Chapter 32

36 1 1
                                    

CHAPTER 32
💔

Ayla thought everything was just a dream, but no. She saw it with her own eyes.

No matter how she kept on telling to herself that Sancho wouldn't do that to her, it wouldn't change the fact that she saw him kissing another woman.

"Uminom ka muna ng tubig," ani Thomas pagkapasok na pagkapasok nito sa kwarto.

Napasinghot siya at saka kinuha ang tubig mula rito.

"Thanks."

Kasabay ng pag-inom niya ng tubig ay ang pagbalot ng katahimikan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nadatnan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang magagawa 'yon ni Sancho sa kanya.

"Ano ba ang nangyari?" Thomas asked as he caressed her back to comfort her.

It took her several moments before she could even answer.

"I don't know..." Those words were the only thing she could mutter.

At masyado pang mahirap para i-process lahat ng mga nangyari sa kanyang utak. Kasabay ng sakit at luha, hindi niya mahanap ang tamang salita na ilalabas niya sa kanyang mga labi.

"Si Sancho ba?"

Napalingon siya rito nang marinig ang pangalan nito.

"How do you know?"

Thomas shrugged. "Siya lang ang palagay kong rason."

She looked away and that scene crossed her mind again. She closed her eyes trying to erase it from her memory, but it kept on haunting her like it was some sort of a nightmare.

She gave up and broke down crying again.

"I just can't believe he can do that to me," she cried and wiped her tears, helplessly.

"I am already at the point of loving him, finding ways to love our daughter, and find hope in our relationship. That it could be better. I tried my best. But I didn't know it would end up this way. He's such an asshole," aniya at bahagya pang pinanggigilan ang hawak na baso.

Nanatili namang tahimik si Thomas upang makinig sa mga hinaing niya.

"Kaya pala pinipilit ako ng kaibigan niya na umuwi na. Para ano? Makipaglaplapan siya nang malaya ro'n sa babaeng 'yon? Na kaibigan lang daw niya? Aba, tangina niya kamo," dagdag pa niya. Kulang na lamang ay murahin na rin niya si Thomas sa sobrang galit na nararamdaman niya para rito.

Her face brightened when she remembered something.

"Oh, maybe that's why he kept on insisting on letting me go. Para naman may pag-asa na sila ng babaeng 'yon kasi baka alam niyang babalik na ito. May nalalaman pa siyang hindi niya 'yon magagawa sa akin kahit kailan?" daing niya na sinabayan pa niya ng sarkastikong pagtawa.

Tears were streaming down her cheeks. Hindi rin mawala-wala ang imahe ng babae sa kanyang utak. And the thought of Sancho finding that woman more attracted than her broke her heart. Pakiramdam kasi niya ay naging losyang na siya gawa ng panganganak niya. At sa isip niya ay hindi na siya maganda sa paningin nito kaya mabilis itong naakit doon sa babae maliban sa katotohanan na may pinagdaanan na rin ang mga ito.

"The only thing that hurts me more, is the fact that I believed he wouldn't do something like that to me."

Napaangat siya ng tingin kay Thomas.

"But he did."

Umiling siya at napayuko.

"I don't think I can trust him anymore."

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon