Chapter 5

51 1 0
                                    

CHAPTER 5
Come with me

Ayla woke up with Brittany beside her bed naked. Iritado siyang napatingin sa kisame at napahilamos ng kanyang mukha.

Sumagi sa isip niya si Thomas. Mula kahapon, ngayon na lamang ito pumasok sa kanyang isipan. Sariwang-sariwa pa rin ang sakit. Tila nawawalan siya ng ganang bumangon at harapin ang panibagong araw. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Parang isang pangarap niya ang hindi natupad. Tila toreng nawasak na matagal niyang hinintay na mabuo. Wala. Wala na itong saysay sa ngayon.

Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya mabilis niya itong pinunasan. Naninikip ang kanyang dibdib kaya napahinga siya nang malalim para matulungan ang sarili na mawala ito.

Ayla stood up and made her way to the balcony after opening the sliding door. Napakusot siya ng mga mata bago dumungaw sa railing. Doon niya nakita si Lorenzo kasama ang lalaking si Oliver pati na si Sancho. May kasama pa itong mga lalaki na hindi pamilyar sa kanya maliban sa lalaking kulot ang buhok na nakausap niya na kahapon. Napansin niya ang maletang hawak ng lalaking si Oliver. Hinuha niya ay handa na itong umalis.

It seemed like they were in the middle of an argument. Nangunguna roon si Sancho na hinahawakan sa balikat si Lorenzo habang kinakausap ito.

Napahinga siya nang malalim habang tinititigan lang ang mga ito.

"What's for breakfast?"

Napalingon siya nang makitang naglalakad papalapit sa direksyon niya si Brittany habang humihikab pa. Nakatakip sa katawan nito ang comforter na kumot nila.

Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Starve your self, bitch. You don't deserve a breakfast." Ibinalik niya ang tingin sa mga kalalakihan sa baba.

"What? Goodness, Ayla! I am your responsibilty! You won't let me starve here, I'm telling you! You took me here! Feed me!"

"Tsk."

Hindi na niya ito pinansin dahil hindi pa rin niya maiwasang mapatingin sa mga ito. Napadungaw doon ang kaibigan at napatingin din sa tinitingnan niya.

"Oh, that's why. Breakfast is served."

Napailing siya sa kalandian ng kaibigan. Napapakagat pa talaga ito ng labi habang nakahawak sa baba na tila pumipili ng pagkain sa menu.

"They all look so serious."

Huminga siya nang malalim. "It is because of me."

Napalingon ito sa kanya. "What do you mean?"

Napatingin muna siya rito bago ibinalik ang tingin sa kanila.

"See that guy with a bald faded hair?"

"Yeah, he looks black to me."

"He seems leaving. Dahil sa akin."

Hindi sumagot ang kaibigan dahil abala ito sa pagtanaw ng mga kalalakihan sa baba.

"I was so drunk yesterday. Uncle, he told that guy to look after me nang umalis siya. But, that guy was so busy that he didn't even notice I almost drown myself on the beach. He really had nothing to do on what happened to me. Kaso, I was afraid that Lorenzo would tell my parents. Kaya sinabi ko na lang na there was something on the drink na ibinigay niya sa akin kaya ako nawala sa sarili ko para siya ang mapagalitan at hindi ako."

"I want hot men for breakfast. Look at that baby," nakangiting anito at itinuro ang lalaking nakaputing t-shirt.

Napaikot siya ng mga mata dahil sa hinaba-haba ng sinabi niya ay hindi man lang ito nakinig sa kanya.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon