Chapter 15

55 2 1
                                    

CHAPTER 15
Incomparable

Nagising si Ayla sa nakadapang posisyon sa sofa. Dahan-dahan siyang napabangon at bahagya pang napangiwi nang maramdaman ang pananakit ng leeg at ilang bahagi ng katawan.

Minamasahe ang leeg niyang inilibot ang tingin. Hindi niya mamataan si Sancho sa paligid ngunit amoy na amoy niya ang niluluto nito mula sa kusina.

Ayla stood up, still massaging her neck. She went to the kitchen and he found Sancho just done cooking.

"Good morning," he greeted with a sweet smile. "Have a seat. I prepared you a breakfast."

Hindi na siya sumagot at naghanap na ng mauupuan niya roon. She was amazed to see the foods on the table.

"We have frittata for breakfast, toasted bread, fresh warm milk, and pasta," he said pointing each food as if he was some sort of a restaurant chef.

"Isn't this too much for a breakfast?"

'Yon na lamang ang kanyang nasabi. Ayaw rin naman niyang ipahalata masyado na manghang-mangha siya rito. Hindi lang kasi talaga niya akalain na marunong din pala itong magluto.

She heard him chuckle before pulling a chair. "Kulang pa nga 'yan. Sorry, hindi na kasi ako nakapag-groceries," anito bago umupo sa hinilang upuan.

Hindi na siya nagsalita pa at nagsimula nang kumain. Nang matikman niya ang niluto nitong frittata ay napaangat siya ng isang kilay. Huli na nang mapagtanto niyang pinagmamasdan lang siya ni Sancho habang nakangiti.

Napaiwas siya ng tingin. Hinuha niya ay nahuli nito ang kanyang naging reaksyon.

"It seems that you like it," nakangiting anito.

"How do you say so?"

He shrugged. "Nakita ko lang."

Pinaikutan niya lamang ito ng mga mata at nagpatuloy na sa pagkain. Napahagikhik naman ang binata sa kanya.

Matapos nilang mag-agahan ay dumiretso na sila sa kotse nito. Silence filled up the space of his car. Aminado rin si Ayla na naaalala nilang dalawa ang mga nangyari kagabi.

Muntik nang mag-init ang kanyang mukha sa hiya nang maalala ang kahihiyang ginawa kagabi ngunit nang matanaw niya sa hindi kalayuan sina Thomas at ang asawa nitong si Yollyn na nasa labas ng kanilang bahay kasama ang dalawang mga anak ng mga ito ay awtomatikong namuo ang luha mula sa kanyang mga mata.

Memories from last night were blasting her mind. She felt something stuck in her throat as she was trying to stop herself from tearing up.

Napansin ni Sancho ang namumuong emosyon sa kanyang mukha. Nakita rin nito kung saan siya nakatingin.

Nang malagpasan nila ang bahay ng pamilya at nang makalayo sila mula roon ay itinigil ng binata ang kanyang kotse.

Nagtataka niya itong nilingon. Sancho let out a sigh while his hand remained on the steering wheel.

"Cry," sambit nito habang diretso lamang ang tingin sa unahan.

Ayla suddenly bursted into tears. It was not a silent cry. Literal siyang napahagulgol na binalot ang buong sasakyan.

Nanatili ang tingin ni Sancho sa unahan habang tahimik lang siyang hinahayaang umiyak.

Akala pa naman niya ay tapos na. Akala pa naman niya ay naibuhos na niya ang lahat ng emosyon na kinikimkim niya. Ngunit, nang makita niya ang mga ito lalo na si Thomas ay doon niya napagtantong hindi pa pala.

Bumalik sa kanya ang mga pangyayari kagabi. Sobrang hiya ang nararamdaman niya sa kanyang sarili. Isa siyang edukada, matalino, desente at may delikadesa. 'Yon ang pagkilala niya sa sarili at ng mga tao sa kanya. Isang gabi lamang ang lumipas at nagbago na agad ang mga 'yon lalo na ang tingin niya sa kanyang sarili. Madumi. Kabit. Mang-aagaw. Ahas.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon