Chapter 30

46 1 0
                                    

CHAPTER 30
Ripped

Ayla woke up in her own hospital room after resting for almost three hours. Naabutan naman niyang inaayos ni Sancho ang kanyang mga pagkain sa mesa sa kanyang tabi.

"You're still here?" bungad niya rito nang magising.

Sancho looked at her and smiled before going to her and caressed her forehead.

"Gising ka na? You have to rest more."

"I'm fine. Ikaw bakit nandito ka pa? How about your exams?"

Malamya itong napangiti. "It doesn't matter for now. 'Wag mo nang intindihin 'yon at ako na ang bahala."

Hindi naman siya sumagot at saka napabuntong-hininga. She winced when she felt the stinging pain of after birth while trying to move. Agad naman siyang inalalayan ni Sancho.

"Be careful. Baka mapano ka."

"I want to sit."

"'Wag na. Ang sabi ng doctor magpahinga ka raw muna. Lalo pa at baka nag cause din ng stress sa 'yo ang mga nangyari kanina sa Labor Room."

"Gusto ko ngang umupo."

"Baby, please. Don't be so stubborn now," he begged, and she just rolled her eyes at him.

Ipinikit na lamang niya ang mga mata.

"I'm hungry."

"What do you wanna eat?"

"Pizza."

He chuckled. "Of course, I came prepared. Here. Your favorite. Hawaiian overload."

Mabilis siya napadilat ng mga mata at walang pag-aalinlangan na bumangon na hindi man lang alintana ang sakit na nararamdaman.

"Woah! Easy!" Sancho exclaimed and almost had a heart attack.

She grabbed the box of pizza nonchalantly and started eating it.

Ilang sandali lamang ay narinig na lamang niya itong natawa na sinamaan naman niya ng tingin.

Kinuha nito ang stool at umupo ito sa gilid ng kanyang kama.

"Are you excited to see Selene?"

"Do I look like I'm excited getting my breasts sucked?" kunot-noong aniya rito na umani naman ng halakhak mula kay Sancho.

"Weren't you?" he asked, chuckling.

She paused and raised a brow. Then, they both grinned at that naughty thought.

"Well, it really depends," she said then shrugged. Sancho laughed, and she continued to eat.

A few moments later, they both turned to the door after hearing a knock. Matapos 'yon ay pumasok ang nurse karga ang kanilang anak.

"It's time for Mommy's milk," nakangiting bungad ng nurse na sinamaan naman ng tingin ni Ayla habang abala pa sa pagnguya ng pizza. The nurse was intimidated, and after leaving some instructions, she left in a hurry.

Sancho gently rocked his daughter in his arms. His smile was never been that beautiful and sweet. A genuine love of a father was really evident in his eyes she couldn't deny.

"She got your eyes," he said and giggled.

"She got my life and my freedom. Nothing more," she said sarcastically. Wala naman siyang natanggap na reaksyon mula rito dahil hanggang ngayon ay abala pa rin ito sa pagtitig sa kanilang anak habang hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi nito.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon