Karleigh Dimaculangan Pov
Wala na akong ibang maiisip, kusa na lang akong pumasok sa passenger seat. Bigla na lang akong nablangko sa mga nangyayari. Gusto kong magising sa panaginip ko na ito.
Hindi ko alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko na may marahang pag-alog sa balikat ko, sunod ang pagkarinig ko sa sarili kong pangalan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Bahagyang nasilaw sa maliwanag na mga ilaw sa harapan.
"Narito na tayo. Bangon na r'yan, sa k'warto ka na matulog ulit," paliwanag ni Hansen.
Nang lingunin ko siya ay may bigote na ito, naka-shades kahit madaling araw pa lang naman, napansin ko rin na nag-iba ang itsura niya mula kanina na formal ang datingan nito kahit amoy alak siya.
"Wear these, mabuti na lang at marami akong pang-disguise dito." Isang shades ang akin at isang sumbrero. Napansin ko na may inabot rin siya sa may backseat.
Naalala ko bigla na may kasama pala kami. Akala ko pa naman panaginip ko lang ang lahat. Nang tingnan ko ng maayos si Hansen, hindi ko na masyadong makita ang pagputok ng labi nito dahil sa malakas na pagsuntok ni Isaiah sa kan'ya. Ang isa naman ay tila robot na sumunod sa sinabi ni Hansen.
What's with this guy?
Paano niya nalaman kung nasaan ako?
Secret agent ba siya?
Bumaba na kami ng kotse, nag-unahan pang magbitbit ng mga gamit ko ang dalawa, gustuhin ko man na ako na lang ang magdala para hindi na sila magbangayan pa. Sa huli lahat kaming tatlo ay may bitbit na bag. Isang malaki at sobrang taas ng building na pinasukan namin. Hindi ko alam kung gaano kamahal ang bawat isang condominium dito. Sigurado akong hindi lang basta-basta ang mga tumitira sa mga ganitong klase ng building.
Bakit dito tumitira si Hansen?
Kahit na magkasama na kami ngayon ni Isaiah, ramdam ko ang pag-iwas nito. Pakiramdam ko tuloy may nakakahawang sakit ako sa lagay na ito.
Nakasunod lang kami kay Hansen. Abala naman ang huli sa pakikipag-usap sa cellphone nito.
"Nagpadala ako ng mga pagkain sa room ko. May gusto ba kayong kainin?" tanong nito. Nasa tapat na kami ng elevator, hinihintay namin itong bumukas.
"Gusto ko ng magpahinga."
"Karleigh," nagtatakang sabi ni Hansen.
"I mean, inaantok na ako." He felt relieved nang sabihin ko iyon, mukhang may ibang pagkakaintindi ang unang nasabi ko sa kan'ya.
Kaagad na akong pumasok sa elevator. Ilang segundo pa pero nakatingin lang sa amin si Isaiah.
"Hindi ka sasama sa amin—" Natigil sa pagsasalita si Hansen nang lapitan ko si Isaiah para hilahin siya papasok.
Gusto ko man na bitiwan ang braso nito pero matindi ang tila mg maninipis na boltahe ng kuryenteng nararamdaman kong dumadaloy sa palad ko nang hawakan ko siya.
This feeling... ito ang pakiramdam na gusto kong maramdaman pero may parte na ayoko rin dahil alam kong masasaktan din ko nito sa dulo.
Kusa itong lumayo sa akin. Inilibot niya ang paningin sa loob ng elevator. Naalala ko na naman ang unang beses ko siyang makita at makasama.
It sounds weird pero naiisip ko baka nga galing siya sa buwan?
Isang prinsipe na galing sa isang kaharian ngunit piniling lumayo kaya napadpad siya sa bahay ko?
Crap!
What kind of nonsense is that, Karleigh?!
Nabitiwan ni Isaiah ang bag ko na bitbit niya nang gumalaw na ang elevator pataas. Naghahanap siya ng p'wedeng hawakan, kahit ang tila pader na nagkukulong sa amin ay takot itong madikit do'n.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
Aktuelle LiteraturOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021