°Karleigh Dimaculangan Pov°
Akmang lalapitan ko si Hansen pero kaagad na humarang sa harapan ko si Isaiah. Galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Matalim ko siyang tiningnan pabalik.
Ano'ng ginagawa niya rito?
Hanggang dito pa rin ba susundan niya ako?
Lalo akong nanghihinala sa kan'ya. Isa rin sa dahilan kung bakit pinili kong lumayo. Hindi ko siya kilala, mahirap ng magtiwala sa mga tao ilang araw pa lang nakilala. Isa pa wala siyang karapatan na gawin ang manakit ng mga taong malapit sa akin.
"Isaiah! Nasisiraan ka ba ng bait! Ha! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Hindi ko makita ang maamong mukha niya, na parang ibang tao ang nakikita ko ngayon.
"Masisiraan talaga ako ng bait! Bakit ka umalis na hindi man lang nagpaalam?!" singhal niya sa akin.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata niya. Mga mata na puno ng galit. Natanong ko sa sarili ko.
Kailangan ko pa bang magpapalam sa kan'ya?
Kailangan bang malaman niya lahat kung nasaan ako?
"Hindi kita kilala. Mabuti pang kalimutan na rin natin ang isa't isa."
Huling sinabi ko bago tinalikuran na siya. Nilapitan ko na si Hansen, mabuti na lang at may tumulong sa kan'ya na makatayo.
"Pasensya ka na, Hansen. Ako na ng humingi ng tawad sa nagawa niya."
Kahit na may bahid ng dugo ang bibig nito ay nginitian pa rin niya ako, alam kong nasaktan pa rin siya sa suntok ni Isaiah. Naalala ko kung gaano katalim ang mga mata ni Isaiah nang magkatinginan kami kanina.
"Ayos ka lang ba talaga?"
"Oo. Mukhang naglayas ka nga sa inyo. Hindi ka manlang nagpaalam sa boyfreind mo."
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na pinansin si Isaiah. Tinulungan ko na si Hansen para makasakay na sa kotse nito.
"Hindi ko siya boyfriend, saka na ako magpapaliwanag sa'yo. Kailangan natin magamot 'yang sugat mo."
"Ano?! Hindi naman 'yon manununtok kung hindi siya galit—"
"Hansen, please umalis na tayo."
Lalapitan pa niya pa sana si Isaiah pero pinigilan ko siya. Sana maramdaman niyang hindi ko gustong mapalapit pa kay Isaiah. Sa huli sumang-ayon na ito at sumakay na sa driver's seat. Nagkunwari ako na hindi siya nakikita. Alam ko kung gaano siya nasaktan.
Bakit nga ba siya manununtok?
Ano'ng dahilan?
Ano kaya'ng pakay niya sa tulad ko?
Kaya ba lagi siyang nakasundo at pumunta pa sa bahay ko dahil may gusto itong makuha? Na hanggang ngayon kaya pa rin siya nakasunod dahil hindi pa niya nakukuha ang kung ano'ng gusto nito?
Kung ano man iyon, wala akong ideya. At kung meron man, hindi ko iyon ibibigay sa kan'ya. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari, tila lahat ng takot at pangamba ko ay nabura nang marinig ko ang sinabi nito.
"Karleigh." Tinawag niya ako sa sarili kong pangalan.
°Someone's Pov°
Inabot na ng gabi ang binata sa isang resto bar. May isang tauhan na ipinadala ang kan'yang ama upang makausap ito sa isang importanteng bagay. Kailangan na nilang gumawa ng hakbang dahil ang inakala nilang patay na ang tagapagmana ng GraySteel Company ay himalang nabuhay. Hindi makapaniwala ang kan'yang pamilya sa nakuhang balita. Ayon sa mga litratong naipadala sa kan'ya, totoong buhay si Inigo.
"Nagkita na kami sa personal. Hindi ko lang siya mamukhaan ng maayos dahil high school pa lang kami noon. Alam mo namang sa ibang bansa na ako nag-college." Inalala ni Hansen ang araw na nakita niya ang inaakala nilang si Inigo. Malaking pagtataka iyon sa kan'ya dahil magkasama pa sila ni Karleigh.
"Imposibleng pero nakapagtataka. Hindi matanggap ng ama mo ang mga nangyayari. Saksi siya sa kung paano lamunin ng dagat si Inigo ng aksidente itong madulas sa yate nang magbakasyon siya sa Amerika. Ibinalita na sa angkan ng Salvatore ang pagkamatay ni Inigo." Napaka-misteryoso rin ang pangyayaring iyon. Hindi nagkaunawaan ang ama ni Hansen at Inigo sa usapan tungkol sa kumpanya.
