pwesto nito. Wala pang katao-tao ang shop nito ngunit doon na siya dumiretso.

"Can I have a coffee here?" paos ang boses na aniya pagkarating.

Nilingon siya nito. "I don't serve coffee here, Miss."

Napangisi siya. "Bakit pa 'to naging drink shop kung wala namang coffee?"

Pinaikutan siya nito ng mga mata at hindi na siya pinansin pa dahil nag-ayos pa muna ito ng kanyang mga kagamitan doon.

Ibinagsak niya ang ulo roon. Pakiramdam niya ay mukhang sasama pa yata ang lagay niya. Doon niya ipinangako sa sarili na hindi na talaga siya iinom.

Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya ngunit hindi naman siya nag-abalang tingnan kung sino man 'yon.

"Kape."

"Shh, bro."

Kumunot ang noo niya at mabilis na napaangat ng tingin. Nilingon niya ang katabi at bumungad sa kanya ang lalaking nakaitim na tshirt at pajamas. Kahit pa mukhang kagigising lang nito ay hindi niya maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang DJ na nakita niya kahapon sa bar.

"What did you say?" tanong niya rito.

Nilingon siya ng lalaki. "Kape."

Kunot-noo niyang nilingon si Oliver na mabilis na umiwas ng tingin.

"I thought you don't serve coffee?"

"Hindi naman talaga. DJ is the only one I'm serving coffee here."

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Napalingon siya sa lalaki na ngayon ay nakapikit na ang mga mata habang nakaupo lang nang tuwid doon. She found him weird.

"Bigyan mo na. Hindi mo yata kilala 'yan, eh."

Napalingon siya upang tingnan kung sino ang nagsalita. Nakatayo na roon si Sancho at nang magtama ang mga tingin nilang dalawa ay mabilis din itong umiwas. Nagtaka tuloy siya kung bakit.

"I already knew her. She's Lorenzo's relative."

Bahagya namang napangisi si Sancho. "You're wrong."

Kumunot ang noo ni Oliver at bahagya namang lumapit dito si Sancho para bumulong. Nakita niya kung paanong namilog ang mga mata nito sa nalaman.

Ayla rolled her eyes after realizing how dumb they both were. Tama na sana ang ani Oliver at alam din naman niyang ang ibinulong ni Sancho rito ay sugar baby siya ni Lorenzo.

"What coffee ba, Miss?" tanong ni Oliver at nawala na rin ang masamang tingin nito sa kanya. Ngayon ay napalingon siya kay Sancho na nasa kabilang tabi na niya. Hindi na naman ito makalingon sa kanya.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon