° Karleigh Dimaculangan Pov°
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa amoy na kumalat sa hangin, kahit sa kwarto ko pumasok ang amoy na parang may nasusunog. Kaagad kong kinuha ang isang bote ng tubig at lumabas ng kwarto. Walang sabing naibuhos ko iyon sa isang taong bumungad sa pagbukas ko ng pinto.
"Ay kabayo!" Napapikit siya at radam ko ang pagkagulat nito dahil malamig na tubig, nabasa ang mukha niya. Napakagandang pagbati ng umaga naman oh!
Kaagad siyang napahilmos sa mukha niya para punasan ang basang pisngi nito.
"M-magandang umaga." Ang tanging sabi niya at marahang ngumiti. Pinagpagan niya ang damit niya na nabasa rin ng tubig.
"Walang sunog?!"
"Meron? Ako'y nagluluto ng agahan ngunit nasunog ang ilan." Nilagpasan ko siya at pumunta sa may kusina. Hindi gaya kagabi ay malinis na ito ngayon, napansin ko sa gilid ang mga sunog na hotdog, tocino, itlog, pancit canton at kanin.
"Huwag mong sabihin na marami kang pera kaya pupwedeng mong sunugin ang mga pagkain na binili mo." Seryosong sabi konsa kanya. Napayuko naman ito sa narinig.
"Gusto ko lang naman na... ipagluto kita." Puno ng sensiridad nitong sabi. Napansin ko rin na may ilang parte ng kamay niya na natalsikan ng mantika, may uling pa at may ilang pulang pantal sa balat.
Pumasok ulit ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya at medical kit. Binalikan ko siya na nag-aayos naman ngayon ng mesa para ihanda na ang mga nailuto niya, kahit papaano ay may mga maayos siyang nailuto. Nanghihinayang lang talaga ako, mahirap kumita ng pera kaya todo ang pagtitipid namin ni Maribeth, lalo na sa pagkain. Pasalamat kami at nasa convenience store pa kami at mabait ang boss namin, kahit na mga pa-expire na ang mga pagkain ay kinakain parin namin dahil sa may ilang bayarin pa kami sa bahay.
Napahinto si Isaiah nang abutin ko ang kamay nito, medyo mamantika pa ang palad nito. Pinaupo ko siya sa isang upuan, nagtataka siya sa kinikilos ko.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Lumabas ako kagabi oara puntahan si ate Maribeth para itanong kung anong mga kailangan mga gamot sayo. Wala pala akong dalang papel dahil kinuha mo pala. Kaya prutas nalang ang naibili ko." Heto na naman siya sa mahaba niyang pagpapaliwanag.
"Ayos na ako, sa tingin ko." Hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog kagabi. Dahil narin siguro sa gamot na in-inject sa akin nung doktor.
Nang matapos kong lagyan ointment at ilang band aid ang ilang paso nito sa kamay ay nagsimula na akong kumain.
"Huwag mo ng gagawin ulit iyan." Nasabi ko, napansin ko na nanatiling nakatingin ito sa mga kamay niya.
"Bakit ba pilit mong magluto? Hindi ka naman marunong? Sinasaktan mo yang sarili mo." Dagdag ko, nilingon niya ako.
"Ayos lang naman na masaktan ako basta mapagsilbihan kita, may sakit ka kaya ayokong mapagod—" Tinampal ko ang isang bread pan sa bibig niya dahilan para matahimik siya. Kulang ang isang pad ng papel sa mga sasabihin niya. Ang daming alam.
***
Bago ako lumabas ng bahay, inisip kong mabuti ang mga sasabihin ko sa kanya. Alam kong makakasakit ako ng damdamin kapag nasabi ko na ang totoo. Kailangan ko lang talagang gawin kung anong tama. Gusto kong protektahan ang sarili ko. Ayokong masaktan sa dulo, ayokong maulit yung dati na ang taong minahal ko ay iiwan ako sa huli. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit siya, at kapag mawaal naman siya ay lagi itong nasa isip ko.
"Nasabi ko na sa iyo na umalis ako sa trabaho pero naisip ko na isama ka sa may cafe para may trabaho ka na rin. Hindi ba magandang ideya iyon? Doon makakasama pa kita, hindi na ako mag-aalala kung anong kalagayan mo—"
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
Genel KurguOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021