°Karleigh Dimaculangan Pov°
May mga araw na daraan, may mga pagkakataon na darating at madalas ay hinahayaan na lang natin na lumipas na lang. May mga panahon na dumarating kung saan hinihiling natin na sana kaya nating ibalik.
Maibalik ang mga segundo na lumipas na hindi natin binigyan ng halaga. Alam nating nasa huli ang pagsisisi ngunit hindi man lang natin nagawang itama no'ng umpisa pa lang.
Kahit gustuhin nating bumalik, hindi na maaari, hindi na tayo makabalik sa mga nakaraang ibinaon na sa limot dahil sa dulot nitong mga sakit. Ngunit hindi natin maiiwasan na alalahanin kahit hindi maganda ang mga noon, ang mga pangyayari kung bakit tayo nadapa ngunit natutong bumangon.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Rumehistro sa aking isipan ang mga nakita ko sa paligid ko. Nasa loob ako ng isang sasakyan, nakasandal ako sa balikat ng isang lalaki na marahan hinahaplos ang buhok ko na tila pinapatulog ako. Nakahinto ang kotse, madilim na sa labas at tahimik ang lugar.
Gustuhin kong gumalaw ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makakilos. Nasa panaginip ba ako?
Bakit nasa isang sasakyan kami?
Ano ba'ng nangyari?
***
Napabalikwas ako ng bangon nang may alaala na pumasok sa isip ko. Napansin ko na sa k'warto ako ni Isaiah ngunit nang pakiramdam ko at tumingin sa kabuan ng kan'yang k'warto ay hindi ko natagpuan ang hinahanap ko.
May narinig akong boses na tila may kausap sa labas kung kaya't nagmadali na akong tumayo at lumabas ng k'warto.
"Are you sure that everything was fixed?"
Napatigil sa paglalakad si Wilsen nang makita niya akong lumabas sa k'warto. Mabilis nitong tinapos ang tawag at nilapitan ako.
"Thank God, you're awake." Binigyan pa ako ng magandang ngiti. Nagtataka naman ako kung bakit nasabi niya iyon.
"Ah . . . salamat," maikling tugon ko. Inilibot kong muli ang paningin ko, at hanggang sa mga segundong ito ay hindi ko pa rin matagpuan ang hinahanap ko.
"Nasa office si Inigo . . . Ang ibig kong sabihin si Isaiah. Magkasama kami kanina pero pinauwi niya ako para tingnan ka. Masyado na ring hassle para sa kan'ya ang pumunta rito sa bahay." Bumaba na kami sa group floor para makakain na raw ako. Hindi ako sanay na tahimik ang paligid, tila may kulang.
"Gano'n ba. Nagsisimula na pala siyang magtrabaho sa company."
"Not totally, kahit next month pa naman ang announcement para sa pagbabalik niya. He's really a hard-working man. Gusto na niyang matapos sa mga gagawin sa opisina para makauwi na rito sa'yo."
Nang marinig ko ang salitang makauwi, biglang sumagi sa isip ko nang nagpunta kami sa mall. Ano ang mga sumunod na nangyari matapos ang pangyayaring iyon?
"Wilsen? Nang nagpunta tayo sa mall noon? Hindi ba't umalis ako?" sunod-sunod kong bato ng tanong sa kan'ya.
"Ah! The one that happened three days ago? Nakita ka namin na nasa kotse ka na, naligaw ka ata at hindi ka maka-contact dahil wala kang sariling phone."
Napakunot noo ko sa narinig ko. Three days ago? Ibig sabihin tulog ako sa loob ng tatlong araw?
Napahinto ako sa paglalakad nang may mainit na yakap na bumalot sa aking katawan. Isang yakap na matagal ko na hinihiling na maramdaman.
"Mabuti at gising ka na!" Nahagip ng lente ng mga mata ko ang pamumuo ng kan'yang mga luha sa kan'yang mga mata hanggang sa tuluyan na itong lumuha sa harapan ko.
