1 At Rooftop

183 13 9
                                    


#


Malalim na ang gabi. Yumayakap na ang malamig na hangin sa buong katawan ko. Tahimik lang akong nakatingala habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko namalayan na may nakakapasong luha na pala ang kumawala sa magkabilang mata ko.

Ilang taon na akong humihiling sa mga bituin. Karamihan naman ay ginagawa ang ganitong paniniwala. Ang kaso mukhang sa akin ay walang epekto. Sipag at diskarte na lang talaga.

"Papa G, I need your help. Kailangan ko na po talagang magkatrabaho!" sigaw ko sa sarili ko. Dahil kung isisigaw ko ng malakas lalo na ngayon hatinggabi ay baka paulanin na naman ako ng mga kapitbahay ko ng kung ano-anong gamit na p'wedeng ibato sa akin. Napagkamalan pa akong aswang!

Ang sarap kaya mag-emote sa bubong!

Teka?! Bakit nga ba ako nasa bubong ng tinutuluyan ko?

Ah, may meteor showers ngayong gabi! Nagbabakasakali ako na kahit isa man lang na shooting star ay matupad ang matagal ko ng hinihiling.

"Ang magka-lovelife. Tsar!" Umayos na ako ng upo at idinalat ng todo ang mga mata ko.

"Please, please! Gusto ko ng jowa. Tsar again!" Inhale . . . exhale.

Serious na bhie.

"Papa G! Sana po may tumulong sa akin. Alam ko po na isa kayo sa hindi nagsasawang tulungan at protektahan ako. Ang hiling ko pa ay sana may traba . . . hopia! Ano ba, Maribeth?!"

Walang kaingat-ingat sa paglapit sa akin is Maribeth. Hindi man lang natakot na baka madulas siya rito sa bubong! Naupo siya sa tabi ko at naki-chismis.

"Ba't gising ka pa?" tanong ko sa kan'ya.

"Eh, ang tagal mong bumaba. Kanina pa sana ako tulog, no!"

"Bakit ba?"

"Maaga tayo bukas dahil may job hiring akong nakita. Halika na't magpahinga."

Hinila na niya ako patayo. Seryoso ba? Magkakatrabaho na ako? May trabaho na si Karleigh Dimaculangan?!

Ack, Papa G, salamat po! Ang bait niyo po talaga. Jowa na lang po ibigay niyo! Tsarot! Thank you po, I love you!

Nakapagpalit na ako ng pantulog. Alas dos na rin ng madaling araw. Akmang isasara ko na ang binata sa maliit kong k'warto nang may mapansin ako.

"Wala naman sa news na may solar eclipse ngayon, ah?!"

Tiningnan ko pa ang latest news sa isang page kung saan ako tumitingin ng mga balita about astronomical thingy. And then I found out, wala sa balita!

Ang weird. Kinusot ko ang magkabilang mata ko para maging malinaw ang paningin ko. Nang ibaling kong muli sa buwan ang paningin ko, may solar eclipse nga! 

Kapag ang Buwan ay pumasa sa pagitan ng Araw at ng Earth isang solar eclipse ay nangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag ang Buwan ay pumasa sa pagitan ng Araw at ng Earth isang solar eclipse ay nangyayari.

"What if humiling ako?"

#

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon