CHAPTER 33
Scent"Ma'am, gising po."
Napadilat naman ng mga mata si Ayla nang may gumising sa kanyang matandang lalaki. Napabangon siya at napatingin sa kanyang paligid. She was still in their room. Loneliness showered through her realizing that they weren't still there.
Doon niya lang din napagtanto na nakatulog siya sa sahig.
"Nasaan sila ni Sancho?" agad niyang tanong nang mapagtanto ang rason kung bakit siya naroroon. The hopes in her voice were visible thinking that this man could be a help for her to know where the family was.
"Sila ni Madam? Naku, wala na po sila rito. Kahapon pa po."
Her world crashed down with that confirmation.
"Pero alam mo kung saan sila pumunta, right? At babalik pa sila, 'di ba?"
"Wala po akong ideya, Ma'am. Caretaker lang po ako rito ng bahay nila."
"You should've known! Dapat alam mo kung nasaan sila!"
Napailing ito. "Pasensya na po. Wala po talaga akong alam, eh."
Napahilamos siya ng mukha sa sobrang pagkadismaya. Kaunting-kaunti na lamang ay mapapaluha na naman siya sa pinagsamang inis, lungkot at pighati.
"Hindi ba sila nag-iwan ng kahit na anong mensahe sa akin?"
The old man shook his head. "Hindi ka naman nila nabanggit sa akin, ma'am. Mabilisan kasi ang pag-alis nila kaya hindi na kami masyado pang nakapag-usap ni Madam Victoria bago sila umalis."
Nanlumo naman siya sa mga nalaman. Doon niya lang din napagtagpi-tagpi ang mga impormasyon na nalikom niya at ngayon ay naliwanagan na siya.
It was all Victoria's plan.
She asked Thomas to brainwash her. At kapag naging matagumpay 'yon ay masisira sila ni Sancho. At kapag nangyari 'yon, ay saka na nito makakamit ang matagal na nitong hinahangad. Ang mawala at hindi na siya maging parte ng mga buhay nila.
She went from a hundred to zero. Ngayon niya lang napagtanto ang mga bagay na nawala niya. She lost the man that she loved. She lost her own daughter. She lost her family. She lost her happiness.
At isa pa sa kinaiinis niya ay dahil ngayon niya lang napagtanto ang mga 'yon. Bakit noon na nandito pa sila ay hindi niya ito maramdaman? Bakit hindi niya kayang pahalagahan ang pagmamahal ni Sancho nang naroroon pa ito? Kung alam lang sana niyang mangyayari 'tong lahat ay sana nilubos na lamang niya ang mga masasayang pagkakataon at alaala niya kasama ang mga ito.
Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi.
And she didn't just regret a few, she regret everything. Big time.
Sa isip niya ay karma niya itong lahat dahil sa mga nagawa niya rin noon sa pamilya lalo na kay Sancho at sa anak niya. Sa mga pagkakataong hindi niya pinahalagahan ang mga ito at sa mga pagkakataong hindi niya inisip kung ano ang mayroon siya nang mga panahon na 'yon.
And now she knew already. How much she had lost. That not enough millions could ever pay. Na kahit kailan man ay hindi matatapatan ng kahit na ano.
Pakiramdam niya ay malulunod siya sa labis na lungkot na nararamdaman. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. She tried calling Sancho's number, but it seemed that he already changed it. Ganoon din ang numero ni Victoria.
Napamura na lang siya sa pagiging mautak ni Victoria. She planned everything so well, that she couldn't even contact Sancho through his social media accounts. She couldn't search for his Instagram account, nor his Facebook and Twitter. Kahit makapag-iwan man lang sana siya ng mensahe ngunit wala na talaga siyang naiisip na ibang paraan para makipag-ugnayan dito.
BINABASA MO ANG
A Promise on the Sand (Isla de Negros Series #2)
RomansaA promise she promised not to break. *** After graduating from Senior High School, Ayla Reese Flores couldn't measure her excitement to visit Negros Island in Visayas. The thought of meeting her first love, Thomas, makes her think that it is going t...