° Karleigh Pov °
"Maari ba siyang magkaroon ng trabaho sa kumpanya?" tanong ni Isaiah kay Wilsen. Nasa sa isang room kami kung saan may malaking screen na makikita ang mga litrato ng kumpanya nila Inigo. Bawat isa ay ipinapakilala ni Wilsen upang maging pamilyar kami, ang mga mukha ng mga administrators, empleyado at napatitig muli ako sa litrato ni Inigo na nasa itaas na parte katabi ng kan'yang ama na may katandaan na ang itsura. Kung pagmamasdang mabuti iisa lang talaga sila ni Isaiah kung wala lang suot na eyeglasses si Inigo mapagkakatiwalaan ko siyang si Isaiah.
Kung kaya ko lang maalala ang lahat. Kung kaya lang namin na maalala ni Isaiah ang mga kato'toanan bago mangyari ang insidenteng nabanggit ni Wilsen noon.
"Once you sign the contract you can have the power, as simple as that. Kailangan nating patunayan na hindi ka pa patay. Masyadong desperado ang mga kaibigan ng iyong ama para makuha ang kumpanya. Hindi ko maisip na kaya nilang patayin ang nag-iisang tagapagmana. But now, you are here, still alive and kicking. Isasampal natin sa kanila na sa'yo pa rin mapupunta ang kumpanya. And to answer your question . . . magagawa mong makasama sa opisina si Karleigh. You are the president you can do what you want to."
Sa lahat ng narinig ko sa sinabi ni Wilsen, isang bagay pa rin ang nagsisisigaw sa isip ko. Paano kung bumalik na si Inigo?
Nabanggit niya na nagawa nilang patayin ang tagapagmana. Paano kung mapahamak si Isaiah?
Naputol ang mahabang pag-iisip ko sa mga mangyayari nang maramdaman ko ang paghawak ni Isaiah sa kamay ko. Hindi ko namalayan kung ilang oras na akong nakatulala sa kawalan.
"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?" Sunod-sunod niyang tanong. Mukhang maayos na ang pakiramdam niya hindi tulad kagabi.
"Ha? Ano . . ." Inilagay niya sa magkabilang pisngi ko ang kan'yang mga palad. Nginitian pa niya ako na tila ipinaparating na okay lang ang lahat.
"Pupunta raw tayo sa mall, halika na."
***
Hindi ko na mabilang ang mga damit na pinahawak sa akin ni Isaiah, lagi ko rin naman iyong binabalik dahil hindi ko naman bagay ang mga iyon.
"Akala ko ba mga susuotin mo sa opisina ang bibilhin dito? Bakit pati ako—"
"Kasama kaya kita sa opisina kaya dapat maghanda ka rin."
Napatingin ako kay Wilsen na nginitian lang ako, may inabot rin siyang pares ng sapatos sa akin. Mukha ba akong nagsusuot ng heels?
"Kailangan ba talaga 'to?" tanong ko sa kan'ya. Abala naman si Isaiah sa pagpili muli ng mga damit.
"Kailangan. Dapat nating gawin ang tama para hindi mapasakamay ng iba ang kumpanya. Sa pamilya ni Inigo iyon, at kapag dumating ang araw na mahulog sa lason ng mga taong makasarili ang ama ni Inigo mawawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya."
"Tutulungan ko si Isaiah tungkol sa trabaho. At ikaw, Karleigh kailangan mo siyang suportahan alam mo na ang ibig kong sabihin," dagdag pa niya at nagpatuloy sa pagpili ng mga gamit.
Sumunod ay sa isang salon kami pumunta. Noong una ay tumutol pa si Isaiah sa pagpapagupit ng kan'yang buhok. Kahit naman ako hindi ko inaasahan na iibahin pa rin pala ang itsura niya para maging si Inigo. Ngayon unti-unti kong naiintindihan ang takot na nararamdaman ni Isaiah noong nakaraang gabi. Ang takot sa pagpapanggap niya na maging ibang tao.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021