Chapter 4

62 3 0
                                    

CHAPTER 4
Beneath the sea

Natagpuan na lamang ni Ayla ang kanyang sarili na nakahilata sa isang kama. Napatingin siya sa paligid ng kwarto bago naisipang bumangon. Napahawak pa siya sa kanyang ulo nang maramdamang sumasakit ito.

"Damn it," she muttered. It was late when she noticed that her clothes were already changed. Ngayon niya lang din naalala ang mga nangyari.

I almost drowned myself. Shit.

Napatingin siya sa labas at nakitang madilim na. Ilang oras na rin ang nakalilipas nang huli niyang makita ang kaibigan. Nagtataka na tuloy siya kung nasaan na ito.

Napalingon naman siya sa pinto nang may kumatok doon.

"Can I come in?" It was her Uncle Lorenzo.

"Come in."

The door opened and it welcomed Lorenzo looking worried. He just stood there with eyebrows furrowed. Napaiwas siya ng tingin dito. Alam na naman kasi niya sa kanyang sarili na pagagalitan siya nito.

Ayla heard him sigh. Dahan-dahan itong lumapit sa kanyang kama at umupo sa tabi niya.

"What made you do that, Ayla?"

Napaangat siya ng tingin dito at sinalubong niya ang magkahalong pag-aalala at galit sa mga mata nito.

There was a trace of authority in his voice. Ayla was so intimidated that she just kept looking away.

"I was too drunk... I'm sorry for making you worry," pahina nang pahina ang boses na aniya. Kinakabahan siya. Kinakabahan sa katotohanang anumang oras ay aabot sa kanyang mga magulang ang nangyari at pauwiin siya agad.

Well, does it still matter this time? Wala nang saysay ang bakasyon niya roon. Lahat ng purpose ng pagpunta niya roon ay nabura na agad nang isang iglap lamang.

"Even if you're drunk, no one would do something like that. That was insane! You could've killed yourself! Mabuti na lang at nakita ka ni Sancho," Lorenzo said frustratedly. "Unang araw mo pa lang dito. Don't make me call your parents this time."

Napayuko siya at napahingang-malalim. Kahit pa ganito na ang mga nangyari, ayaw niya pa ring umuwi. Ayaw niyang makita ang mga magulang niya at harapin na naman ang nakasanayan niyang buhay kasama ang mga ito. Isa pa, may punto rin naman ito. Kahit nga siguro ang lasing ay hindi gagawin 'yon. Masyado lang talaga siyang nasaktan sa mga nalaman kaya muntik niya nang gawin ang bagay na 'yon.

"Maybe there was something in the drink," she lied. "Naisip mo rin, 'di ba? Hindi ko naman siguro gagawin 'yon kung bastang nakainom lang ako. Maybe, that bald guy at the bar put something in my drink a reason why I absentmindedly made my way to the beach and almost d-drown myself."

Lorenzo's forehead creased. He seemed unconvinced.

She was about to take back her words when he spoke.

"I'll fire him, then."

Namilog ang kanyang mga mata sa narinig ngunit bago pa siya magsalita ay tumayo na ito.

"Bumaba ka na at sumama ka sa 'kin sa kabilang restaurant. Doon tayo magdidinner. Mauna ka na ro'n at hintayin mo 'ko. Hahanapin ko muna si Oliver."

Pinihit na nito ang doorknob ngunit pinigilan niya ito.

"Lorenzo!"

Nilingon siya nito.

Napalunok siya. "Do you really have to fire him?"

"I don't tolerate my workers even if they are my friends."

Natigilan siya sa sinabi nito. Before she could stop him, he already opened the door and left with finality.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon