CHAPTER 8
Wild dreamAyla didn't feel like going out on that day. Matapos niyang gawin 'yon kagabi ay tila wala na yata siyang mukhang maihaharap kay Sancho.
Napasigaw siya at napabalikwas ng bangon na sa paraang 'yon ay mabubura sa kanyang utak ang pangyayaring 'yon.
"Bitch, don't disturb me," Brittany complained on her side. Nakahiga pa rin ito roon at mukhang wala pang balak bumangon.
Napahilamos siya ng mukha at napatingin sa bintana sa labas. Nakuha naman ang kanyang pansin nang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa bed side table. Nang tingnan niya 'yon ay tumatawag ang kanyang ina.
"Ayla, how are you, anak?"
"I'm fine. I'm enjoying here a lot."
"Mrs. Chu told me na hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya sa 'yo."
Ayla rolled her eyes before rousing herself off the bed and went to the bathroom to brush her teeth.
"For what? Look, Ma. I'm here to enjoy. Ayaw ko na may bumabagabag sa akin related to my studies," aniya habang nilalagyan ng toothpaste ang kanyang toothbrush.
"See? Nagiging pabaya ka na. Hindi ka naman namin pinalaki nang ganyan, ah?" Her mother's voice started to raise. She just rolled her eyes while brushing her teeth.
"Kung hindi lang sana nawala ang ate mo, hindi ka na namin pagtitiisan nang ganito," her mom whispered but it was enough for her to hear.
Napahigpit ang hawak niya sa kanyang sipilyo at dumura sa lababo.
"O, eh 'di sana ako na lang ang nawala para masaya kayo," aniya sa malamig na tono ng boses.
"Don't say that, Ayla!" sigaw nito sa kabilang linya.
"Kung nagtitiis lang din naman na pala kayo sa akin, why still bother raising me? Bakit niyo pa ako pinagpipilitan sa mga bagay na gusto niyo? Ah, kasi wala na kayong choice. Ako na lang ang natitirang option niyo," she said then smirked sarcastically.
"Hindi totoo 'yan—"
"Goodbye."
Agad na niyang pinatay ang tawag. Umaga pa lamang ngunit mainit na agad ang kanyang ulo. Alam naman niya sa kanyang sarili na kahit pa hindi man ganoon katagal na namuhay ang ate niya, hindi niya pa rin ito matatapatan sa puso ng mga magulang niya.
There was no sign of Sancho that day and she was glad about it. Ayaw pa rin naman muna niya itong makita. Matapos ang mga nangyari kagabi? Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakali mang magkasalubong silang dalawa.
Umupo siya sa drink shop ni Oliver at umupo sa stool sa harap nito. Ramdam niyang may sama ng loob pa rin ito sa kanya kaya pinaikutan niya lamang ito ng mga mata.
"One order of strawberry milkshake," she commanded.
Tumango lamang ito at ginawa ang order niya. Napatingin siya sa kabuuan ng resort. Nagtatakbuhan ang mga bata na masayang naglalaro. May mga guests rin na piniling sa pool maligo kaysa sa dagat.
Nang ibaling niya ang atensyon sa kabilang bahagi ay namataan niya si Brittany na bihis na bihis na naman.
Brittany was wearing a neon green oversized shirt, white beanie, long white wig and baggy pants.
Malayo pa lamang ay napaikot na siya ng mga mata.
"Serving you, Billie Eilish realness! Isn't it lovely all alone?" Brittany sang.
BINABASA MO ANG
A Promise on the Sand (Isla de Negros Series #2)
RomantizmA promise she promised not to break. *** After graduating from Senior High School, Ayla Reese Flores couldn't measure her excitement to visit Negros Island in Visayas. The thought of meeting her first love, Thomas, makes her think that it is going t...