Kung hindi rin kayang harapin ni Inigo ang responsibilidad nito bilang tagapagmana ay maaring ibinigay na lang iyon kay Hansen. Ang ama ni Inigo bat Hansen ay matalik na magkaibigan mula pagkabata, nakapag-usap na rin ang dalawang mag-ama na kung hindi kayang gawin ni Inigo na sumunod sa yakap ng kan'yang ama ay maaring ilipat ang kumpanya kay Hansen na itinuring na rin niyang pangalawang anak.
"Pero sikreto pa rin iyon hanggang ngayon. Hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Inigo... isang taon na ang nakalipas." Posible nga na nagbalik na siya, pero nakapagtataka lang...ibang iba na ito base sa mga kilos maging sa pananalita nito. Bakit siya tumutuloy sa bahay ni Karleigh? Nagtatago ba ito sa pamilya niya?
Natatakot ba siya sa ginawa niyang biro sa sarili niyang pamilya?
"Kaya nagbakasyon ito sa Amerika para takasan ang responsibilidad niya sa kumpanya, at hindi nila matanggap na nagawa pa nitong magbiro na patay na siya."
"Ano na ang mga plano ni Papa? Alam na ba ng mga Salvatore ang tungkol sa pagbabalik ni Inigo?"
"Ngayon ay nasa mansiyon siya para makausap si Walton. Ang tanging utos nito ay kailangang nating mahuli si Inigo. Naisipan namin na kidnapin ang babaeng kasama nito. Siguradong may koneksyon ang dalawang iyon kaya uunahin natin makuha ang babae—"
Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya ng malutong na nagmura si Hansen. Akmang itatapon niya ang laman ng alak sa kausap ngunit kaagad namang nagsanga iyon ng lalaki dahilan para matapon mismo sa damit ni Hansen ang alak. Ramdam ang malamig na alak at ang malagkit sa balat na pakiramdam.
"Ano ba'ng problema?!" galit na singhal sa kan'ya ng lalaki.
"Don't you f*cking dare to touch Karleigh! Huwag niyong idadamay ang mga taong inosente rito! Magkakagulo tayong lahat! You've been warned!"
Walang sabing umalis ito at hindi na pinakingan ang sinasabi ng kausap nito. Sakay ng kotse nito, hindi mawala sa isip niya ang mga napag-usapan nila. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman. Wala siyang ideya kung saan siya papunta at hindi niya alam kung saang lugar na siya nakarating.
Huminto muna siya sa isang terminal ng bus, ang tanging establishments na bukas. Madaling araw na at nasa kalsada pa siya at hindi niya inaasahan na makikita niya si Karleigh. Bumalik ang mga pinag-usapan nila tungkol sa plano ng kan'yang ama. Kailangan niyang ilayo si Karleigh, hindi nito matatangap na may mangyaring masama sa taong pinakamamahal nito.
Hindi rin niya matatanggap na magiging sila ni Isaiah, siya ang nauna kay Karleigh. May ideyang pumasok sa isip nito, isang paraan kung paano maisasakatuparan ang plano ng kan'yang pamilya.
Matapos makatanggap ng suntok ang binata kay Isaiah, napansin nito ang reaksyon ng dalaga. Kahit itago nito na wala siyang nararamdaman kay Isaiah, mababakas pa rin ang totoo sa mga mata nito, dahil ang mga kinang sa mata nito ay ramdam niya rin sa tuwing kasama ni Hansen ng dalaga na si Karleigh. Iwasan man niya ang taong pilit siyang nilalapitan, hindi pa rin niya maitatanggi ang kato'toanan, hindi niya gustong lumayo.
Pumasok na sa kotse si Hansen at ilang segundo lang ang lumabas rin ito bitbit ang isang coat. Kaagad niyang ipinatong ang coat s magkabilang balikat ng dalaga. Hinarao ni Hansen si Isaiah. Base sa obserbasyon nito, napakaimposibleng mangyari ngunit nasa harapan niya talaga ang naging kababata niya noon. Ngunit sa kabilang banda, tila may kakaiba, kakaiba na hindi maipaliwanag. Ito ng oras para magkaroon ng kasagutan ang lahat. Kailangan kong malaman kung sino ka nga ba talaga.
"Alam kong malayo-layo rin ang binyahe mo, Isaiah. Sumabay ka na sa amin."
#
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
Fiksi UmumOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021