Chapter 6

58 2 0
                                    

CHAPTER 6
Cute

Ayla just found herself going somewhere she didn't know where with Sancho riding in his Mercedes Benz. Nakasandal lamang ang kanyang ulo sa bintana ng kotse nito habang tahimik na umiiyak.

Bawat pagpatak ng kanyang mga luha ay agad din naman niyang pinupunasan. Pansin niyang kanina pa napapalingon si Sancho sa kanya na tila tinitingnan ang kanyang kalagayan. Tahimik lang din ito at hindi na nag-abala pang magsalita. He was like giving her time to release all those tears that she was been holding on for that entire time.

"Where are you taking me to?" barado ang ilong na aniya matapos ang isang oras na byahe. Tapos na rin siya sa kakaiyak at umayos na siya ng upo.

"Bago ko 'yan sagutin, punasan mo muna 'yung mukha. Here," anito at binigyan siya ng isang box ng tissue.

Napasinghot siya at tinanggap 'yon. Matapos punasan ang mukha at suminga dahil sa ginawa niyang pag-iyak ay isinandal niya ang likod sa sandalan ng kanyang kinauupuan. She closed her eyes comfortably.

"Gisingin mo na lang ako kapag nando'n na tayo sa sinasabi mo."

"Okay, rest well."

Natulog siya matapos no'n. Ginising naman siya ni Sancho makalipas ang ilang minuto.

"We're here."

Bahagya siyang napabangon at napakusot ng kanyang mga mata.

"Where are we?"

"See it for yourself."

Napalingon siya sa binata at nang ngumiti ito ay bahagya siyang napakunot ng noo. Nauna na itong bumaba at lumibot ito sa kabila upang pagbuksan siya.

Bumaba na siya mula sa kotse at napatingin sa paligid. Unang nahagip ng kanyang mga maya ay ang pangalang Mag-aso Falls.

"Are we still on Sipalay?"

Sancho chuckled. "After that long ride?"

Her forehead creased before turning her head to him. "How about your work? I thought you're a lifeguard at the resort."

He shrugged. "Well, let's see how far can Lorenzo be mad at me this time. Come on!"

"What?"

Bago pa siya makapagsalita ay hinila na siya nito sa kung saan. Pumasok sila roon at kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang resort din sila.

Matapos makipag-usap ni Sancho sa isang staff doon kung saan ito na rin ang nagbayad ng entrance nila ay saka na siya nito inaya.

Mula roon sa kanilang nilalakaran pababa ay natatanaw na niya ang mga swimming pool doon.

"Don't tell me we drove that long just to see a freaking swimming pool?" she said crossing her arms while walking. She also saw kids swimming in there.

Sancho chuckled. "You aren't complaining, are you?"

She glared at him. "We have our own pool at the resort! What do you expect me to react seeing this—pool filled with kids?"

"It is not just a pool, you know. Its waters are coming directly from the falls. It is clean, safe with no chlorine so it is a great place for children to go swimming."

Napangiwi siya at umiling. "Are you some sort of a tourist guide now?"

Natawa lamang ang binata sa kanyang sinabi kaya pinaikutan niya lamang ito ng mga mata.

"I don't really get it. Why did you bring me here?"

Nagtaka naman siya nang dinaanan lang nila ang pool area.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon