Chapter 11

52 2 0
                                    

CHAPTER 11
Do you need a hand?
(WARNING! SPG scene ahead!)

Bago pa siya sumabog sa inis at galit ay nag-aya na itong maligo sila sa beach. Hindi man siya nakapaghanda, hinubad na lamang niya ang pang-itaas na damit at naiwan naman ang shorts at bra niya bilang suot.

She didn't have any intention to show it to Sancho because she already had nothing to prove to him but after she caught him looking at her and how he suddenly looked away, she couldn't help herself but to smirk.

Nagsimula na silang itampisaw ang mga paa sa tubig. Nagulat na lamang siya nang damputin nito ang kamay niya upang hawakan 'yon.

"Why are you holding me like a kid?" magkasalubong ang mga kilay na aniya.

"Inaalalayan lang kita baka mapano ka na naman," he said watching their steps.

Bahagya siyang natawa sa hangin at hinablot ang kamay. "It's like a feet deep! It's so shallow I won't drown in here," she said stating the obvious while walking continuously.

Bahagya lamang na natawa si Sancho. Nagpatuloy pa sila sa paglusong sa tubig hanggang sa umabot na ito sa kanilang bewang.

"Dito na lang tayo," anito at bahagyang naghilamos para basain ang mukha.

"Masyadong mababaw. Nagmumukha akong bata," aniya habang nakakunot ang noo at tinitingnan ang mga batang naroroon sa dulo at marunong lumangoy.

"Inggit ka sa kanila, 'no?"

Napalingon siya rito at bumungad na naman sa kanya ang pagngisi nito.

"Why would I?" may halong pagsusungit sa boses na aniya at ipinagkrus ang mga braso.

He brushed his long hair upwards while chuckling. "Hindi ka kasi marunong lumangoy."

"Why? Kailangan ko pa ba? Nandiyan ka naman para iligtas ako kapag nalunod ako gaya ng sabi mo," simpleng sabi niya at umiwas ng tingin.

"Ayla, hindi naman kasi sa lahat ng oras nandiyan ako para iligtas ka."

Napatingin siya rito at seryoso na naman ang mukha nito. Why did she always feel something different when he was looking serious?

Tiningnan niya lang ito kaya napamewang ito at napatingin sa malayo.

"Okay. Turuan na lang kitang lumangoy ulit."

Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Okay. Just make sure na matututo na ako this time."

Napangiti na naman ito sa kanya. Siguro dahil mukhang inis na inis na naman siya. Pansin niya kasing katuwaan 'yon ng binata.

It took them almost an hour. She was barely participating because of irritation but as it was taking longer, she already got it.

"No way..." hindi makapaniwalang aniya habang lumulutang sa tubig.

"Yes!" natutuwang anito kaya nakaawang ang mga labi niyang tiningnan ito.

"Let's go there!" sabik na sabi nito at itinuro ang malalim na parte ng tubig.

Mabilis siyang umiling-iling. "No."

"Come on!"

"Sancho!"

Nagulat na lamang siya nang hilahin siya nito roon. Hindi naman niya naiwasang mapakapit sa mga bisig nito nang mahigpit sa sobrang takot.

Nang hindi na niya maramdaman ang mga buhangin sa kanyang mga paa ay nakaramdam siya ng kaba at nerbyos.

"Oh, shit! I can't feel the sand on my feet!" She started to panic and her grip on Sancho's arms tightened.

"Hahahaha! Marunong ka nang lumangoy. Trust me. Bitaw na."

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon