* Continuation*
Isaiah Point of View
Nasa labas kami ngayon, nakapaligid sng mga puno dahilan para maging masilong ang lugar at presko ang hangin sa paligid. May mesa at upuan kung saan kami kumain, tahimik lang ako habang pasimpleng tinitingnan sila nung bata.
May anak na pala siya.
Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Inigo?
Hindi sana ako magugulat at makakaramdam ng kirot sa loob ko.
Bakit nga ba ako magtataka?
Iniwan ko siya at hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga binitawan kong salita sa kanya noon, na kalimutan na niya ako, na bumalik na siya dati nitong buhay.
"Why are you crying, man?" Isang tanong ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang nakakapasong luha na lumandas dito.
"Man? Bakit mo tinawag na 'man' ang tito Inigo mo? I told you that he's your uncle." Nagtatakang tanong ni Karleigh sa bata. Binalingan ako ni Karleigh.
"May problema ka ba? Bakit umiiyak ka?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin, pero hindi ako makasagot, hindi ko mapigilan na titigan ang batang lalaki.
"He's not Uncle Inigo, he's different from him, mom!" Napatayo ako bigla at nagkunwaring pupunta sa restroom kahit hindi ko iyon alam kung saan.
Natigil ako sa paglalakad nang may mga grupo ng bata na nasa edad 4 hanggang pitong gulang, lumabas sa bahay at palapit sa pwesto namin at walang ibang isinigaw ang salitang "mommy."
Nakangiti silang nag-bow nang makita nila ako at binato bilang sa pangalang "Uncle Inigo." Masaya ring bumati ng magandang umaga ang mga matandang babae sa akin. Napansin ko na nasa tabi ko na si Karleigh karga-karga ang batang lalaki.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Andrei?" Tanong ng isang matandang babae at kinarga niya ito, sumama naman ang bata na si Andrei.
"Mukhang wala na po siyang lagnat, napakain ko na rin po siya, pero hindi ko pala nakuha ang gamot nito sa loob." Paliwanag ni Karleigh.
"Ako na ang magpapainom, very good na pala ang baby naming si Andrei." Masayang nagpalakpakan ang mga bata habang nakatingin kay Andrei.
"Bukas pwede na siyang sumama sa atin sa classroom para mag-aral." Sabi pa ng isang matandang babae na ikinatuwa pa ng mga bata.
"Ihahanda ko na po yung tanghalian para makakain na ang mga bata." Paalam ni Karleigh at nauna na sa paglalakad para makapasok muli sa loob ng bahay, isa-isa na ring tumakbo ang mga bata papunta sa malawak na hardin kung saan may playground. Napalingon ako kay Karleigh ng tawagin ako nito.
"Akala ko gagamit ka ng restroom?"
***
Hapon na at naisipan kong umuwi na, mukhang wala na akong magagawa, baka nakakaabala lang ako sa kanya. Tanggap ko na rin, matagal na. Ramdam ko naman na masaya na siya, sana lang talaga. Tumayo na ako sa pagkakaupo, nasa upuan ako tulad kaninang umaga kung saan kumain kami ni Karleigh na ngayon ay nasa playground kasama ng mga bata, naglalaro. Hindi ko napansin na nasa gilid na pala si Aling Brenda, isa sa mga nag-aalaga sa mga bata dito sa orphanage.
"Mag meryenda na po kayo, sir." Inabot nito ang ilang chicken sandwich at iced tea na nasa isang tray.
"Hindi na po, pasensya na sa abala. Aalis na rin po ako." Magalang kong sabi at nag-bow pa ng ulo.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021