CHAPTER 10
PussyPagkagising na pagkagising ni Ayla ay agad siyang dumungaw sa balkonahe ng kanilang kwarto. Kapansin-pansin na wala masyadong katao-katao sa resort.
Agad siyang bumaba upang hanapin si Lorenzo. Doon niya nakita na kahit ang mga receptionist sa hotel ay wala rin doon.
Namataan naman niya si Lorenzo na nasa labas ng hotel at may tinatawagan. Lumapit siya sa gawi nito.
"Yes, I want the most beautiful flowers you have there."
Napalingon ito sa kanya.
"Sure."
Ibinaba nito ang tawag at nilingon siya.
"Good morning."
Bahagya siyang napangiti. "Good morning, Lorenzo. Um, what's happening? Bakit wala masyadong tao ngayon?"
Bahagya itong napahinga nang maluwag at hinawakan siya sa braso. Napaawang naman ang mga labi niya.
"Don't tell me... ipapasara mo na ang resort?"
Lorenzo's eyebrows furrowed. "There's no way I'm going to do that."
Napatingin si Ayla sa paligid. "Then why does this resort seems empty?"
Napabuntong-hininga ito. "Jack's grandfather passed away last night."
Nilingon niya ito. Kung hindi siya nagkakamali, si Jack ay 'yung lalaking bangkero na ikinukwento rin ni Sancho sa kanya.
"At bahagi na rin ng pakikiramay namin sa family niya, we closed the resort for a while. Me and my friends that work here as well, tutulungan namin si Jack doon sa bahay nila."
"Kindly send my condolonces to his family."
Bahagya itong napangiti ay hinaplos ang buhok niya. "I will surely do."
Lorenzo left after an hour and he left her incharge to take care of the resort for a while when he was not around. Kasama ng dalawang gwardya at tatlong tagalinis ng resort ay nagpaiwan sila roon.
"I love this! I feel like I own this whole damn beach! Hahaha!"
Napaikot siya ng mga mata nang marinig niya ang boses ni Brittany. Muntik na niyang makalimutan na buhay pa pala ang kanyang kaibigan.
Natigil siya sa pagkakatulala sa dagat at nilingon ito. Nagulat na lamang siya nang makitang naka-two piece swimsuit na ito na may animal print.
"Serving you Nicki Minaj realness! What's up?" she greeted and strutted her outfit while chewing a gum.
"How could you be so happy in this situation?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan habang magkakrus ang mga braso.
"What? Wala ba akong karapatan maging masaya? Look at the beach, bitch! At last I only have it for myself! Hahahaha!"
"Maliligo ka nang naka-wig?" aniya at tinuro ang kulay itim at bagsak na wig nito.
"Who told you I'm gonna swim looking like this? This swimwear is so freaking expensive! I won't let this get wet!"
Pinaikutan niya ito ng mga mata at tinalikuran. "'Yan ang hirap sa 'yo minsan hindi ko maintindihan trip mo sa buhay, eh."
Inalisan niya ito at dumiretso sa hotel.
"Hey! Take me some pictures for Instagram! Bitch!"
Hindi na niya ito nilingon pa at naglakad na pabalik sa hotel. Papasok na sana siya nang maramdaman ang paghilab ng tiyan.
BINABASA MO ANG
A Promise on the Sand (Isla de Negros Series #2)
RomanceA promise she promised not to break. *** After graduating from Senior High School, Ayla Reese Flores couldn't measure her excitement to visit Negros Island in Visayas. The thought of meeting her first love, Thomas, makes her think that it is going t...