"M-Maribeth.'
***
Dahan-dahan ang pagsuklay nito sa mahaba kong buhok. Nasa gilid ko ito at magkatabi kaming nakaupo sa sofa rito sa k'warto ni Isaiah.
"Pinuntahan ako ni Isaiah no'ng makaraan. Hindi ako naniniwala na siya pala iyon, ibang-iba ang suot nito kumpara noon. At ang ikinagulat ko ay tagapagmana pala siya ng isang mayamang kumpanya."
Marami na ang nagbago, kahit ilang araw pa lang ang lumipas. Hindi ako sigurado kung tama ang desisyon na gagawin ko.
"Umuwi na tayo. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay."
Napahinto si Maribeth. Ramdam ko ang pagbitiw niya ng malalim na paghinga. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kan'ya. Matiim niya akong tiningnan ng diretso sa mata.
"Lumalaban si Isaiah. Alam kong mahirap tanggapin pero marami ng na isakripisyo si Isaiah para sa'yo. Bakit mo siya iiwan?"
***
Matagal na rin nang pumunta ako sa lugar na ito. Ang lugar kung saan humiling ako. Isang hiling na hindi ko inaasahan na diringgin. Ang kahilingan ko mula sa mga bituin at sa buwan sa kalawakan. Ngayon ay nasa harapan ko na ang mga hinihiling ko, hindi ko maintidihan, hindi ko kan'yang matanggap ang mga ito.
"You still love stargazing." Alam kong malamig ang pag-ihip ng hangin ngayon sa bubungan ng apartment namin ni Maribeth. Ngunit mas dumoble ang lamig nang marinig ko ang boses nito. Ang malamig na boses niya ay mabilis na bumalot sa katawan ko.
Naupo ito sa tabi ko at tumingala.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" ang tanong na gusto kong ibato sa kan'ya ngunit nawawalan ako ng lakas para magsalita. Hindi ko kaya.
"Alam kong naguguluhan ka. Kapag nakuha ko na lahat ng ebidensya na kakailanganin ko, magiging malaya ka na, magiging malaya na kayong dalawa ni Isaiah. Ipapaubaya na kita kahit labag sa loob ko. Ako 'yung nauna pero siya ang minahal mo nang mawala ako sa tabi mo."
"Hindi kita maintindihan. Ano ang mga pinagsasabi mo?" buong lakas na sabi ko kan'ya. Ngunit marahan siyang tumawa at napailing pa. Baliw na ba ang isang to?
"You know why I don't want to handle the company? Dahil iyon ang dahilan kung bakit nawala ka sa akin, nawala ang pamilya mo at mahal mo sa buhay."
"Tumigil ka na! Hindi kita kilala—"
"Alam ko, alam ko na kinalimutan mo ako. Ako lang naman ang dahilan at ang pamilya ko kung bakit nawala ang papa mo."
Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko at tuluyan na akong umiyak.
"Hindi ko na kaya pang manahimik, Karleigh. Kailangan ko ng kumilos at hindi ko hahayaang magtagumpay sila sa plano nila. Masakit ang mga nangyari sa atin noon at ayoko ma mangyaring muli na masaktan ka ngayon."
Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko. Ang init ng mga palad nito ang dahilan kung bakit napatingin ako mg diretso sa kan'yang mga mata. Ang pares ng kan'yang mata na walang mga buhay, puno ng lungkot at tila walang lugar ang saliyang kasiyahan doon.
May mga alaala na pumasok sa isip ko kung saan nakikita ko ang sarili ko mula sa nakaraan, sa nakaraan kung kasama ko siya, magkahawak ang kamay, magkayakap maging ang hagkan ang isa't isa. Natagpuan ko ang sarili ko na binanggit ang isang pangalan na matagal ko ng kinalimutan.
"Inigo."
#
Inigo Salvatore
credits to the rightful owner of the picture.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021