Chapter 7

52 1 0
                                    

CHAPTER 7
Thicc

Nagising si Ayla nang marinig ang pagsara ng pinto ng kotse. Mukhang kapapasok lang ng binata mula sa labas.

"Where are we?" aniya sa paos na boses.

"Oh, gising ka na. Nasa city proper tayo ng Kabankalan. Dumaan lang ako sa isang mall para bilhin 'to," anito at itinaas ang isang jewelry box.

"What's that?" she asked yawning.

Binuksan 'yon ni Sancho. Natigilan naman siya nang makita 'yon. She already knew by the looks that it was expensive.

"This is an aquamarine necklace. Bigay ko kay Madison. Birthday niya kasi bukas."

Tumango lamang siya na tila hindi siya interesado. "Is she your girlfriend?" aniya.

"No, we're just friends."

Tumaas ang isa niyang kilay bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana at ipinikit ang mga mata.

An expensive necklace as a gift for a friend that is a girl? So, Sancho is a type of guy that is friends mostly with girls, she thought.

Hindi niya pa masasabi kung isa rin itong playboy. Halos isang araw niya na itong nakikilala at talagang estranghero pa rin ang tingin niya rito.

Ilang oras na naman silang nagbyahe at gabi na nang makabalik sila sa resort.

"Where the fuck have you been? At bakit kasama mo si Ayla?" sigaw ni Lorenzo matapos silang salubungin sa entrance ng resort.

"I can explain, bro—"

"Don't bro me, Sancho!" ma-awtoridad pa na anito at hinawakan si Ayla sa kanyang palapulsuhan at inilayo kay Sancho.

"Boss naman. Ipinasyal ko lang siya."

"Nang hindi nagpapaalam sa akin? How about your work here? Gusto mo bang ipalit ko na lang si Mateo sa 'yo?"

Pumagitna naman si Ayla. "Lorenzo, calm down. Sumama ako sa kanya, okay? And we got back safely, so there's nothing to worry about."

Napahilamos si Lorenzo sa kanyang mukha. "But why are you wearing his shirt?"

Doon siya natigilan. Na mental block naman siya kaya hindi niya alam kung ano ang irarason.

"I lend it to her, Boss. Basa kasi siya kanina."

"At bakit ka naman na—" Hindi na itinuloy pa ni Lorenzo ang kanyang sasabihin dahil napahilamos na naman ito ng mukha sa ikalawang pagkakataon.

"Bumalik ka na ro'n sa hotel. Your friend caused me a lot of stress today," anito sa mas kalmado nang tono.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata bago tumango at nilingon muna si Sancho bago naisipang tumakbo papuntang hotel.

Mabilis siyang umakyat papunta sa kwarto nila ni Brittany at ang kanyang naabutan ay ang labis niyang ipinagtaka.

"Is it the end of the world?" wala sa sariling aniya nang makita niyang nagmomop ito ng sahig sa harap niya.

Mangiyak-ngiyak na lumingon si Brittany. "Your uncle made me do this!"

Hindi siya umimik at nang ilang segundo lamang ay napahagalpak siya ng tawa.

"Is there anything funny?" inis na sigaw nito at umaktong umiiyak.

"I've been cleaning this whole damn floor with my tired ass the whole day," she complained.

"Hahahaha! Ano ba kasi ang ginawa mo? Pero, infairness, bagay ka maging maid," biro pa niya at saka binagsak ang likod sa kama.

Napabusangot naman ang kaibigan. "I caught your uncle having sex."

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon