CHAPTER 13
The ArvidssonsIt was 10 in the evening. Hindi pa rin nakauuwi Ayla. Hindi rin kasi niya magawang iwan si Thomas doon.
"Baka hinahanap ka na nila ro'n," anito na may bahid ng pag-aalala.
Napailing siya habang pinaglalaruan ang unan na hawak niya. Nakaupo silang dalawa sa sofa habang nanonood ng TV.
"No, hindi naman siguro. Alam naman ni Lorenzo na kaya ko ang sarili ko."
"Sigurado ka, ha? Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mo nang umuwi. Ihahatid na lang kita."
Bahagya siyang ngumiti rito at tumango.
Naging tahimik na sila pagkatapos n'on. Tanging ingay lang na nanggagaling sa TV ang maririnig.
May oras din na kanyang nililingon si Thomas na nasa tabi niya. Nakasandal lang ang ulo nito sa sandalan ng sofa. Alam niyang nawawala na naman ito sa kanyang sarili. Kaya ayaw niya itong iwan doon at baka kung ano ang posibilidad na maaari nitong gawin sa sarili.
Naaawa siya sa lagay nito. Nagdududa tuloy siya sa relasyon nilang dalawa ng asawa niya. Talaga bang mahal niya ito?
Malamang, Ayla. Hindi siya magkakaganyan kung hindi.
Nainis naman siya sa sarili nang makaramdam ng pagkadismaya sa naisip. Sa kabila n'on, nakaramdam din siya ng inis dahil hanggang ngayon ay talagang may kakarampot na pag-asa pa siya sa kanilang dalawa.
Bahagya niya ring hiniga ang ulo sa sandalan ng upuan at tinitigan lang ito. Nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa TV. Tanging ilaw lang din mula roon ang nagsisilbing ilaw nila sa sala dahil nakapatay rin ang mga ilaw roon.
"I hate you seeing this way," she said out of the blue, still staring at him.
Bahagya itong napalingon sa kanya. Sinalubong niya ang lungkot sa mga mata nito.
"You're not the Thomas I know. You're this happy man, hindi kilala ang lungkot, hindi kilala ang problema."
Thomas sighed. "Hindi na ako ang Thomas na kilala mo dati. Iba na ako ngayon, Ayla." Ibinalik nito ang tingin sa TV. "Dati, wala pa akong malaking responsibilidad. Wala pa akong asawa. Wala pa akong mga anak. Ngayon, iba na."
Nalungkot siya sa sinabi nito. Isa lang ang talagang ibang ibig sabihin nito. Hindi na ito ang tulad ng dati. Hindi na ito ang dating lalaking talagang minahal niya. Oo, mahal niya pa rin ito, si Thomas pa rin ito. Ang kaibahan lang ngayon ay mayroon na itong pamilya.
"Pasensya na kung kailangan mo pa akong makita nang ganito."
Nanatili ang tingin niya rito. Ibinaling nito ang atensyon sa kanya. "Pasensya ka na."
Malamya siyang ngumiti. "It's okay. Wala ka namang dapat ikahiya. W-we're still friends, you know." Umiwas siya matapos bitawan ang mga salitang 'yon.
Napahinga ito nang malalim. "Sorry sa lahat, Ayla."
Napatingin siya ritong muli. Nakakita siya ng kakaibang bahid ng lungkot sa mukha nito.
"Kasi... kasi pinaghintay kita sa wala."
Hindi mabilang ang emosyon ang makikita sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung magugulat ba siya, malulungkot o iiyak.
Hindi na niya kailangan pang magtanong kung ano ang ibig nitong sabihin. Naintindihan niya na agad 'yon.
Akala pa naman niya ay nakalimutan na nito ang tungkol doon. Akala niya ay wala na talaga itong pakialam sa lahat ng mga bagay na patungkol sa kanila sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
A Promise on the Sand (Isla de Negros Series #2)
RomanceA promise she promised not to break. *** After graduating from Senior High School, Ayla Reese Flores couldn't measure her excitement to visit Negros Island in Visayas. The thought of meeting her first love, Thomas, makes her think that it is going t...